HALOS NAROON NA TAYO! |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 49 |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama? | ||
Subali’t dumating ngayon ang mahalagang katanungan? Paano natin matitiyak ang tamang panahong ito? Ito ay isang kamangha-manghang paksa, na tiyak na nanaisin nating tayo ay bibigyan ng Dios ng higit na katiyakan, kung ito, sa katunayan, ay makatwirang pagkakaunawa sa tamang panahon ng katapusan. |
||
Ang Biblia ay nagtatala ng isa pang kahanga-hangang pangyayaring dumating na pangggitnang bahagi ng planong kaligtasan ng Dios. Iyan ay ang kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesucristo. Kung hindi tayo lubos na makatitiyak na si Cristo ay binuhay na muli bilang patunay na binayaran Niyang lubusan ang mga kasalanan ng hinirang, kung gayon ay maiiwan tayong nagdududa tungkol sa buong programa ng kaligtasan. |
||
Upang ibigay sa atin ang katiyakang iyan, ay basahin natin ang Mga Gawa 1:1-3: |
||
|
Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang; Na sa kanila nama’y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya’y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios: | ||
At ang Dios ay nagsasabi sa I Corinto 15:3-8: |
||
|
Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan, At siya’y napakita kay Cefas, at saka sa labing dalawa; Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito’y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa’t ang mga iba’y nangatulog na; Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol; At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin. | ||
Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturong layunin ng Dios na ang katotohanan ng pagkabuhay na muli ni Cristo ay hindi na dapat pagtalunan. Ang sinumang manindigang ipagkaila ang kamangha-manghang katotohanang ito ay matalino lamang sa kanyang sariling mata, at iniisip niyang mas marami siyang nalalaman kaysa sa Dios. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 50 |
||
Nang kamangha-mangha, habang binubuksan ng Dios ang ating mga mata sa pagtatapos ng mga pangyayari ng kasaysayan ng mundo, ang Dios ay nagbibigay rin ng maraming patunay na tinitiyak sa atin na ating naunawaan nang tama ang tiyak na pagsasaoras ng mga pangyayari sa pagtatapos ng kasaysayan ng mundo. |
||
Sa ganyang kaalaman ay nailathala natin kahit paaano ang pansamantalang guhit-balangkas ng mga pangwakas na mga pangyayari ng mundong ito. Sapagka’t sila ay talagang mahalaga ay muli natin silang ibubuod. Nakarating tayo sa mga sumusunod na petsa. |
||
1. Ang pagkakapako sa krus kay Jesus ay sa ika-14 na araw sa unang buwan ng A.D. 33. Ito ay Nisan 14, A.D.33, ng kalendaryo sa Biblia, at Abril 1, A.D.33, sa ating makabagong kalendaryo. |
||
2. Ang panahon ng simbahan ay opisyal na nagsimula sa sumunod na Pentecostes, na Mayo 22, A.D.33. |
||
3.. Ang panahon ng simbahan ay opisyal na nagtapos at nagsimula ang 8,400 mga araw ng malaking kapighatian isang araw bago ang Pentecostes sa 1988, na Mayo 21, 1988. |
||
4. Ang unang 2,300 mga araw ng malaking kapighatian ay nagsimula noong Mayo 21, 1988, at nagtapos noong Setyembre 7, 1994. |
||
5. Ang ikalawang bahagi ng malaking kapighatian na binubuo ng 6,100 mga araw (8,400-2,300=6,100), ay nagsimula noong Setyembre 7, 1994, at magtatapos sa Mayo 21, 2011. |
||
6. Ang huling limang buwan ng kasaysayan ng mundo ay magsisimula sa Mayo 21,2011, at magtatapos sa Oktubre 21,2011. |
||
Sa ganyang kaalaman ay nailathala natin ang pangunahing guhit-balangkas ng mahalagang oras ng panahon na nagbibigay-daan sa katapusan ng mundo. Naipakita rin natin ang impormasyon sa Biblia na naging dahilan upang marating natin ang impormasyong ito sa panahon. |
||
Subali’t ngayon ay nais nating suriin ang mga petsang inilathala sa panahong ito upang ilarawan sa liwanag ng iba pang impormasyong maibibigay sa atin ng Biblia. Malalaman nating ang Dios ay nagbigay ng napakaraming karagdagang impormasyon upang ating malaman, na walang anumang pagdududa, na ito ay lubos na tamang-tamang talatakdaan ng panahon. Ilalathala natin ngayon ang bawa’t paksa upang ipakita kung gaanong kahigpit umangkop ng sama-sama ang panahon. |
||
Magsisimula tayo sa tagal ng panahon ng simbahan, na nagsimula sa Mayo 22, A.D.33, at nagtapos sa Mayo 21,1988. Ang panahon ng simbahan ay parehong kabilang ang Mayo 22, A.D.33, at ang Mayo 21 ng taong 1988. Nangangahulugang nagpatuloy ito sa loob ng 1,955 taon (1988-33=1,955) hanggang sa talagang araw. Ang pariralang hanggang sa talagang araw ay tumutugma sa tamang walang maling mga nakaraang paggawa ng Dios. Halimbawa, ang Israel ay nasa Egipto ng 430 taon |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 51 |
||
“ng araw ding yaon” (Exodo 12:40-41). Maipapakita mula sa impormasyon sa Biblia na simula nang lisanin ng Israel ang Egipto, hanggang dumating ang Israel sa Ilog Jordan upang maghandang tumawid, ay 40 taon hanggang sa talagang araw. |
||
At saka, sapagka’t si Cristo ay nagsalita sa mga talinghaga, ay makikita natin ang walang katulad na katangian ng 1,955 taon. Tandaang, ang talinghaga ay isang makalupang kuwento na may makalangit na kahulugan. Kaya, ang mga salita o mga bilang ( na mga salita rin), ay maaaring magkaroon ng makalupa, totoong kahulugan, at maaari rin silang magkaroon ng espirituwal na kahulugan. Kaya, sa kadalasan ang bilang na 3 sa espirituwal ay binibigyang-diin ang layunin ng Dios. Dito siguro mabuting muling ilathala ang espirituwal na kahulugan na kadalasan ay binibigyang-diin ng Dios sa pamamagitan ng paggamit ng mga numero. |
||
2- Ang mga inutusang maghatid ng Ebanghelyo |
||
3- Ang layunin ng Dios |
||
4- Ang pinakamalayong saklaw sa panahon o sa layo na nasa espirituwal na pananaw ng Dios |
||
5- Ang pagtubos, na binibigyang-diin ang kapwa paghatol at kaligtasan |
||
7- Ang ganap na pagkakatupad ng layunin ng Dios |
||
10- Ang pagiging tapos na tapos ng kung anuman ang nasa pananaw |
||
11- Ang unang pagdating ni Cristo, 11,000 taon pagkatapos ng paglikha |
||
12- Ang kapunuan ng kung anuman ang nasa pananaw |
||
13- Ang katapusan ng mundo, ang mga detalye na nagsimula nang tamang-tamang 13,000 taon pagkatapos ng paglikha |
||
17- Langit |
||
23- Matinding galit ng Dios o paghatol |
||
37- Matinding galit ng Dios o paghatol |
||
40- Pagsubok |
||
43. Matinding galit ng Dios o paghatol |
||
At saka, nalaman natin mula sa Biblia na kung ang mas malaking bilang ay maaaring paghiwa-hiwalayin sa mga mas maliit na bilang, na ang bawa’t isa ay may espirituwal na kahulugan, makakatulong sa atin upang maunawaan ang espirituwal na mensahe sa mas malaking bilang. Makatitiyak tayong ang mas malaking bilang ay nakapagbibigay ng mahalagang espirituwal na impormasyon na makatutulong sa ating maunawaan ang kabuuan ng nilalaman kung saan ito ay matatagpuan. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 52 |
||
Ang pamamaraang ito ay isinadula sa 1,955 taon ng panahon ng simbahan. Ang bilang na 1,955 ay maaaring paghiwa-hiwalayin sa 5x17x23. At ang lahat ng tatlong mga bilang ay may matinding espirituwal na kaugnayan sa espirituwal na katangian ng panahon ng simbahan. Basahin natin sa II Corinto 2:14-16: |
||
|
Datapuwa’t salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinapahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa’t dako. Sapagka’t sa mga inililigtas, at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios: Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito? | ||
Ang mga bersikulong ito ay nagtuturo sa ating ang Ebanghelyo ay kapwa naghahatid ng kaligtasan at ng kamatayan. Ang kaligtasan ay iniuugnay sa langit (17). Ang kamatayan ay iniuugnay sa matinding galit ng Dios (23). Tandaang ang bilang na 5 sa espirituwal ay iniuugnay sa pagtubos. Kaya, ang 1,955 mga taon ng panahon ng simbahan, na panahong ang Ebanghelyo ay dapat ipahayag sa mundo, ay maliwanag na iniuugnay sa talagang uri at katangian ng Ebanghelyo: 1,955=5x17x23. Kaya, ang 1,955 mga taon ng panahon ng simbahan ay ibinatay sa pagtubos (5), na nagdala ng langit (17), at nagdala ng matinding galit ng Dios (23). Ito ba ay napataon? Hindi talaga ito napataon. Ito ay ganap na sumasang-ayon sa pamamaraan na ating isinalarawan dito. |
||
Ang isa pang pagpuna ay dapat gawin na may kaugnayan sa taong 1988. Nagkataon bang ang 1988 ay ika-13,000 anibersaryo ng kasaysayan ng mundo? Nalaman natin sa Biblia na ang mundo ay nilikha sa taong 11,013 B.C. Kung idadagdag natin ang 11,013 sa 1988 at ibabawas ang 1 (sapagka’t walang taong sero sa pagpunta sa kalendaryo ng Matandang Tipan patungo sa kalendaryo ng Bagong Tipan), ang kabuuan ay 13,000. Tiyak na ang taon ng katapusan ng panahon ng simbahan, na iniuugnay nang tiyakan sa ika-13,000 anibersaryo ng mundo, ay maaaring nagpapahiwatig na ang Dios ay sumusunod sa talagang tiyak na planong inihanda muna. |
||
Ang impormasyong ito ay nagiging lalong kawili-wili kapag naunawaan nating mula sa taon ng paglikha (11,013 B.C.), hanggang sa taon ng baha sa panahon ni Noe (4990 B.C.), nang dumating sa mundo ang paghatol ng Dios, ay eksaktong 6,000 dinagdagan ng 23 taon. Tandaang, ang bilang na 23 sa kadalasan ay nangangahulugan ng matinding galit ng Dios. Gayon din naman, mula sa taong 4990 B.C. hanggang A.D.33, nang tiniis ni Cristo ang paghatol ng Dios, ay eksaktong 5,000 idinagdag ang 23 taon, kabilang. Ngayon ay nalalaman nating ang taong 2011 ay ang kahuli-hulihang taon, at ang 11,013 B.C. hanggang A.D. 2011 ay katumbas ng 13,000 idinagdag ang 23 taon. Maaari kayang nagkataon ang lahat ng ito? Tandaang, pansamantala nating ipinalagay na ang 2011 ay ang kahuli-hulihang taon sapagka’t nauwaan natin ang labis na posibilidad na ang malaking kapighatian ay tatagal ng |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 53 |
||
eksaktong 8,400 na araw. At ang 8,400 mga araw ay eksaktong 23 buong taon. At ang 23 idinagdag sa 1988 ay dinala tayo sa 2011 bilang ang katapusan ng mundo. |
||
Ang huling 23 taon na nagsimula sa Mayo 21,1988, ay ang panahon ng malaking kapighatian, na simula ng oras ng katapusan sa buong mundong pamamaraan ng paghatol. Napakahalagang ang Mayo 21, 1988, ay katapusan ang panahon ng simbahan, na sa panahong ang paghatol sa malaking kapighatian ay nagsimula, na mahigpit na sumasang-ayon sa hula sa Biblia ni I Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Sa ganyang kaalaman ay nalaman nating kapwa ang taong 1988 at ang Mayo 21,1988, ay lubhang umaaangkop nang mabuti sa pagbuo ng tamang panahon ng kasaysayan. |
||
Ang susunod na mahalagang hugpungan sa paghahayag ng tamang panahon ng Dios ay ang taong 1994. Nalaman nating ang Setyembre 7, 1994, ay eksaktong 2,300 mga araw pagkatapos ng Mayo 21, 1988. Tandaang, naitala na nating ang taong 1994 ay taon ng jubileo. Iyan ay, ito ay taon na nakatuon sa espirituwal na layunin ng Dios na ipahayag ang Ebanghelyo sa mundo. Ngayon ay nalaman nating ang Setyembre 7, 1994, ay ang unang araw ng ikapitong buwan (Tishri 1), ng panseremonyang kalendaryo ng Biblia. |
||
Tishri 1 ay panseremonyang araw ng pista na tinawag na “pinakaalaala ng jubileo” (Levitico 23:24) at “isang araw ng jubileo” (Mga Bilang 29:1)11. Ito ang parehong araw ng pista sa Biblia na dumating sa A.D. 29 nang opisyal na sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain bilang ang jubileo, o Mesias. Sa araw na ito Siya ipinahayag bilang “Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Sa A.D. 29, batay sa ating makabagong kalendaryo, ang araw ay Setyembre 26. At batay sa kalendaryo sa Biblia, ang araw na iyon ay Tishri 1, na araw ng pista ng jubileo, katulad rin ng Setyembre 7, 1994, ay araw ng pista ng jubileo. |
||
Ang salitang jubileo ay may kinalamang lahat sa paghahayag ng kalayaan sa mundo (Levitico 25:10). Kaya nga ang “teruah” ay isinalin nang tama “na jubileo” na may kinalaman sa araw ng pagtubos. Si Cristo ang pinakadiwa ng pagtubos, gayon din ang pagiging pinakadiwa ng jubileo. Kaya, nang Siya ay ipinahayag noong Setyembre 26, A.D. 29, ni Juan Bautista, gaya ng mababasa natin sa Juan 1:29, “Narito, ang Cordero ng Dios,” ito ay maluwalhating pagpapahayag sa mundo na si Cristo ang jubileo na dumating na may Ebanghelyo ng kaligtasan. |
||
Gayon din naman, noong 1994 na taon ng jubileo, sa Setyembre 7, ang Ebanghelyo ay dapat na muling ipahayag sa buong mundo. At kapwa Setyembre 26, A.D. 29, at Setyembre 7, 1994, na panseremonyang petsa sa Biblia ay ang unang araw ng ikapitong buwan. Tiyak, kahit na ang “teruah” ay isinalin nang tama na jubileo sa Levitico 25:9 na may kaugnayan sa araw ng pagtubos, ay makikita nating sa Levitico 23:24 at Mga Bilang 29:1, na binabanggit “ang pag-alaala ng teruah,” at “ang araw ng teruah,” ay mauunawaan nating dapat itong isinalin na “pag-alaala sa |
||
11 Kapwa sa Levitico 23:24 at sa Mga Bilang 29:1, ang Dios ay nagbabanggit ng pista ng unang araw ng ikapitong buwan. Sa parehong mga bersikulo ang salitang “teruah” ay isinaling “pag-ihip sa mga pakakak”. Mga ilang beses sa Biblia, ang salitang “terua”h ay isinalin na pag-ihip sa pakakak maliban sa dalawang bersikulo. Gayon pa man, sa Levitico 25:9, na bumabanggit sa araw ng pagtubos, ito ay isinalin na “jubileo.” |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 54 |
||
jubileo” at “ang araw ng jubileo.” Kaya nga, ang pistang ito, na tinawag ng mga teologong “pista ng mga pakakak” ay dapat tawaging “araw ng jubileo.” |
||
Tandaang, nalaman nating ang Setyembre 7, 1994, ang nagwakas sa unang 2,300 mga araw ng 8,400-araw ng panahon ng kapighatian. Noong Setyembre 7, 1994, ang lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman, sa buong mundo, ay nagsimualng pumasok sa kaharian ng Dios. Sa araw na iyon, sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo, ay ibinuhos ang Espiritu Santo. Kung ito ay kahit anong araw maliban sa Setyembre 7 sa taong 1994, ito ay hindi para maiugnay sa araw ng pista ng unang araw ng buwan ng Tishri 1, na “anino ng mga bagay na darating” (Colosas 2:16-17). Ang maluwalhating pangyayari, ang panseremonyang araw ng pista ng Setyembre 7, 1994 (Tishri 1, 1994), ay nagbabala at sa katunayan ay nagpasimula sa 6,100-araw ng katapusang panahon ng pagliligtas. |
||
Subali’t ang taong 1994, kung kailan sinimulan ng Dios ang huling 6,100 mga araw ng dakilang pagliligtas sa buong mundo, ay taon rin ng malaking pagkatakot para sa mga simbahan sa buong mundo. Ang Espiritu Santo ay ibinuhos kaya sa labas ng mga simbahan, iyan ay, lubos na di-umaasa sa kahit anumang simbahan sa mundo, ang lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman, ay magiging ligtas. Sa parehong panahon, sa loob ng mga simbahan, ang pagsasagawa ng paghatol ay magpapatuloy. Si Satanas, na itinalaga sa lahat ng mga simbahan sa simula ng malaking kapighatian ay magpapatuloy maghari. Patuloy na ipadadala ng Dios “ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalinan” (II Tesalonica 2:11). Patuloy na ihahanda ng Dios ang mga nasa simbahan sa kaparusahan. |
||
Ito ay isang napakalubhang nakatatakot na balita para sa mga simbahan. Sila, mismo, ay hindi ito nalalaman. Sila ay naniniwalang matapat nilang pinaglilingkuran si Cristo. Subali’t ang Biblia ay nagbibigay sa atin ng katotohanan. Kailanman ay hindi na muling magkakaroon ng posibilidad na mangyayari ang pagliligtas sa ilalim ng kapangyarihan ng lokal na simbahan. |
||
Tandaan, nang una sa pag-aaral na ito, ang kanilang lubhang malungkot na kalagayan ay binigyang-diin habang sinuri natin ang mga halimbawa ng mga makasaysayang panahon ng malaking kapighatian na inilarawan sa Biblia. Sa taong 1879 B.C., ay nagsimulang maranasan ni Jacob ang malaking kapighatian (Mga Gawa 7:11) dahil sa labis na taggutom sa lupain. Dalawang taon sa bandang huli, sa taong 1877, si Jacob ay inutusang magtungo sa Egipto upang manirahan kasama ang kanyang buong angkan. Kailangang lisanin nila ang lupang pangako na ibinigay sa patriarkang si Abraham, ang kanyang lolo, 215 taong mas maaga. Sapagka’t ang lupain ng Canaan ay kinatawan ng kaharian ng Dios, ito ay parang inutusang lisanin ang kaharian ng Dios. Gaya ng sa A.D. 1988 ay ibinigay ng Dios sa pamamahala ni Satanas ang mga simbahan, kaya, gayon din, sa 1877 B.C., ang lupang pangako, ang lupain ng Canaan, ay ibinigay sa makasalanan ng mundo upang maghari doon. Iyan, sa katunayan, ay panahon ng malaking kapighatian. |
||
Iniuugnay ng Dios ang kapighatiang iyon sa kapighatian ng mga simbahan, nang noong 1994, ay maliwanag na natapos nang lubusan ang Dios sa kanila, at Siya ay nagsimulang ihanda sila para sa paghatol. Minsan pa, kapag sinuri natin ang mga bilang na nag-uugnay sa kapighatian sa panahon ni Jose hanggang sa panahon ng kasalukuyang malaking kapighatian, ay makikita natin ang higit na pagbibigay-diin sa espirituwal na katangian nitong mga malawakang magkakahiwalay na mga |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 55 |
||
pangyayari. Kapag idinagdag natin ang 1877 sa 1994, at ibinawas ang 1 taon, ay matatamo natin ang kabuuan ng 3,870 na bilang ng mga taon sa pagitan nitong mga nakalulungkot na pangyayari. Ang bilang na 3,870 paghiwa-hiwalayin sa 3 x 1,290, o 10 x 3 x 3 x 43. Ang bilang na 43 ay karaniwang ipinapakahulugan ang paghuhukom. Kaya nga, ang dalawang pangyayari ay magkasamang pinag-ugnay ng bilang ng mga taon, na ipinapakahulugan ang buong layunin ng Dios (10) (3 x 3) sa pagdadala ng paghatol (43). Ang bilang na 3 na dinoble ay hindi lamang ipinapakahulugan ang layunin ng Dios, kundi ito rin ay Kanyang papangyarihin (Genesis 41:32). |
||
Nalaman natin nang una sa pag-aaral na ito na iniugnay din ng Dios ang nakatatakot na panahon ng paghatol sa mga simbahan, na kung saan si Satanas ay naghahari ngayon, na may napakalaking kapighatiang naranasan ng Israel sa loob ng 70 taon. Ito ay nagsimula sa kamatayan ni Haring Josias sa 609 B.C. at nagpatuloy sa loob ng 70 taon, hanggang pinatay ang hari sa Babilonia sa 539 B.c. Ang taong 587 B.C. ay taon ng natatanging pagkatakot. Noong una pa sa taong 609 B.C., nang si Josias ang kahuli-hulihang mabuting hari sa Israel ay napatay, ang Israel ay nagsimulang higit na sumailalim sa mga paganong hari na kumakatawan kay Satanas na naghahari sa mga simbahan. Gayon pa man, sa 587 B.C. ang Jerusalem ay lubusang nawasak kasama ang templo. Ang napakasamang si Nabucodonosor, ang hari sa Babilonia, na kumakatawan kay Satanas sa Biblia, ay naging ganap na pinuno sa bayan ng Israel. Kasindak-sindak! |
||
Ang nakalulungkot at nakatatakot na pangyayari ay isang padron na bigay ng Dios para sa malaking kapighatian sa ating panahon.. Ito rin, ay iniugnay sa taong 1994 ng kasalukuyang malaking kapighatian sa pamamagitan ng suma ng mga taon sa pagitan nila. Ang Jerusalem ay winasak sa taong 587 B.C. Kung idadagdag natin ang 587 sa 1994, at ibabawas ang I, ang suma ay 2,580, na paghiwa-hiwalayin sa 2 x 1,290, o 10 x 3 x 2 x 43. Sapagka’t ang bilang na 2 sa espirituwal ay kumakatawan sa mga dapat magpahayag ng Ebanghelyo, ang espirituwal na mensahe ng panahong ito ng 2,850 taon ay ganap (10) na layunin (3) ng Dios sa mga simbahan, na inutusan ng Dios na ipahayag ang Ebanghelyo sa mundo (2), na sila ay darating sa paghuihukom (43). |
||
Nang nakawiwili, at talagang nakatutulong, iniugnay ng Dios ang tatlong kapighatian ni Jacob, ng Israel, at sa ating panahon sa pamamagitan ng bersikulo sa Daniel 12:11, na kung saan ang Dios ay nagpapahayag: |
||
|
At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo’t dalawang daan at siyam na pung araw. | ||
Dahil paminsan-minsan ginagamit ng Biblia ang isang araw upang ilarawan ang isang taon (Ezekiel 4:6), ay nalalaman nating mauunawaan natin ito na 1,290 taon. May 1,290 taon sa pagitan ng kapighatian ni Jacob ng 1887 B.C. at kapighatian ng Israel ng 587 B.C. Gayon din naman, may 3 x 1,290 mga taon sa pagitan ng kapighatian ni Jacob ng 1887 B.C. at ang kapighatian ng mga simbahan ng 1994. Gayon din, may 2 x 1,290 taon sa pagitan ng 587 B.C. kapighatian ng Israel at ang 1994 kapighatian sa ating panahon. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 56 |
||
Pansinin kung gaanong kahigpit sama-samang umaangkop ang mga pangyayaring ito, nagpapahiwatig na, sa katunayan, ang ating unang pagkakaunawa sa paghahayag ng tamang panahon ng kasaysayan ay naging higit na pinagkaisa sa pamamagitan ng salita ng Biblia. |
||
Ang susunod na hugpungan ng panahon na dapat nating maingat na suriin ay Mayo 21, 2011, na pinakahuling araw ng 8,400-araw, o 23 buong mga taon, na malaking kapighatian. Tandaang, nalaman nating susundan ito ng huling 153-araw (5 buwan) panahon na magtatapos sa Oktubre 21, 2011. Sapagka’t kapwa ang Mayo 21 at Oktubre 21 ay dumating sa taong 2011, na natututunan nating ang kahuli-hulihang taon ng pananatili ng mundo, dapat nating suriin ang taong ito nang talagang maingat. |
||
Tinatawag ng Dios ang ating pansin sa taon na iyan sa talagang sapilitang paraan. Sa II Pedro 3:6, binabanggit ng Dios ang baha na nagwasak sa buong mundo sa panahon ni Noe, at doon ay basahin natin: |
||
|
Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak. | ||
Pagkatapos sa susunod na bersikulo, binabanggit ng Dios ang nakatatakot na paghatol na mangyayari sa katapusan ng mundo. Basahin natin sa bersikulo 7: |
||
|
Nguni’t ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. | ||
Susunod kaagad sa mga bersikulong ito, ang Dios ay gumawa ng talagang kakaibang pahayag sa II Pedro 3:8, na kung saan ay basahin natin: |
||
|
Datapuwa’t huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw. | ||
Ano ang “isang bagay” na nakikita ng Dios nang sinasabi ng Dios na nais Niyang ang lahat ng hinirang, na mga “minamahal” ng Dios, ay huwag maging mangmang sa isang bagay na ito? Maaaring ito ay napakahalagang bagay, at pinipilit ng Dios na ito ay dapat malaman nila. Ang isang bagay na ito ay ganap na may kinalaman sa panahon. |
||
Sinabi ng Dios, “ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.” Makikita natin kaagad na binabanggit ng Dios ang isang bagay na ito nang dalawang beses. Iyan ay, una, Siya ay nagpapahayag, “ang isang araw….ay katulad ng isang libong taon.” Pagkatapos ay Kanyang inulit ang impormasyong ito sa pagsasabing, “ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.” Ito ay labis na nakatulong pa sa kahalagahan ng katotohanang ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ay dapat lubos na maunawaan na ng isang araw ay isang libong mga taon. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 57 |
||
Tandaang, si Faraon ay unang nanaginip tungkol sa pitong matatabang baka na pumayat, at pagkatapos tungkol sa pitong uhay na mabibintog na naging payat. Na may kinalaman sa pangyayaring ito, ang Dios ay naglathala ng simulain sa Biblia sa Genesis 41:32, na kung saan ay basahin natin: |
||
|
At kaya’t pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka’t bagay na itinatag ng Dios at papangyayarihing madali ng Dios. | ||
Ang batas na inilathala ng Dios sa bersikulong ito ay kapag ang Dios ay dinoble ang pahayag, ay binibigyang-diin nito ang lubos na katotohanan nito. Kung anuman ang mangyayari ay garantiyang mangyayari, at ito ay mangyayari sa madaling panahon. Kaya, sa pagdoble sa pahayag na ang isang araw ay isang libong taon, ang Dios ay nagsasabi sa ating ito ay labis na mahalaga, at tiyak na mangyayari sa madaling panahon. |
||
Subali’t paano iyan maiuugnay sa kabuuan ng nilalaman ng II Pedro 3, na kung saan ay binabanggit ng Dios ang dalawang paghatol na laganap sa buong mundo, ang paghatol sa panahon ni Noe at ang paghatol sa panahon natin? Kapag tiningnan natin nang maingat ang ulat sa baha na ibinigay sa Genesis Kabanata 7, ay matatagpuan natin ang kasagutan. Dapat nating isaalang-alang ang daong, ang napakalaking barko na iniutos ng Dios na itayo ni Noe. Basahin natin sa Genesis 7:1-4: |
||
|
At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka’t ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito. Sa bawa’t malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae; Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa. Sapagka’t pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa. | ||
Sa espirituwal, ang tubig ng baha ay kumakatawan sa paghatol ng Dios sa mga makasalanan sa buong mundo sa panahon ni Noe. Ang daong ay kumakatawan sa kaligtasan mula sa paghatol na iyan, kaya kumakatawan ito sa ating Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo, na mag-isang makapagliligtas sa atin sa paghatol. Ang mga hayop ay kumakatawan sa lahat ng nilikha, na tumitingin kay Cristo upang makalaya sa pagkakaalipin sa kabulukan (Roma 8:19-23). Ito ay mangyayari kapag lumikha na ang Dios ng bagong langit at bagong lupa. |
||
Sa ganyang paraan, sa Genesis 7, sinasabi ng Dios sa mabisang paraan na ang buong sangkatauhan sa buong mundo ay may pitong araw upang mailigtas ni Cristo, na mag-isang makapagliligtas sa atin mula sa matinding galit ng Dios. Subali’t teka muna. Hindi ba iginiit ng Dios sa II Pedro 3 na kailangan nating malaman nang tiyak na ang isang araw ay katulad ng isang libong taon? Ihalili natin ang 7,000 taon sa pitong araw. Kaya nga, sa mabisang paraan, sinasabi ng Dios kay Noe na ang |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 58 |
||
buong sangkatauhan na mabubuhay pa sa buong mundo ay may 7,000 taon upang mailigtas ni Cristo, kung sila ay makaligtas sa matinding galit ng Dios. |
||
Anong taon ang magiging eksaktong 7,000 taon pagkatapos ng baha sa panahon ni Noe? Maniniwala ka ba dito! Sa matagal na nakalipas ay nalaman nating ang baha ay dumating sa taong 4990 B.C., at 7,000 taon sa bandang huli ay dadalhin tayo sa taong 2011. Tandaang, idinagdag natin ang mga taon sa Matandang Tipan sa mga taon sa Bagong Tipan at ibinawas ang 1 taon, sapagka’t walang taong sero. |
||
4990 + 2011 – 1 = 7,000 taon |
||
Kaya, dapat nating maunawaang ang Dios ay tiyak na nagpapahayag na Kanyang inaasahang ang lahat ng hinirang ng Dios ay tiyak na malalamang ang taong 2011 ay ang katapusan ng mundo. |
||
Subali’t may higit pang dapat sabihin. Nalaman nating may limang buwan na susunod kaagad sa 8,400-araw na panahon ng malaking kapighatian. Ano ang mangyayari sa panahong iyan? Ang huling limang buwan na magsisimula sa Mayo 21,2011, ay mahigpit na nakatuon sa planong kaligtasan ng Dios gayon din sa Kanyang planong paghatol. Matutuklasan nating sa unang araw ng limang buwan, na Mayo 21, 2011, ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ay aakyat sa langit upang makasama ni Cristo magpakailanman. Matutuklasan rin nating ito ang araw na ang paghatol ng impiyerno ay magsisimula sa lahat ng hindi naligtas. |
||
Sa Apocalipsis 9, ang Biblia ay bumabanggit ng panahong ang impiyerno ay magsisimula sa mundong ito. Ito ay sumasaklaw sa limang buwan (mga bersikulo 5 at 10). Ang kabanata ay nagsisimula sa mga salitang “ang balon ng kalaliman” (singkahulugan ng impiyerno), ay binuksan at ang usok mula sa hukay na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal ay napailanglang. Sa panahong iyan, ang mga napaniwalang sila ay naligtas sapagka’t sila ay naging mga guro at mga tagapangaral ng Biblia, subali’t hindi naligtas, at hindi sila umakyat sa langit, ay nagpipilit pa ring ituro ang kanilang maling pagkakaunawa sa Biblia. Sila ay kinakatawan sa pamamagitan ng mga balang (bersikulo 3), at pinamahalaan ni Abaddon (pagkawasak) at Apolyon (nagwawasak) (bersikulo 11), at sinasaktan ang mga nabubuhay sa mundo sa panahong iyon. Gayon pa man, hindi nila dapat saktan ang mga may tatak ng Dios sa kanilang mga noo. |
||
Ang pinakadiwa ng impiyerno ay upang tanggapin ang kabayaran ng walang-hanggang pagkawasak, upang wasakin magpakailanman. Kaya nga itong mga taong hindi naligtas ay pinamunuan nina Abaddon at Apolyon (Apocalipsis 9:11), na mga pangalang naglalarawan sa pinakadiwa ng impiyerno. Sapagka’t sila ay nasa impiyerno sa huling limang buwan ng impiyerno sa mundo, ginarantiyang ang lahat ng hindi naligtas ay wawasakin magpakailanman. Hinding-hindi na sila muling mabubuhay. Sila, gayon din ang buong sanglibutan, ay mawawasak. Hindi nila masasaktan ang mga tunay na mananampalatayang may tatak ng Dios sa kanilang mga noo sapagka’t ang mga tunay na mananampalataya kailanman ay hindi na mararanasan ang impiyerno. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 59 |
||
Ang mga tunay na mananampalataya ay dadagitin (aakyat sa langit), sa sandaling magsimula ang huling limang buwan ng impiyerno sa mundo. |
||
Sa Apocalipsis 9:4, ang Dios ay nagpapahayag: |
||
|
At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo. | ||
Sa kabuuan ng nilalaman nito, ang damo, ang bagay na sariwa, ang mga punong-kahoy ay kumakatawan sa mga tunay na mananampalataya. Sa Apocalipsis 15, ay binibigyang-diin ng Dios ang mga panghuling salot, ang huling panahon ng impiyerno sa mundo, at sa bersikulo 1 Siya ay nagpahayag, “sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios.” |
||
Ang susunod na bersikulo ay tintiyak tayong sa parehong oras, ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ay ligtas na kasama ng Dios sa, “isang dagat na bubog.” Basahin natin sa Apocalipsis 15:2: |
||
|
At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na mga alpa ng Dios. | ||
Ang “dagat na bubog” ay nasa langit, gaya ng ipinapahiwatig ng Apocalipsis 4:2…”narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo.” Ang bersikulo 6 pagkatapos ay nagpapahayag, “At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin.” |
||
Ang mga tunay na mananampalataya ay aakyat sa langit sa unang araw ng huling limang buwan, kaya lubusan nilang matatakasan ang kasindak-sindak na oras ng huling panahon. Samantalang ang huling limang buwan ay magiging lubhang nakatatakot na kwento sa mga hindi umakyat sa langit, ito ay magiging panahon ng labis na kagalakan at pagkamangha sa mga umakyat sa langit. |
||
Ang limang buwang ito ay sumasaklaw nang tamang-tamang 153 na araw, Mayo 21 hanggang Oktubre 21. Ang bilang na 153 sa espirituwal ay pinaghiwa-hiwalay sa 3 x 3 x 17, gayon din naman nang sinuri natin ang 153 isda. Sa espirituwal, kaya nga, ay iniuugnay ito sa mga layunin ng Dios (3) upang dalhin sila sa langit (17). Ang bilang na 3 na dinoble ay nangangahulugang ang Dios ay tiyak na gagawin ito. |
||
Habang mas lalo pang pinatunayang ang petsang ito, ang Mayo 21, 2011, ay ang petsa ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya, ay natuklasan natin ang pinakamahalagang katotohanan. Batay sa panseremonyang kalendaryo sa Biblia, ang Mayo 21, 2011, ay ang ika-17 araw ng ikalawang buwan. Talagang 7,000 mga taong mas maaga, sa ika-17 araw ng ikalawang buwan batay sa kalendaryong ginamit ni Noe, ay isinara ng Dios ang pintuan ng daong. Basahin natin sa Genesis 7:1 at 4: |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 60 |
||
|
At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka’t ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito….Sapagka’t pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa. | ||
At basahin natin sa Genesis 7:10 at 11: |
||
|
At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa. Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan. | ||
At basahin natin sa mga bersikulo 13 at 16: |
||
|
Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila; …At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon. | ||
Ang kalendaryo sa panahon ni Noe ay bahagyang naiiba sa mas huling kalendaryo sa Biblia na diyan ay may 30 araw sa isang buwan, samantalang ang mas huling kalendaryo sa Biblia ay mayroong 29½ na araw sa isang buwan, habang sinusunod nito ang pagbabago ng anyo ng buwan. Subali’t ang Dios, sa kahanga-hangang paraan, ay iniugnay ang oras ng pagsasara sa pintuan ng daong, sa ika-17 araw ng ikalawang buwan, sa pagsasara ng pintuan sa Mayo 21,2011, na batay sa panseremonyang kalendaryo sa Biblia ay ang ika-17 araw ng ikalawang buwan. Ito ay magpakailanmang maghihiwalay sa mga tunay na mananampalataya sa daong sa lahat ng hindi naligtas na namatay sa labas ng daong. Ito ay nagbababala sa katotohanang ang petsang ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ay umakyat sa langit, maski kailanman ay hindi na muling magkakaroon ng anumang posibilidad ng kaligtasan para sa mga naiwan. Kaya, malalaman nating parang may eksaktong 7,000 taon, hanggang sa talagang araw, mula sa pagsasara ng pintuan ang kahit na anong higit na posibilidad ng kaligtasan, pareho sa panahon ng pagkawasak na laganap sa buong mundo sa panahon ni Noe at ang pagkawasak na laganap sa buong mundo sa panahon natin. Maaari kayang nagkataon ito? |
||
Nagbigay ang Dios sa atin ng isa pang bahagi ng kawili-wili at makahulugang impormasyon sa panahon na higit na ipinapakita ang pagkaeksakto ng Mayo 21,2011, bilang ang petsa ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya. Noong Abril 1, 33 A.D., ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 61 |
||
kaniyang mga ililigtas. Eksaktong 722,500 mga araw (nang kabilang) sa dakong huli, ang pagdagit ng mga tunay na mananampalataya (Mayo 21, 2011) ay mangyayari. Ang bilang na ito ay paghihiwa-hiwalayin sa talagang makahulugang mga bilang. |
||
(5 x 10 x 17) x (5 x 10 x 17) =722,500 |
||
Natutunan natin ang espirituwal na kahulugan ng mga bilang na ito. Ang gawain ng pagtubos (5) ay natapos (10) nang ang lahat ng hinirang ay ligtas sa langit (17). Ang kamangha-manghang katotohanan ay dinoble sa pamamagitan ng pag-ulit sa tatlong bilang, 10 x 5 x 17. Ang diing ito, ay batay sa Genesis 41:32, “sapagka’t bagay na itinatag ng Dios, at papangyayarihing madali ng Dios.” |
||
Nakikita ba natin kung paano iniugnay ng Dios ang panahon ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya sa Mayo 21, 2011, sa panahong ginawang posible ang langit (ang pagtubos), sapagka’t nang si Cristo ay ipinako sa krus, ay binayaran Niya nang buo ang mga kasalanan ng mga aagawin sa langit upang mabuhay nang walang-hanggang kasama ni Jesus? |
||
Sa oras na ito sa ating pag-aaral, ay kailangan nating tumigil sandali at isaalang-alang ang nalaman lamang natin sa mga naunang talata. |
||
Tayo ay talagang nakatitiyak na ang pagkakapako ni Cristo sa krus ay naganap sa araw ng pista ng Paskua, na Biyernes, sa A.D.33, na ika-14 araw sa unang buwan ng panseremonyang kalendaryo ng Biblia. Tayo ay talagang nakatitiyak rin na ang araw na ito ay Abril 1, A.D.33, batay sa ating makabagong kalendaryo. Sa araw na ito pinarusahan si Cristo para sa mga kasalanan ng lahat ng ipinarito niya upang iligtas. Sapagka’t binayaran Niya ang lahat ng kanilang mga kasalanan, sila ay ginarantiyang magtungo sa langit upang magharing kasama Niya magpakailanman. |
||
Mula sa maraming impormasyon na ibinigay sa atin sa Biblia, ay natuklasan nating sa Mayo 21, 2011, ang lahat ng mga naligtas sa pamamagitan ng pagbabayad ni Jesus, ay makakamit ang katapusan ng kanilang kaligtasan habang sila ay dinadagit (aagawin) sa langit. Kaya nga, talagang maliwanag na ang mga petsang Abril 1, A.D. 33, at Mayo 21, 2011, sa espirituwal ay talagang magkasamang malapit na magkaugnay. |
||
Subali’t nalaman rin nating ang dalawang petsang ito, na halos 2,000 taon ang pagitan, ay madula ring magkasamang iniugnay ng mga tunay na bilang ng araw na naghihiwalay sa kanila gayon din ng espirituwal na kahulugan ng malaking bilang ng mga araw. |
||
Tingnan muli ang bilang na 722,500. Hindi ba lubos na mahirap paniwalaan na ito ay pinaghiwa-hiwalay sa eksaktong dalawang grupo ng napakalaking mahalagang espirituwal na mga bilang na, 10, 5, at 17? Ang Dios lamang, na lumikha ng napakalaking sanglibutan sa lahat nitong eksaktong likas na batas, ang maaaring nagbalak sa tamang panahon ng kasaysayan na sa isang tiyak at kamangha-manghang paraan. Ano ang posiblidad na ang pagkakaugnay ng panahon ay maaaring nagkataon? Ang kasagutan ay dapat, sa ilalim ng walang pangyayari na maaaring nagkataon ang kahit na ano dito. |
||
Patuloy nating nalalaman ang iba pang mga katibayan na nagpapakitang narating natin ang talagang tiyak na kaalaman sa pagsasaoras ng katapusan. Gaya ng |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 62 |
||
naobserbahan natin, pinatibay pang higit ng Dios o kinandado ang petsang, Mayo 21, 2011, sa paglalagay ng araw sa pagsara ng pintuan, pagdumating na ang pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya, sa ika-17 araw ng ikalawang buwan ng kalendaryo sa Biblia. Nang makahulugan, ang bilang na 17 ay iniuugnay nang walang-mali sa katotohanan ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya sapagka’t sa espirituwal, ang bilang na 17 ay nangangahulugan ng langit. At saka, ang bilang na 2 (ikalawang buwan) sa espirituwal ay iniuugnay doon sa mga inutusang ipahayag ang Ebanghelyo. Hindi ba kamangha-manghang sila ay aakyat sa langit sa ika-17 araw ng ikalawang buwan? Iyan ba ay nagkataon? |
||
Nalaman rin nating ang huling araw ng pananatili ng mundo, Oktubre 21,2011, ay ang ika-23 araw ng ikapitong buwan ng kalendaryo sa Biblia. Ang bilang na 23 ay karaniwang nangangahulugan ng pagbuhos ng matinding poot ng Dios. Ang bilang na 7 (ikapitong buwan) ay nangangahulugan ng ganap na pagkakatupad ng mga layunin ng Dios. Maaari kayang ito rin ay nagkataon,na ang huling pagtapos ng kaparusahan ng Dios sa mga hindi naligtas ay dumating sa ikapitong buwan sa araw na itinatampok ang bilang na 23, na bilang na lubusang iniuugnay sa matinding poot ng Dios, kaya nangangahulugan ng walang-maling matinding poot ng Dios sa hindi naligtas? |
||
Ang katiyakan sa tamang panahon ng katapusan ng mundo ay higit pang binigyang-diin nang sinuri natin ang huling limang buwan alinsunod sa matinding poot ng Dios. Nang si Jesus ay pinarusahan ng Dios, nang Kanyang binabayaran ang mga kasalanan ng hinirang, tinatawag nito ang ating pansin sa katotohanang ang ilang kaparusahan sa mga kasalanan ng hindi hinirang ay dapat pa ring mangyari. Ang dalawang kaparusahan ay magkasamang magkaugnay sa pamamagitan ng 1978 taon na naghihiwalay sa panahon ng krus (A.D.33) sa panahon ng katapusan (A.D.2011). |
||
2011- 33 = 1,978 |
||
1978= 2 x 23 x 43 |
||
Ang bilang 2 ay sumasagisag doon sa mga magpapahayag ng Ebanghelyo |
||
Ang bilang 23 ay sumasagisag sa pagkapoot |
||
Ang bilang na 43 ay sumasagisag sa paghatol |
||
Kaya, sa pamamagitan ng bilang na 1,978, binibigyang-diin ng Dios na ang paghatol ay babagsak sa mga inutusang ihatid ang Ebanghelyo (2) at sasailalim pa rin sa matinding galit ng Dios (23 at 43). |
||
Ang Pamamaraan ng Paghatol ng Dios ay Nagpapatuloy Habang ang Lubhang Karamihan ay Naligtas |
||
Habang maingat nating sinusuri ang mga petsa ng malaking kapighatian, ang pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya, at ang huling araw ng pananatili ng mundo, ay natuklasan natin ang isa pang nakawiwiling katotohanan. |
||
| Kabanata 5. Ang Pagkakaunawa Ba Natin sa Tamang Panahon ng Kasaysayan ay Tamang-tama?
|
||
| 63 |
||
Nalaman nating sa huling 6,100 mga araw ng 8,400-araw ng panahon ng malaking kapighatian, ang mga tunay na mananampalatayang nasa labas ng mga simbahan, ay ginagamit ng Dios upang dalhin sa kaharian ng Dios ang lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinoman. Sa parehong pagkakataon, ang lahat ng mga kasapi sa simbahan ay inihahanda sa pagpasok sa huling limang buwan kapag dumating ang pinakahuling kaparusahan ng Dios para sa kanila. Subali’t sa parehong pagkakataon, sa huling 153 na araw, ang lahat ng naligtas sa nakalipas na 6,100 mga araw ay magiging ligtas sa langit, kasama ang lahat ng naligtas sa buong panahon. Ang 6,100 mga araw, kapag idinagdag sa huling 153 araw, ay katumbas ng 6,253 na araw. Ang bilang na 6,253 ay pinaghiwa-hiwalay sa makahulugang mga bilang na 13 x 13 x 37. |
||
Ang bilang na 13 ay katapusan ng mundo |
||
Ang bilang na 37 ay paghatol ng Dios |
||
Huwag kalilimutang, si Noe ay nasa daong eksaktong 370 mga araw. Tatandaan rin, ang hukbo ng Asiria na 185,000 mga lalake sa ilalim ni Sennacherib ay winasak ng Dios sa isang gabi (II Mga Hari 19:35), at 185,000 = 1,000 x 5 x 37. Kaya nga, makikita natin kung paano iniuugnay ang bilang na 37 sa pagkawasak na bunga ng paghatol ng Dios. |
||
Sa pamamagitan ng bilang na 6,253 tinitiyak ng Dios tayo na habang may lubhang karamihan na makakaranas ng pagliligtas sa panahong iyon, ang pamamaraan ng paghatol ng Dios (37) ay magiging kumpleto sa katapusan ng mundo (13). At muli pa, ay tandaan ang pagdoble sa bilang na 13. |
||
Sa unang parte ng pag-aaral na ito, ay nabuo natin mula sa impormasyon sa Biblia, ang panghuling pagsasaoras ng katapusan ng kasaysayan sa kahit paaanong pansamantalang paraan. Gayon pa man, sa dakong huli, sa pamamagitan nang maingat na patuloy na paggamit sa karagdagang impormasyon sa Biblia, ay nalaman nating ang tamang panahon ay lubhang walang-kamalian. Ang mga pagpapatunay ay binigyang-diin. Kung ang tamang panahon ay hindi tamang-tama sa kahit na isa sa mga petsa nito, marami sa mga pagpapatunay ay mapapawalang-bisa. Siyempre kung ang kahit na ano sa mga petsa na nalaman natin mula sa Biblia ay hindi tama, kung gayon ang karamihan sa mga katibayan ay hindi na malalaman. Sa katunayan ay makatitiyak tayong ang pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya ay mangyayari sa Mayo 21,2011, at ang pinakahuling araw ng kasaysayan ng mundo ay sa Oktubre 21, 2011. |
||
Subali’t hindi lamang ito pangkaisipan o pangakademyang mga katibayan. Ang mga ito ay katotohanang maiuukol sa talagang personal na paraan sa bawa’t taong (halos pitong bilyong mga tao) kasalukuyang naninirahan sa mundong ito. Posible bang matakasan ang nakatatakot na araw ng paghuhukom? |
||
| Kabanata 4 | Talaan ng mga Nilalaman | Kabanata 6 |