HALOS NAROON NA TAYO!


Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
64

Kabanata 6.
Ako ba ay May Pag-asa?



       Ang Biblia ay maliwanag na nagsasabing ang Panginoong Jesucristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi (II Pedro 3:10; I Tesalonica 5:2). Nalaman nating ito ang dapat maging pagkakaunawa sa buong panahon ng simbahan. Kaya, ang mga mag-aaral ng Biblia at mga teologo ay hindi dapat mabahala sa kanilang mga sarili sa pagsasaoras ng pagbabalik ni Cristo. Kailangan nilang tumuon sa agarang tungkulin ng pagpapahayag sa Ebanghelyo sa buong mundo (Mga Gawa 1:6-8).

       Gayon pa man, nalaman nating sa talagang malapit sa panahon ng katapusan ng mundo, ang mga tunay na mananampalataya ay maraming malalaman tungkol sa tamang panahon ng kasaysayan (Eclesiastes 8:5-6; I Tesalonica 5:3-5; Apocalipsis 3:3).

       Tayo ngayon ay nasa panahong iyan ng kasaysayan, at kaya nga, sa katunayan, ay natiyak natin nang may labis na pagkaeksakto sa Biblia ang araw, ang buwan, at ang taon ng pagsasaoras ng katapusan ng mundo.

       Sapagka’t ang katapusan ng panahon ay napakalapit na, ay dapat tayong labis na mabahala: AKO BA AY MAY PAG-ASA? Sa katunayan, may malaking pag-asa para sa sinumang nabubuhay ngayon. Ito ay totoo sapagka’t maliwanag na tinitiyak ng Dios sa atin na sa panahong ito ng kasaysayan, ang lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinoman, ay maliligtas (Apocalipsis 7:9-14). Kaya nga, dapat nating madaling talakayin ang planong kaligtasan ng Dios. 12

       Sa Marcos 1:14b-15, nagpapahayag si Jesus ng utos ng Dios sa lahi ng tao:

 

…napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

 

       Ang manampalataya sa Ebanghelyo gaya ng iniuutos sa bersikulong ito ay nangangahulugang kilalaning ang Ebanghelyo ay nagmula sa bibig ng Dios. Kaya nga, ito ay lubos na totoo, lubos na mahalaga, at lubos na makapangyarihan. Ito ang batas ng Dios, ang Biblia, na dapat sundin ng bawa’t isang tao. Kaya nga, ang taong naniniwala sa Biblia ay kailangang sikaping maging masunurin hanggang maaari, sa abot ng pagkakaunawa niya ang Biblia.

      Ang bawa’t tao sa natural ay may kakayahan sa isang antas na gumawa ng ilang espirituwal na gawain, kabilang ang maniwala at sumunod sa Biblia. Ito ay sapagka’t ang batas ng Dios ay nakasulat sa kanyang puso (Roma 2:14-15), at ang Dios ay binigyan siya ng budhi upang magkaroon siya ng pagkaunawa sa moralidad.. Kahit na siya sa espirituwal ay patay, kapwa sa katawan at sa kaluluwa, kaya walang posibilidad sa kanyang sariling matamo ang espirituwal na buhay, siya sa isang antas


12 Para sa mahalagang mas malalim na pag-aaral sa planong kaligtasan ng Dios, inaaanyayahan kayong tumawag o sumulat sa Family Radio upang makatanggap, ng libreng aklat na Ako ay Umaasang Maliligtas Ako Ng Dios. Ang direksiyon ay: Family Radio, Oakland, CA 94621. O maaari kayong tumawag: 1-800-543-1495. Ang aming direksiyon sa email ay: familyradio@familyradio.org

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
65

, ay may kakayahan pa ring sundin ang mga batas ng Dios. Ang bawa’t isang tao, sa isang antas, ay nagsisisi, o tumatalikod sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga, siya ay nabubuhay ng isang desente at moral na buhay. Sa natural, siya sa espirituwal ay patay sapagka’t siya ay lahi ni Adam,ang una nating magulang. Nang si Adam ay nagkasala sa Halamanan ng Eden, sa prinsipyo, ang buong lahi ng tao ay nagkasala sapagka’t tayong lahat ay nasa balakang ni Adam (I Corinto 15:22).

       Gayon pa man, lubos na wala siyang kakayahang maligtas, iyan ay, para matamo ang buhay na walang-hanggan sa kanyang katawan o sa kanyang kaluluwa. Ito ay totoo sapagka’t ang Ebanghelyo ay nagpapahiwatig na ang kabayarang hinihingi ng batas ng Dios para sa kasalanan ay ang makasalanan ay kailangang parusahan sa pamamagitan ng nakahihiyang kamatayan. Kaya, ang bawa’t taong nahatulan sa nakahihiyang kamatayan dahil sa kanyang mga kasalanan kailanman ay hindi na muling mabubuhay, at nawala ang kahanga-hangang pamana na buhay na walang-hanggan. Kaya nga ang bawa’t isa sa atin ay kailangang humanap ng isang taong magiging kahalili natin o kapalit sa pagdadala ng kaparusahang ito sa ating kapakanan.

       Ang utos ng Marcos 1:15, na manampalataya sa Ebanghelyo at magsisi (tumigil magkasala at sundin ang Biblia), ay ibinigay malapit sa 2,000 taong nakaraan. Ito ay nagpapahayag na “naganap na ang panahon.” Sa panahong iyon dumating si Jesus, ang Mesias, upang ipakita ang pagbabayad na hinihingi ng batas ng Dios sa kapakanan ng lahat ng pinarituhan niya upang iligtas.

       Sa ngayon, ang pariralang, “naganap na ang panahon” ay mas nababagay sa planong kaligtasan ng Dios sapagka’t nasa napakaikling panahon tayo mula sa buong pagkatapos ng planong kaligtasan ng Dios. Habang pinag-aaralan natin ang Kanyang dakilang planong kaligtasan para sa mundo, ating nalalaman na sadyang may tatlong uri ng tao sa mundo. Sila ay ang mga sumusunod.

       1. Ang mga iyon na sa kanilang buong buhay kailanman ay hindi narinig ang kahit na anong mga salita mula sa Biblia.

       2. Ang mga nakarinig ng ang mga aral ng Biblia, ngunit hinahamak at tinutuya ang Biblia, o lumalapit sa Biblia na may sarili nilang inisip munang mga ideya ng katotohanan.

       3. Ang mga naniniwala na ang Biblia ay ang Salita ng Dios at nang matapat at nang may kababaang-loob na hinahangad ang kaligtasan, alinsunod sa kabuuan ng katotohanan ng Biblia.

Ang Mga Kailanman ay Hindi Nakarinig

      Sa buong kasaysayan ng mundo, ay may mga nabuhay at namatay na hindi man lamang narinig o nabasa ang kahit na anong mga salita mula sa Biblia. At sapagka’t “ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17), ay dapat tayong maniwalang wala sa mga taong ito ang hinirang ng Dios na maligtas. Kaya nga, hindi kinakailangan ng Dios na sa anumang panahon sa kanilang buong buhay na ilagay sila sa ilalim ng pakikinig sa Salita ng Dios.

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
66

Ang Mga Nakarinig ng Salita Subali’t Mga Taong Mapangutya

       Magmula ng ibinigay ng Dios ang utos na magsisi at maniwala sa Ebanghelyo (Marcos 1:15), ay layunin ng Dios sa mundo, na hangga’t maaari maraming tao ay makarating sa ilalim ng pakiking ng Ebanghelyo. Kaya nga, malapit sa 2,000 taong nakaraan, si Jesus ay nag-utos na ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ay magpahayag ng Ebanghelyo sa buong mundo (Mateo 28:19-20).

       Nakakalungkot, na ang pagtugon ng napakaraming tao na kahit paano ay may-kaalaman sa Biblia, ay tumuya o kung hindi naman ay hinamak ito, o sumunod sa sarili nilang mga kautusan kaysa sa mga kautusan ng Biblia, habang nagsisikap silang maunawaan ang katotohanan sa Biblia. Ang mga tumutuya sa Biblia ay napaniwalang may mga pagkakamali at pagkakasalungat sa Biblia, at kaya nga, wala silang hangarin o pangangailangang sundin ito. Ang mga lumalapit sa Biblia na may sarili nilang pamamaraan ng pagpapakahulugan na ginawa ng tao, o ang inilagay ang kanilang tiwala sa kanilang simbahan o sekta bilang pangunahing kapangyarihan, kaysa sa magtiwala sa Biblia, sila ay sumunod rin sa mga doktrinang hindi matapat sa Biblia.

       Itinuturo ng Biblia na ang mga taong hindi naligtas ay maaaring sundin ang mga batas ng Dios sa isang antas. Ang katotohanang ito ang nagpapaliwanag ng maling pag-asa ng maraming tao. Halimbawa, ito ay totoo sa mga kasapi ng mga simbahang nagtuturo ng limang paksa ng Calvinism, na ibinatay sa Canons ng Dort, isang makasaysayang doktrina. Ang unang paksa ay kailangan tayong maniwala na bago tayo naligtas, tayo ay lubos na masama. Dahil ang mga kasapi ng mga simbahang ito ay nabubuhay ng disente, moral na mga buhay, at sumusunod sa mga alituntunin ng kanilang simbahan ay nalalaman nilang hindi sila maaaring maging lubos na masama. Itinuro sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga kumpisal na ang lubos na kasamaan ang espirituwal na kalagayan ng hindi naligtas. Kaya nga, ang kanilang mapitagang uri ng pamumuhay at pagkamatapat sa kanilang simbahan, kasama ang katotohanang sila ay binautismuhan sa tubig at matapat na mga kasapi ng kanilang simbahan ay tiyak na pinatutunayan sa kanilang dahil hindi sila lubos na masama, kaya, maaaring sila ay naligtas ng Dios. Nabigo silang maunawaang ang patunay ng kaligtasan ay ang masidhing hangaring maging masunurin sa buong Biblia. Kaya, sila ay nabitag sa walang kaligtasang kalagayan dahil sa pagtitiwala sa desisyon ng teolohiya na wala sa Biblia.

      Ang isa pang halimbawa ay maaaring maobserbahan. Sa maraming ibang simbahan, ang susi sa kaligtasan na itinuro ay ang pansariling pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas at bautismo sa tubig. Sa mga simbahang ito, ang mga pagkilos na ito, kasama ang katapatan sa mga alituntunin ng simbahan, at pamumuhay ng disente at moral na buhay, ay parang binibigyan sila ng sapat na katiyakan ng kaligtasan. Gayon pa man, ito ay programa ng kaligtasang binalak ng mga teologo kaysa sa tamang programa ng kaligtasan na ibinigay sa Biblia, na ang ebidensiya ng


13 Ang Canons of Dort, o mga doktrina, ay mga pagkaunawa sa doktrina na hinawakan ng makalumang mga simbahan ng Presbyterian at mga simbahan ng Reformed na sinusunod na mabuti ang mga pagkaunawa sa teolohiya ni John Calvin, ang bantog na teologo na nabuhay mga 400 na taong nakaraan.

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
67

pagkakaligtas ay ang matindi at patuloy na hangaring maging matapat sa lahat ng bagay sa Biblia.

       Kaya nga, ang mga simbahan sa ating panahon na sinasabing maingat nilang sinusunod ang lahat ng mga aral ng hindi maaaring magkamaling Salita ng Dios, ang Biblia, ay puno ng mga disente, moral na mga tao na mga kasapi na nasa buong pakikiisa. Ang mga minamahal na taong ito ay walang ideya na sila ay nasa ilalim pa rin ng matinding poot ng Dios, ni hindi nila nakikita ang anumang pangangailangan sa maingat na pagsusuri ng mga aral ng kanilang simbahan upang matiyak kung ang kanilang simbahan ay tunay na matapat sa Biblia.

       Dapat silang matakot sa babala ng I Tesalonica 5:2-4. Ito ay totoo sapagka’t sa katunayan ang lahat ng mga nasa simbahan ay naniniwalang sila ay ligtas kay Cristo, at kaya nga, sila ay nasisiyahang paniwalaang Siya ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Ang I Tesalonica 5:2-4 ay nagpapahayag:

 

Sapagka’t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. Nguni’t kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw.

 

       Ang biglang pagkawasak ay maaaring tumutukoy lamang sa araw ng paghuhukom na halos narito na. Kasindak-sindak na ang mga minamahal na mga taong ito ay sumasailalim pa rin sa tunay na matinding poot ng Dios na kailangang dumating sa sinumang hindi naligtas.

       Sa maraming pagkakataon, ang mga taong ito ay disente, moral na mga tao na talagang madasalin at matapat na mga kasapi ng simbahan. Gayon pa man, sa pamamagitan ng paglapit sa Biblia na may kanilang inisip munang maling mga doktrina, na itinuro ng kanilang simbahan, sa mabisang paraan, ay hindi nila naririnig ang Salita ng Dios. Naririnig nila, at hangad na sundin, ang mga maling doktrina ng kanilang simbahan, sa halip ng itinuturo ng buong Biblia. Na hindi ito nauunawaan, ay madalas nilang binabasa ang Biblia, at pagkatapos, sa kanilang isipan, ay babaluktutin ang ang mga katotohanan sa Biblia upang pilitin silang sumang-ayon sa kanilang pansariling iniisip na mga ideya. Kaya, hindi sila nakikinig sa Biblia na may hangaring maging masunurin dito.

      Ang Biblia ay maraming pagtukoy sa ganitong uri ng pag-uugali. Madalas na nagpapaalaala ito na ang ganyang pag-uugali ay magbubunga sa tunay na matinding poot ng Dios na darating sa mga humahamak sa Kanyang Salita sa ganitong paraan. Hindi ito naghihikayat o nagbibigay ng pag-asa na maaari silang maligtas ng Dios. Sa katunayan, sila sa kanilang mga sarili ay nakikitang hindi nila kailangan ang ganyang pag-asa. Sila ay naniniwalang sila ay naligtas na, o batay sa kanilang sariling planong kaligtasan na ginawa nila mismo, sila ay naniniwalang sila ay maliligtas sa anumang sandali na hangarin nila.

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
68

       Ang kakaiba at masamang katotohanan ay, napapansin ng Dios ang ganitong uri ng espirituwal na paghihimagsik at madalas iniiwan ang mga taong ito sa kanilang paghihimagsik. Mababasa natin, halimbawa, na si Jesus ay nagpunta sa Nazaret upang mangaral, at ang Biblia ay nagtatala sa Marcos 6:5-6:

 

At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila. At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya’y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.

 

       Samantalang ang Dios ay talagang may kapangyarihan upang gawin na maniwala sa Kanya ang mga tao sa Nazaret, ay tiyak na binibigyang-diin Niya na ang taong walang hangad na sumunod sa lahat ng Salita ng Dios ay nasa napakalaking espirituwal na panganib. Ang pangkaraniwang tugon sa ganitong mga uri ng tao ay ipinahayag nang napakalinaw, halimbawa, sa Jeremias 26:4-6, na kung saan ay basahin natin:

 

At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo, Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni’t hindi ninyo pinakinggan; Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng Silo, at gagawin ko ang bayang ito na sumpa sa lahat ng mga bansa sa lupa.

 

Ang Mga May Kababaang-loob na Naniniwalang Dapat Sundin ang Biblia

       Ang Biblia ay bumabanggit ng ikatlong uri ng tao, at sila ay iyong mga nakikinig sa Biblia at matapat na hinahangad na maging masunurin dito. Sila ay naniniwalang ang Biblia, ang Ebanghelyo, ay batas ng Dios para sa kanila. Tinatanggap nilang sila ay mga nakakahiyang makasalanan at may malaking problema sa Dios. Kinikilala nila ang katotohanang ang Dios lamang ang makapagliligtas sa kanila, at kahit na sila ay kailangang parusahan sa pamamagitan ng walang-hanggang kamatayan dahil sa kanilang mga kasalanan, ay umaasa sila na posibleng kaawaan sila ng Dios (Lucas 18:13). Sinisikap nilang maging masunurin sa lahat ng nauunawaan nila sa Biblia na nalalamang mabuti na ang kanilang gawain na pagsunod ay hindi nakakatulong sa anumang paraan sa kaligtasan o garantiyang ililigtas sila ng Dios. Maaari nilang malaman na ang Dios ay nagliligtas ng lubhang karamihan ng mga tao sa panahong ito, at sapagka’t ang Dios ay maawain, sila rin ay posibleng maging ligtas.

      At kaya, humingi sila sa Dios ng Kanyang awa, nalalamang sa hindi nararapat na awa lamang ng Dios kung sila ay maliligtas. Samantala, habang matiyaga silang naghihintay sa Dios (Mga Panaghoy 3:26), pinagsisikapan nilang malaman ang lahat na maaari nilang malaman mula sa Biblia, upang sila ay maging masunurin hanggang maaari sa batas ng Dios.

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
69

       Hindi natin malalaman kung bakit ang damdamin nitong ikatlong pangkat ng mga tao ay talagang naiiba sa ikalawang pangkat. Maaaring hinihila sila ng Dios sa paghahandang sila ay maligtas. Maaaring bunga lamang ito ng katotohanang ang batas ng Dios ay nasusulat sa kanilang mga puso, at ang kanilang budhi ay binabalaan sila ng mga bunga ng kanilang kasalanan. Ang mahalagang katotohanan ay hindi kung bakit sila may ganitong masunuring damdamin tungkol sa Biblia. Ang mahalagang katotohanan ay mayroon silang masunuring damdamin tungkol sa Biblia.

       Dapat nating tandaan na ang sinuman, sa anumang oras, na sumusunod sa anomang batas ng Dios ay gumagawa ng espirituwal na gawain. Ngunit ang gawaing iyon ay hindi kailanman makatutulong sa kaligtasan ng isang tao (Efeso 2:8-9). Ang kaligtasan ay darating lamang sa hinirang, at ang gawain ng paghirang ay lubos na gawain ng Dios lamang. Kaya nga maaaring iligtas ng Dios ang isang sanggol, o ang taong lubos na inutil sa kaisipan, na nasa ilalim ng pakikinig ng Biblia.

       Sa mahiwagang pagpapala ng Dios, ay nagbibigay Siya ng mga espirituwal na tainga sa hinirang, na kasama ng mga likas na nakaririnig sa Salita ng Dios. Basahin natin sa Mateo 11:15:

 

Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.

 

       Sa ganyang paraan, ay malalaman nating ang Dios, sa mahiwagang gawaing ito ng pagliligtas, ay binabanggit ang mga tao mula sa dalawang magkasalungat na aspekto. Sa isang banda, ay binabanggit Niya ang sa pangkatawan ay naririnig ang Ebanghelyo, at sinumang, kung mayroon silang anumang kakayahan na maunawaan nang kahit na kaunti ang Salita ng Dios, ay sisikaping maging masunurin sa Biblia. Sa kanilang pagsunod, ay nananalangin sila sa awa ng Dios; sila ay matiyagang naghihintay sa Dios, na umaasang sila rin, ay maligtas. Sa kanilang hangaring maging masunurin, kahit na paano, sila ay nasa kapaligiran (ng Biblia) na kung saan, ay ililigtas sila ng Dios kung talagang hahangarin ng Dios.

       Sa kabilang banda, ang Dios ay nagbibigay ng maraming mga babala sa mga nasa ilalim ng pakikinig ng Salita ng Dios, subali’t hindi nakikinig na may mababang-loob na hangaring sundin ang Salita ng Dios. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagkilos, ay ipinapahiwatig nila sa mabisang paraan na kinamumuhian nila ang Salita ng Dios. Pauli-ulit na nagbababala ang Dios na ang ganyang mga pagkilos, kung magpapatuloy, ay hahantong sa hatol ng buong kahihiyan, pagsumpa, pagkawala ng pamana, at kamatayan na lahat ay bahagi ng matinding poot ng Dios laban sa kasalanan.

       Hindi ito ang panahon para sa pagpapahalaga sa sarili, pagkamakasarili, kahambugan, o kahit na ang paggalang sa sarili. Hindi ito ang panahon para sa higit na kahusayan sa espirituwal o kahambugan sa espirituwal. Ito ang panahon na dapat nating lubos na tanggapin ang buong kapangyarihan ng Biblia sa ating mga buhay, at kaya nga, makinig nang talagang maingat sa sinasabi ng Dios sa bawa’t isa sa atin ngayon.

      Ito ay panahon na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na lubos na maunawaang ang kahihiyan ng kanyang mga kasalanan, at ang katiyakan na dahil sa kanyang mga kasalanan, ay karapat-dapat siya sa buong bigat ng matinding galit ng Dios. Ito ay panahon na may kababaang-loob na magsumamo sa Dios sa Kanyang hindi nararapat na awa. Ito ang panahon na ang bawa’t isa sa atin ay maunawaang ang Dios ay

Kabanata 6. Ako ba ay May Pag-asa?
70

maawain. Ang Kanyang mahirap paniwalaang awa ay mas dakila kaysa sa nararapat sa kahit na sino sa atin o posibleng maaaring isipin.

       Sa araw na ito, sa Kanyang dakila at kahanga-hangang awa, inililigtas ng Dios ang lubhang karamihang mga tao. Ito ay posible, kaya nga, na habang ang kahit na sino sa atin ay may kababaang-loob na nagsusumamo ng awa, kung tayo ay hindi pa naligtas, maaaring isa tayo na kasama sa lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinoman.

      ANG MAHALAGANG KATANUNGAN AY: May kababaang-loob ka bang nagsusumamo sa Dios ng kaligtasan, na nalalamang mabuti na hindi ka karapat-dapat dito, habang isinasaalang-alang mo ang iyong nakakahiyang hindi pagsunod at paghihimagsik sa mga batas ng Dios? Alalahanin ang mga tao sa Ninive (Jonas 3:6-10).

KAAWAAN SANA NG DIOS ANG BAWA’T ISA SA ATIN!


Kabanata 4 Talaan ng mga Nilalaman