HALOS NAROON NA TAYO!


Paunang-salita
v

Paunang-salita


NANG WALANG PAUMANHIN, AY LAYUNIN NG AKLAT NA ITO NA BALAAN ANG LAHAT NG TAO HANGGA’T MAAARI, TUNGKOL SA MARAMING KATIBAYAN SA BIBLIA, NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO AY HALOS NARITO NA. ANG KATAPUSAN NG MUNDO AY ANG NAKATATAKOT AT KASINDAK-SINDAK NA ORAS, NA TATAPUSIN NI JESUCRISTO, ANG KATAAS-TAASANG PINUNO NG SANGKATAUHAN, ANG PAMAMARAAN NG PAGHATOL NA NAGSIMULA SA HALAMANAN NG EDEN, NANG SUWAYIN NINA ADAM AT EVA ANG DIOS.

       Ang bawa’t isang taong hindi ligtas ay makakaranas ng buong matinding galit ng Dios. Kung hindi binayaran ni Cristo ang kaparusahan sa iyong mga kasalanan, ay mararanasan mo ang tunay na matinding galit ng Dios.

       Walang may gustong pag-usapan ang ganitong uri ng impormasyon. Walang mas nakakapanghina ng loob. Mas madaling mabuhay sa buong pagtanggi, lihim na umaasa na ang lahat ng usapang ito sa araw ng paghuhukom, ay usapan lamang at hindi dapat tanggapin nang totohanan.

       Gayon pa man, nang malaman nating ang Biblia ay lubos na totoo at makapangyarihan, ay iniutos sa ating sabihin sa mundo ang lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa nakatatakot na pangyayari. Ang mga tunay na mananampalataya kay Cristo ay walang pagpipilian.. Kailangan nilang balaan ang mundo sa namimintong paghatol. Ang propetang si Jonas, halimbawa, ay inutusan ng Dios ng magpunta sa Ninive, upang balaan ang masamang lungsod na apat na pung araw pa, ay wawasakin sila ng Dios. Si Jonas ay hindi talagang masaya na dalhin ang nakatatakot na balita sa Ninive, subali’t, sa bandang huli, siya ay sumunod. Nang kamangha-mangha, ang mga tao sa Ninive ay nagsisi at may kababaang-loob na nagsumamo sa Dios, umaasang sila ay kaaawaan ng Dios. At ang Dios ay naawa sa kanila, at hindi winasak ng Dios ang kanilang lungsod.

       Pareho ang kalagayan sa kasalukuyan, maliban sa ang buong mundo ang nakikita. Ang takdang oras ay wala pang tatlong taon, kaysa sa 40 araw. Samantalang ang buong lungsod ng Ninive ay nagsisi, ang buong mundo sa ating panahon ay hindi magsisisi. Gayon pa man, ang mabuting balita ay ipinapahayag ng Bibliya na ang lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinoman, ay may kababaang-loob na magsusumamo sa Dios, at ang malaking ani ng mga tao, na piniling iligtas ng Dios, ay bibigyan ng buhay na walang-hanggan, at makaliligtas sila sa paghatol ng Dios.

       May isang karaniwang paniniwala, lalo na ng mga kasapi ng mga lokal na simbahan, na si Cristo ay darating gaya ng magnanakaw sa gabi. Kaya, ipinaglaban nilang walang dapat maging interesado, sa pagtatangkang malaman mula sa Biblia, kung ano ang sinasabi ng Dios tungkol sa pagsasaoras ng katapusan ng mundo.

       Ang mga taong ito ay tama. Ang Biblia ay nagtuturo niyan, na para sa maraming tao, si Cristo ay darating gaya ng magnanakaw sa gabi. Basahin natin sa I Tesalonica 5:2-3:

Paunang-salita
vi

 

Sapagka’t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

 

      Subali’t pagkatapos, ang Biblia ay nagsasabi sa bersikulo 4-6:

 

Nguni’t kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: Sapagka’t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo’y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo’y mangagpuyat at mangagpigil.

 

       Ang mga bersikulong ito ay nagtuturong may dalawang uri ng tao sa mundo na nauunawaang ang mundong ito ay magwawakas, sa panahong ihihiwalay ng Dios ang ligtas sa hindi ligtas. Ang parehong pangkat ay nakakaalam na ang hindi ligtas ay makakaranas ng tunay na matinding galit ng Dios, at ang mga ligtas ay makakasama ni Cristo magpakailanman sa pinakamatinding kaligayahan at kaluwalhatian.

       Sa isang pangkat ay kabilang ang maraming taong naniniwalang sila ay naligtas, subali’t sa katotohanan, sila ay hindi naligtas. Hindi nila nalalamang sa ating panahon, ay inihayag ng Dios, sa Biblia, ang malaking bilang ng impormasyon na maiuugnay sa tamang panahon ng kasaysayan, hanggang sa katapusan ng mundo, at wala silang pagmamalasakit na sikaping malaman ang lahat ng itinuturo ng Biblia. Sila ay nagtitiwalang sila ay naligtas, at kaya nga, talagang walang pagkakaiba kung si Cristo ay darating. Para sa kanila, Siya ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Subali’t nang nakalulungkot, ang mga bersikulong ito ay nagtuturong kapag si Cristo ay dumating, ang biglang pagkawasak ay darating sa kanila. Sa kanilang kakulangan ng malasakit na malaman hangga’t maaari kung ano ang itinuturo ng Biblia, ay ipinapakita nilang sila ay hindi naligtas, at nasa ilalim pa rin sila ng nakatatakot na matinding galit ng Dios.

       Subali’t maraming tao rin, na dahil sa kanilang pagmamahal at paggalang sa Biblia, ay nalamang ang Biblia ay nagbibigay ng maraming impormasyon tungkol sa tamang panahon ng kasaysayan. Kaya, alam nila ang maraming detalye tungkol sa mga pangyayari sa katapusan ng panahon, gayon din ang talatakdaan ng panahon ng mga pangyayaring ito. Binabanggit sila ng Biblia na mga bantay (Ezekiel 33:2-9), na diyan ay binalaan nila ang hindi naligtas sa mundo sa namimintong katapusan ng mundo, na talagang malapit na.

       Ang aklat na ito ay isinulat na umaasang, ikaw rin, ay makakaunawa ng lubos na kahalagahan ng mabigat na kalagayan ng mundo. Walang paraan upang palitan ang plano ng Dios para sa katapusan ng mundo. Gayon pa man, posibleng ikaw rin, ay maaaring isa sa makaliligtas sa matinding galit ng Dios sa pamamagitan ng pagpapala ng Kanyang kamangha-manghang pagliligtas.

      Sa aklat na ito ay madali nating titingnan ang mga pagkilos ng Dios sa buong kasaysayan ng mundo, habang inihahayag ng Dios ang Kanyang plano ng kaligtasan

Paunang-salita
vii

sa mundo. Tayo ay maliwanag na tutuon sa huling panahon sa kasaysayan ng mundo, nang ang dalawang malaking pangyayari ay magkasabay na nangyayari. Ang mga pangyayaring ito ay ang pagkakatapos sa pamamaraan ng paghatol, at ang pagliligtas sa lubhang karamihan ng mga tao, na hindi mabibilang ng sinoman.

       Sa aklat na ito, ang maraming petsa ng iba’t ibang makasaysayan, gayon din ang hinaharap na mga pangyayari, ay ibinigay. Sa mga nais suriin ang karagdagang patunay sa Biblia sa mga petsang ito, at upang matiyak ang detalyadong impormasyon, tungkol sa mga pangyayaring iniugnay sa mga petsang ito, sila ay inaanyayahang tumawag o sumulat sa Family Stations, para sa libreng mga aklat na nagpapakitang ang lahat ng impormasyon ay nagmula sa Biblia, at hindi natamo sa pamamagitan ng anumang uri ng pala-palagay o hula-hula. Ang mga aklat ay kabilang ang mga sumusunod na pamagat.

       Ang Panahon ay May Katapusan

       Ang Katapusan ng Panahon ng Simbahan at Pagkalipas

       Ang Trigo at ang mga Pangsirang Damo

       Ang Unang Pamamaraan ng Pag-aaral ng Biblia

       Ako ay Umaasang Maliligtas Ako ng Dios

       Kailan Adam?

      Ang Walang-maling Pagkakatugma ng mga Bilang ng mga Haring Hebreo


  Talaan ng mga Nilalaman Kabanata 1