HALOS NAROON NA TAYO!


Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
37

Kabanata 4.
Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan



       Gagawan natin ngayon ng guhit-balangkas ang mga pangunahing katotohanang nalaman natin mula sa Biblia na nagtuturo sa atin sa isang eksaktong pagkakaunawa ng pinakahuling tamang panahon ng kasaysayan.

       Sa buong huling 2,000 taon, sa panahong ang buong Biblia ay magagamit, ang matapat, na tunay na mananampalaataya ay masigasig na sinaliksik ang Biblia upang piliting matuklasan ang hinaharap na paghahayag ng kasaysayan ng mundong ito. Alam nilang lahat ang nag-iisang katotohanan, iyan ay, darating ang panahong ang kasaysayan ng mundong ito ay darating sa katapusan. Ito ay tataon sa pagbabalik ni Jesus bilang makatarungang hukom ng mundo, at ang pag-akyat ng lahat ng mga tunay na mananampalataya sa bagong langit at sa bagong lupa, na maghahari silang kasama ni Cristo nang walang hanggan.

       Gayon pa man, bago dumating ang panahong ito, magkakaroon ng panahon ng kung anong uri ng malaking kapighatian. Sa pangkaraniwan, ay naunawaan ito ng hindi tama, na panahon ng labis na pangkatawang pagpapahirap ng mga mananampalataya kay Cristo. Sa katotohanan, ito ay panahon na mauunawaan lamang sa espirituwal.

       Ang mga Kabanata sa Biblia katulad ng Mateo 24 at Marcos 13 ay sadyang pinag-aralan nang lubhang maingat sapagka’t para silang nakatuon sa isang darating na kapighatian bago pa ang pagbabalik ni Cristo. Totoong sa loob ng dalawang kabanatang ito, ay ibinibigay sa atin ng Dios ang pinaka-mabuting palatandaan upang tulungan tayong simulang itayo ang kayarian ng Biblia na nag-uugnay sa nakaraan sa katapusan ng kasaysayan. Ang palatandaang iyan ay nasa Marcos 13:28, na kung saan ay nagpahayag ang Dios:

 

Sa puno nga ng igos ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;

 

       Ang bersikulong ito ay hindi muna mauunawaan hanggang sa 60 taong nakaraan, noong Mayo 14, 1948. Sa panahong iyon ang puno ng igos sa Biblia, ang bansang Israel, ay muling naging isang maaaring umunlad na bansa sa mga bansa sa mundo. Ito ay halos himala, sapagka’t sa buong panahon magmula A.D. 70, nang ang Israel kasama ng lungsod ng Jerusalem at ng templo ay lubusang winasak ng mga taga Roma, ang Israel ay hindi bansa sa mundo na may sariling-bayan. Gayon pa man, ng mahimala, ito ay muling naging bansa noong May 14, 1948 na may sariling- bayan.7

      Kaagad, napakaraming Kristiyano ang nag-ugnay nang tama sa madulang pangyayari ng hula sa puno ng igos sa Marcos 13:28. Nakita nilang tama na ipinakilala


7 Ang Israel, halimbawa, ay ipinakilala sa pamamagitan ng puno ng igos na isinumpa ni Cristo, upang kailanman ay hindi na ito magbunga (Marcos 11:12-21).

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
38

ng Dios ang bansang Israel na gaya ng puno ng igos, at ang puno ng igos na sumusupling ang mga dahon ay may kaugnayan sa Israel na muling naging bansa.

       Sapagka’t ang bersikulong ito ay iginigiit na kapag ang puno ng igos ay sumusupling ang mga dahon, ang lahat ng mga pangyayaring itinala sa Marcos 13 at Mateo 24 kung gayon ay mangyayari, dapat nating maunawaang ang Dios ay nagbigay ng napakahalagang palatandaang ang panahon ng katapusan ng mundo ay talagang malapit ng dumating. Ito ay dahil sa ang maingat na pagbabasa ng Mateo 24 at Marcos 13 ay nagpapakitang ang mga pangyayaring ito ay iniugnay sa panahon ng malaking kapighatian (Mateo 24;21), na susundan ng pagbabalik ni Cristo (Mateo 24:29-31).

       Ang isa pang palatandaang ibinigay sa atin ng Dios ay matatagpuan sa Apocalipsis 7:9-14. Doon ay binabanggit ng Dios ang lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman, na mangagsisilabas sa malaking kapighatian. (Ang artikulong “the” ay hindi isinalin, subali’t ito ay nasa orihinal na Griyego). Sa karagdagan, sa Lucas 21:22, na binabanggit rin ang panahon ng malaking kapighatian, binabanggit ng Dios ang kapighatiang ito na panahon ng paghihiganti. Ang kaparusahan ng Dios para sa mga makasalanan ay panahon ng paghihiganti. Sa panahon ng malaking kapighatian, ay sinimulang ihanda ng Dios ang mga tao sa mundo at ang lahat ng mga lokal na simbahan para sa pagtatapos ng pagsasagawa ng paghatol ng Dios.

       Ang susunod na bersikulong tumutulong sa atin ay Mateo 24:22, na kung saan ay basahin natin:

 

At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa’t dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.

 

       Parang sinasabi ng bersikulong ito na ito ang panahon ng malaking kapighatian na ang paghihiganti ng Dios sa sangkatauhan ay magsisimula. Gayon pa man, sapagka’t marami sa hinirang ng Dios, iyong mga piniling maligtas ng Dios na dapat maligtas (Efeso 1:3-6), ay hindi pa naliligtas, ang panahon ng kapighatian ay pinaikli. Sa madaling salita, ang panahon ng malaking kapighatian ay lubos na iniuugnay sa planong paghatol ng Dios, subali’t sa parehong pagkakataon ito ay iniuugnay sa kung anong uri ng sobrang biglang bugso sa gawain ng pagliligtas. Paano natin mapapagtugma ang mga ideyang ito?

      Nalaman natin mula sa pagsusuri sa paghahayag ng mga makasaysayang pangyayari sa Biblia, at mula sa aral ng Colosas 2:16-17, na sila ay iniugnay sa panseremonyang araw ng pista. Ang taon ng jubileo, halimbawa, ay binibigyang-diin na ang kalayaan (kaligtasan) ay kailangang ipamalita sa mundo. Ang katunayan ay, ang lahat ng ebidensiya sa Biblia ay nagtuturo sa napakataas na posibilidad na si Jesus, ang talagang pinakadiwa ng jubileo, ay ipinanganak sa 7 B.C. na taon ng jubileo, sa araw ng pagtubos, na panahong ang shophar (ang sungay ng lalaking tupa) ng jubileo (Hebreo “teruah)” ay pinatunog (Levitico 25:9)8


8 Ang pagkakasalin sa Ingles sa ilang mga banggit ay isinasalin ang Hebreong salitang Ateruah bilang pakakak. Subali’t sa Levitico25:9, tungkol sa araw ng pagtubos, ay mababasa nating ang parehong salita Ateruah ay isinalin nang tama na jubileo. Kaya, ang pariralang sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak ay mas mabuting isaling sa araw ng jubileo.

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
39

       At saka, nalaman nating si Jesus ay opisyal na inihayag na Kordero ng Dios noong Setyembre 26, A.D. 29, na sa Biblia ay Tishri 1 (Ang Tishri ay ang ikapitong buwan), na tinawag ring araw ng jubileo (Mga Bilang 29:1). Sapagka’t si Cristo, ang jubileo, ay dumating at opisyal na inihayag, ang panahon ay inihanda upang ihatid ang Ebanghelyo sa buong mundo. Pitong linggo pagkatapos ng araw ng Linggo nang si Jesus ay nabuhay na muli, ay ibinuhos ang Espiritu Santo at nagsimula ang laganap na pagtuturo ng ebanghelyo sa buong mundo.

       Parang kung may sobrang biglang bugso ng gawain ng pagliligtas, kung gayon kahit papaano ito ay maiuugnay sa taon ng jubileo. Kaya nga, sa mga taong kasunod ng 1948, kailan magkakaroon ng isa pang taon ng jubileo? Tamang-tamang may 50 taon mula sa isang taon ng jubileo hanggang sa susunod na taon ng jubileo. Sa katunayan, ang 1994 ay unang taon ng jubileo pagkatapos ng 1948. Ito ay eksaktong 2,000 taon pagkatapos ng taon ng jubileo ng 7 B.C. nang si Cristo, na siyang talagang pinakadiwa ng jubileo, ay ipinanganak.

       Ang jubileo ay tiyak na iniuugnay sa programa ng kaligtasan ng Dios. Subali’t tinitiyak ng Biblia sa atin na itong taon ng jubileo ay nasa gitna ng panahon ng malaking kapighatian, na panahon ng paghahanda para sa mga huling gawain ng paghatol ng Dios. Paanong nasa parehong panahon ang mga magkasabay na magkasalungat na pangyayari at iniugnay sa taong 1994?

       Ang hula ni Daniel 8 ay talagang nakatulong. Sa Mateo 24, na kung saan ay nalaman natin ang tungkol sa matinding kapighatian, inuutos sa atin ng Dios na tingnan ang mas maraming impormasyon sa Aklat ni Daniel. Ang Mateo 24:15-16 ay nagpapahayag:

 

Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea.

 

       Sa Daniel Kabanata 8, sinasabi ng Dios ang 2,300 mga araw na panahong maghahari ang malupit na hari. Siya ang magiging dahilan ng palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa (Daniel 8:12-14). Sa espirituwal, ito ay nangangahulugang ang tunay na Ebanghelyo ay papalitan ng ebanghelyo ni Satanas. Nang makahulugan, tungkol sa pangitain ng 2,300 mga araw, naghayag ang Dios sa Daniel 8:17, sapagka’t ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

       Naobserbahan nating ang taong 1994 ay taon ng jubileo na tumutuon sa laganap na paghahayag ng Ebanghelyo sa buong mundo. Ang taong ito ba, kung gayon, ang katapusan ng 2,300 mga araw na sinabi sa Daniel 8, na mangyayari ang malaking kasuklamsuklam?

      Kung iyan ay totoo, at 2,300 mga araw nang mas maaga kaysa 1994 ay ang taong 1988, kaya, maaari kayang iyan ang taong nagsimula ang malaking kapighatian? Iyan ay nangangahulugang sa panahong iyan, sa unang bahagi ng malaking kapighatian, sa katunayan, ay walang kahit isang naligtas. Subali’t nangangahulugan rin ito na sa huling bahagi ng kapighatian, ang lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman, ay maliligtas (Apocalipsis 7:9-14).

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
40

       Habang nagtataka tayo dito, dapat nating pagmasdan na sa Mga Gawa 7:11 ang mga salitang “labis na pagtitiis” ay ginamit na may kaugnayan sa karanasan ni Jacob at ng buong Israel nang nilisan nila ang lupang pangako, ang lupain ng Canaan, upang magtungo sa Egipto upang makaligtas sa pitong taong taggutom. Alam nating ito ay napakasamang karanasan para kay Jacob. Ang mga salitang “labis na pagtitiis” ay parehong mga Griyegong salita na isinaling “malaking kapighatian” sa Mateo 24:21.9

       Nang talagang makahulugan, ay makikita nating si Jacob ay nagtungo sa Egipto sa kanyang panahon ng malaking kapighatian sa taong 1877 B.C. Ang taong sinusuri natin na may kaugnayan sa malaking kapighatian ng Mateo 24:21 ay 1994 na taon ng jubilee. Ang mga taong, 1877 at 1994, ay 3,870 taon ang layo. 1,877+1,994-1=3,870. (Sapagka’t walang taong sero, sa pagpunta mula sa kalendaryo ng Matandang Tipan sa Bagong Tipan, ang isang taon.ay kailangang ibawas.) Nang kapuna-puna, 3,870=3x1,290.

       Ang bilang na 1,290 ay lumalabas na parang talagang makahulugan sapagka’t may isa pang panahon nang ang Israel ay itinaboy sa lupang pangako. Ang Jerusalem at ang templo ay lubusang winasak ng mga taga Babilonia. Ito ay naganap sa taong 587 B.C., na nasa loob ng 70- taong matinding galit ng Dios sa bansang Juda. Ang 70 taon ay nagsimula sa taong 609 B.C., at nagwakas sa taong 539 B.C., nang ang lungsod ng Babilonia ay natalo ng mga taga Media at taga Persia. Ang napakasamang pangyayari, ang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo, ay naganap sa taong 587 B.C. Nang kakaiba, at tiyak na makahulugan, ang tatlong taon na sinusuri natin (1877 B.C., 587 B.C., at A.D. 1994) ay sama-samang iniugnay sa pamamagitan ng bilang na 1,290.

       1877 B.C.-587B.C.=1,290

       587 B.C. hanggang A.D.1994-1=2,580 taon=2x1,290

       1877 B.C. hanggang A.D. 1994-1=3,870 taon=3x1,290

       Ang bilang na 1,290 ay binigyang-diin sa Biblia na may kaugnayan sa espirituwal na gawain na nangyari sa bawa’t isang nasa itaas ng tatlong beses. Ang Biblia ay binibigyang-diin ang papel na ito ng bilang na 1,290 sa Daniel 12:11, na kung saan ay basahin natin:

 

At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo’t dalawang daan at siyam na pung araw.

 

      Dapat nating tandaan na paminsan-minsan, binabanggit ng Dios ang isang araw upang kumatawan sa isang taon. Halimbawa, sa Mga Bilang 14:34, ay


9 Ang mga salitang malaking kapighatian ay matatagpuan ng apat na beses lamang sa Biblia. Sila ay nasa Mateo 24:21 at Apocalipsis 7:14, na sinuri na natin, at pati sa Mga Gawa 7:11 at Apocalipsis 2:22. Sa Lucas 21:23, ay pinili ng Dios ang mgaGriyegong salita na isinalin na labis na kalungkutan sa pagbanggit sa parehong panahon.

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
41

ipinahiwatig ng Dios na mananatili ang Israel sa ilang sa loob ng 40 na taon, sang-ayon sa 40 na araw na hinanap ng mga tagapagmanman ang lupain ng Canaan. Kaya, malalaman nating ang 1,290 araw ng Daniel 12:11 ay mauunawaang 1,290 taon. Ang Dios ay tiyak na sama-samang iniuugnay ang napakasamang panahon nang kailangang lisanin ni Jacob ang lupang pangako upang magtungo sa Egipto, sa bansang Juda na pinaalis sa Jerusalem, at sa isang napakasamang bagay na nangyari sa 1994 na taon ng jubileo. Ano kaya ang napakasamang bagay?

       Nalalaman nating ang lupain ng Canaan ay ginamit sa Biblia upang kumatawan sa kaharian ng Dios. Ang Jerusalem at ang templo sa panlabas ay kinakatawan rin ang kaharian ng Dios. Kaya, para kay Jacob at sa kanyang pamilya na lisanin ang lupain ng Canaan, ay parang iniwan nila ang kaharian ng Dios. At saka, ang mapalayas sa Jerusalem at malaman na ang templo ay nawasak, iyan ay parang itinaboy palabas sa kaharian ng Dios. Subali’t ano ang kumakatawan sa kaharian ng Dios sa taong 1994? Nalalaman nating sa buong panahon ng simbahan, ang lahat ng mga simbahan ay kumakatawan sa kaharian ng Dios sapagka’t sila ang makalangit na samahang binalak ng Dios upang siyang panlabas na kumatawan sa kaharian. Sila ang mga tagapangalaga ng Biblia, at sila ay may tungkuling ipahayag ang Ebanghelyo sa buong mundo.

       Ang malaking kapighatiang karanasan ni Jacob (Mga Gawa 7:11-12) ay sinaklaw ang pitong taon ng taggutom, subalit sa panahong iyon, ang pinakamahirap na panahon ay naganap sa katapusan ng dalawang taon, nang si Jacob ay kinakailangang umalis sa lupang pangako (1887 B.C.). Nang iniutos kay Jacob at sa kanyang pamilya na umalis sa lupain ng Canaan, parang inuutusan siyang umalis sa kaharian ng Dios. Walang mas masakit kaysa diyan. Nangangahulugang ang lupang pangako, ang lupain ng Canaan, ay isinuko sa mga pagano na nasa kaharian ni Satanas. Kaya nga, sa pansimbolo, parang si Satanas ang nabigyang mamuno sa kaharian ng Dios. Kaya nga, ang taong 1877 B.C. ay malungkot at nakatatakot na taon.

       Gayon din naman, ang talagang kasindak-sindak sa 70 taong karanasan ng Israel ay ang taong 587 B.C., nang ang Jerusalem at ang templo, na kumakatawan rin sa kaharian ng Dios ay nawasak. Sa taong iyon, sa pamamagitan ng utos ng Dios, ang templo at ang Jerusalem ay winasak ng hari sa Babilonia, na kumakatawan kay Satanas (Isaias 14). At muli, parang ang kaharian ng Dios sa mundo ay dumating na sa katapusan..

       Ang dalawang makasaysayang pangyayari ay kumakatawan sa nangyari noong A.D.1994, na taon ng jubileo. Sa loob ng 1,995 taon, ang mga simbahan sa buong mundo ay kumakatawan ng kaharian ng Dios, kahit na ang lupain ng Canaan sa panahon ni Jacob, at Judea, ang lupain ng Israel, Jerusalem, at ang templo sa panahon ng Israel.

      Matutuklasan nating sa isang panahon mas maaga kaysa 1994, ay natapos ng gamitin ng Dios ang mga simbahan upang kumatawan sa kaharian ng Dios. Kaya, ang kamangha-manghang taon ng jubileo 1994 ay napakasamang taon para sa mga simbahan. Sa buong mundo, ang Dios ay muling nagliligtas ng halos hindi mabilang na dami ng mga tao, subali’t ang mga simbahan ay nanatiling nasa ilalim ng espirituwal na pamumuno ni Satanas. Totoong, ang Dios ay habang panahong tinapos na ang paggamit sa mga simbahan upang kumatawan sa kaharian ng Dios. Ang kalagayan ay parang noong 1877 B.C., nang ang lupain ng Canaan ay lubusang sumailalim sa

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
42

pamumuno ng pagano, at sa taong 587 B.C., nang ang lupain ng Judea ay sumailalim sa paghahari ng hari sa Babilonia.

       Noong taong 1877 B.C. ay nahati ang kapighatiang naranasan ni Jacob sa dalawang bahagi, gaya rin ng taong 587 B.C. ay nahati ang 70 taong kapighatiang naranasan ng Israel sa dalawang bahagi. Kaya, ang malaking kapighatian rin sa ating panahon ay nahati sa dalawang bahagi sa taong 1994, nang naging tiyak na ang Dios ay habang panahong tinapos na ang paggamit sa mga simbahan upang kumatawan sa kaharian ng Dios.

       Sapagka’t ang dalawang panahon ng kapighatian na pito at pitongpung taon ay mga halimbawa ng malaking kapighatian sa ating panahon, ay maasahan nating ang kasalukuyang panahon ng kapighatian ay maiuugnay rin sa bilang na pito. Nalaman na nating ang unang bahagi ng malaking kapighatian ay lumilitaw na iniuugnay sa 2,300 mga araw ng Daniel 8. Sapagka’t ang naranasang kapighatian ni Jacob ay sumaklaw sa pitong taon, at ang naranasang kapighatian ng Juda ay sumaklaw ng 70 taon, ay maaasahan nating ang buong panahon ng kasalukuyang panahon ng malaking kapighatian ay itatampok rin ang bilang na pito. Maaaring ito ay 7,000 mga araw o posibleng 7x12x100, na katumbas ng 8,400 mga araw. Sa espirituwal, ang bilang na 100 ay nangangahulugan ng “kabuuan” at ang bilang na 12 ay nangangahulugan ng kapunuan. Sa dakong huli ay malalaman nating ang panahon ng malaking kapighatian ay 8,400 mga araw (23 taon), at ito ay matibay na pinatunayan sa pamamagitan ng maraming karagdagang impormasyon sa Biblia. Nang nakapagtataka, ay may eksaktong 8,400 mga araw sa 23 taon, at ang bilang na 23 ay napakadalas iugnay sa matinding galit ng Dios.

       Gayon pa man, ay maoobserbahan natin ang pagkakatulad na umiiral sa pagitan ng pagkakahati sa dalawang bahagi ng pitong taon, ang 70 taon, at ang 8,400 mga araw. Gaya ng nalaman natin ang pitong taon ng kapighatian ni Jacob ay pinaghiwa-hiwalay sa dalawang bahagi. Ang masakit na karanasan na lisanin ang lupain ng Canaan ay sa katapusan ng unang dalawang taon ng pitong taon (Genesis 45:6-8). Kaya nga, ang unang bahagi ay dalawang ika-pito, o 28.6% ng buong panahon. Gayon din naman,ang kapighatian ng Judea ay nagsimula sa taong 609 B.C. nang si Haring Josias ay namatay, at nagpatuloy hanggang sa taong 539 B.C. nang ang Babilonia ay sinakop ng mga taga Media at taga Persia. Ang 70 taon ay hinati sa dalawang bahagi, ang unang bahagi ay 22 taon. Ang dalawangpu’t dalawa ay 31.4% ng 70 taon.

       Tandaang, ang kapighatian ni Jacob at ang kapighatian ng Judea ay mga halimbawa ng ating kasalukuyang malaking kapighatian. Kaya nga, maaasahan nating ang unang bahagi ng malaking kapighatian sa ating panahon ay malapit rin sa 28.6% o 31.4% ng buong panahon ng kapighatian. Sa katunayan, makikita nating ang 2,300 mga araw ay 27.4% ng 8,400 mga araw. Makikita natin ang pagkakatulad na umiiral sa pamamagitan ng kalapitan ng 27.4% sa 28.6% at 31.4%. Sa dakong huli ay matutuklasan natin ang maraming patunay sa Biblia na nagpapakita sa ating ang pansamantalang pagkakahati ng 2,300 mga araw bilang unang bahagi ng kabuuang 8,400 mga araw ng panahon ng malaking kapighatian ay talagang eksakto.

      Sa ganyang paraan, ay malalaman nating ang 8,400 mga araw ay itinatampok ang bilang na 7 (7x12x100). Lumilitaw rin na ito ay hinati sa dalawang bahagi, ang unang bahagi malapit sa 30% ng buong panahon. At dahil ang 23 taon, na sa Biblia

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
43

ay kadalasang iniuugnay sa matinding galit ng Dios, ay eksaktong 8,400 mga araw ang tagal, tayo ay matibay na pinalalakas ang loob upang maniwala na ang panahon ng malaking kapighatian ay talagang 8,400 mga araw ang tagal.

       Basahin natin sa I Pedro 4:17:

 

Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?

 

       Sa bersikulong ito, sinasabi ng Dios ang tungkol sa paghahanda ng panahon ng panimula para pagdating ng paghatol ng Dios, at ito ay magsisimula sa mga simbahan. Kaya nga, ang 8,400 (23 taon) mga araw ay posibleng ang panahong iyan.

       Ang 2,300 mga araw na iniuugnay sa unang bahagi ng malaking kapighatian ay maaari ring iugnay sa Apocalipsis 8:1, na kung saan ay basahin natin:

 

At nang buksan niya ang ika-pitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

 

       Ang oras na halos “kalahating oras” ay oras na sa buong mundo at sa loob ng lahat ng mga simbahan, sa katunayan ay walang inililigtas. Malalaman natin ito sapagka’t mababasa natin sa Lucas 15:10:

 

Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

 

       Kapag walang taong naliligtas, may katahimikan sa langit sapagka’t doon ay walang kagalakan.

       Sa ganyang paraan, ating matutuklasan na sa katapusan ng panahon ng simbahan, doon ay may 8,400-araw (23 taon) na nagsisimula sa 2,300 -araw, nang ang buong mundo at lalo na ang mga simbahan, ay inihahanda para sa araw ng paghuhukom.

       Kaya nga, mababasa natin, halimbawa, sa Apocalipsis 13:7 at 8 ang tungkol sa hayop (si Satanas) na lumabas sa dagat (ang matinding galit ng Dios), at nadaig ang mga banal (pinalayas sila sa mga simbahan), at naghari rin sa buong mundo.

      Gayon pa man, gaya ng naitala na natin, ang taong 1994 ay taon ng jubileo, na panahong ibinuhos ang Espiritu Santo (Ezekiel 39:25-29; Joel 2:28-32), at ang katapusang dakilang panahon upang ilaganap sa buong mundo ang pagtuturo ng ebanghelyo na siyang magaganap. Nais nating maniwalang ito ay nangangahulugang ang mga simbahan ay muling gagamitin ng Dios. Gayon pa man, gaya ng natututunan natin ang mga lokal na simbahang umiral sa buong mundo ay kumakatawan sa templo, at tinitiyak sa atin ng Dios na darating ang panahong ang templo ay mawawasak at walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato (Mateo 24:1-3). Hindi natin mababasa kahit saan na ang templong binanggit sa Mateo 24 ay muling itinayo pagkatapos itong ibagsak. Iyan ay, kailanman ay hindi na gagamitin ng Dios ang kahit na anong simbahan upang ihatid ang Ebanghelyo sa mundo.

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
44

       Ang malaking kapighatian ay nagpatuloy sa buong 8,400 mga araw, na eksaktong buong 23 taon. Ito ay nangangahulugang simula sa 1994, na taon ng jubileo, ang Dios ay gumamit ng ibang pamamaraan upang ihatid ang Ebanghelyo sa mundo. Hindi na Niya ginamit ang mga lokal na kongregasyon. Iyan ay, samantalang kahit papaano, ang taong 1994 ay kamangha-manghang taon ng pinagbagong pinangibabaw na Ebanghelyo sa buong mundo, para sa mga lokal na simbahan, ito ang pinaka-nakatatakot na taon. Ito ay totoo sapagka’t ang mga simbahan ay kailangang magpatuloy hanggang sa katapusan ng 8,400-araw na panahon ng malaking kapighatian sa ilalim ng matinding galit ng Dios.

Ang Petsa ng Katapusan ng Panahon ng Simbahan

       Ang impormasyong ating sinuri ay tumitiyak sa atin na ang 1994 na taon ng jubileo ay ang katapusan ng 2,300 mga araw, na sa katunayan ay walang naligtas kahit saan sa mundo. Ang katibayang iyan ay tumutulong sa ating tuklasin ang petsa ng katapusan ng panahon ng simbahan, na dapat mapataon sa pagsisimula ng 23 taon (8,400 mga araw) ng malaking kapighatian.

       Ang panahon na 2,300 mga araw ay ilang buwang mas mahaba kaysa anim na taon. Kaya nga, ang katapusan ng panahon ng simbahan ay maaaring naganap ng anim na taong mas maaga kaysa sa taong 1994. Kaya, maaaring ito ay naganap sa taong 1988.

       Upang tuklasin ang eksaktong araw sa 1988 nang magwakas ang panahon ng simbahan, ay dapat nating tandaang ang panahon ng simbahan ay iniugnay sa panseremonyang pista ng sanglinggo, na tinawag ring araw ng Pentecostes. Ito ay ipinagdiwang sa araw ng Linggo na pitong linggo pagkatapos ng unang Sabado (ika-pitong araw ay Sabbath), na dumating pagkatapos ng pista ng Paskua. Sa araw na iyon dinala sa templo ang mga unang bunga. Pinaghandaan nito ang pagdadala ng ani, mula sa buong mundo, ang unang ani ng mga tunay na mananampalataya na dinala sa kaharian ng Dios. Ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng simbahan ay sa araw ng Pentecostes sa A.D.33. Ang araw na iyon, kapag pinagsabay sa ating kalendryo, ay Mayo 22, A.D.33.

       Habang dumarating ang Pentecostes bawa’t taon, sa espirituwal, ay nagtuturo ito sa pagpapatuloy sa pagdadala ng mga unang bunga sa loob ng isa pang taon. Gayon pa man, sa A.D. 1988, ang pagdadala sa mga unang bunga na iniugnay sa Pentecostes ay nagwakas. Dahil sa taong 1988, ang Pentecostes ay dumating sa Mayo 22, ang huling araw ng panahon ng simbahan ay ang araw bago ang Mayo 22, na Mayo 21. Nang hindi pangkaraniwan, ito ay nangangahulugang ang panahon ng simbahan, na opisyal na nagsimula sa Mayo 21, A.D.33, na nagpatuloy mula A.D.33 hanggang 1988, ay katumbas ng 1,955 buong taon, hanggang sa talagang araw. Ito ay isa pang pagpapahiwatig ng kaeksaktuhan ng tamang panahon ng kasaysayan ng Dios.

      Kaya, ang Mayo 21, 1988 ay ang opisyal na katapusan ng panahon ng simbahan at ang opisyal na pagsisimula ng malaking kapighatian. Ang 2,300 mga araw ng unang bahagi ng malaking kapighatian kung gayon ay magwawakas sa Setyembre 7, 1994. Nang makahulugan, ang Setyembre 7, 1994, batay sa araw ng pista sa kalendaryo sa Biblia, ay Tishri 1, na sa Biblia ay tinawag ring pista ng jubileo.

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
45

Tandaang ang salitang “jubileo” ay may kinalamang lahat sa paghahatid ng Ebanghelyo sa mundo.

       Sumunod sa 2,300 mga araw , ay may 6,100 mga araw (8,400-2,300=6,100) na nalalabi sa 23 taon (8,400 mga araw) ng malaking kapighatian. Kaya itong 6,100 mga araw, ay magwawakas sa Mayo 21, 2011.

       Nang una ay nalaman nating ang huling araw ng pananatili ng mundong ito, gaya ng ipinahiwatig sa pagdidiwang ng pista ng tabernakulo (pista ng Biblia) ay Oktubre 21,2011. Kaya, pagkatapos ng malaking kapighatian dapat ay mayroong huling panahon na 153 mga araw, na ating matutuklasan ay ang araw ng paghatol, kung kailan tatapusin ng Dios ang Kanyang pamamaraan ng pagpaparusa sa mga hindi ligtas.

       Sa pamamagitan ng pagpapala ng Dios, ay pansamantala nating natuklasan ang tamang panahon ng kasaysayan sa Biblia hanggang sa katapusan ng mundo. Ipapakita natin ngayon kung paanong ang Biblia ay nagbibigay ng maraming katibayan sa eksaktong tamang panahon.

       Ang pangunahing alituntunin na labis na nakatulong sa pagsisikap na ito ay ang inilathala sa Colosas 2:16-17, na kung saan ang Dios ay nagpapahayag:

 

Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating : nguni’t ang katawan ay kay Cristo.

 

       Sa talagang nagpapaliwanag na mga bersikulong ito, ang Dios ay nagpapahayag ng simulain na ang pagsasoras ng pagdiriwang ng iba’t ibang panseremonyang mga batas ay nagtuturo at may kaugnayan sa pagsasaoras ng mga bagay na darating. Kaya nga, kaagad nating mauunawaan kung bakit si Jesus, ang Kordero ng Dios, ay ipinako sa krus sa ika-14 na araw sa unang buwan (Nisan 14) sa kalendaryo ng Biblia, na Paskua. Mauunawaan rin natin kung bakit ibinuhos ang Espiritu Santo at ang panahon ng simbahan ay nagsimula mga pitong linggo sa bandang huli, sa talagang araw na ipinagdidiwang ng Israel ang pista ng Pentecostes.

       Ang isa pang nakakatulong na hula ng Biblia na nalaman natin nang una sa pag-aaral na ito ay ang Marcos 13:28-29, kung saan nagtuturo sa atin ang Dios;

 

Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay malalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.

 

      Ang bansang Israel ay kadalasang kinakatawan sa Biblia bilang puno ng igos. Na walang bansa o bansang pagkakakilanlan sa halos 2,000 taon, ang Israel ay halos mahimalang muling naging maaaring umunlad na bansa sa mundo. Ang kamangha-manghang pangyayari ay iniugnay nang tama ng maraming guro ng Biblia bilang pagkakatupad nitong hula sa Marcos 13. Dahil ang pangyayaring ito ay nangyari noong Mayo 14, 1948, itinuro sa atin ng mga bersikulong ito na ang lahat ng mga

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
46

pangyayaring binalangkas sa Marcos 13 ay mangyayari sa madaling panahon, sa mga taong kasunod ng 1948.

       Ang isa pang nakakatulong na palantandaang tumulong sa ating matuklasan ang tamang panahon na nagbibigay-daan sa katapusan ng mundo ay ang katunayang ang taong 1994 ay taon ng jubileo. Nang una ay nalaman nating si Jesus, na talagang pinakadiwa ng jubileo, ay ipinanganak sa 7 B.C. na taon ng jubileo. Tandaang, ang jubileo ay nangangahulugan na ang kalayaan (kaligtasan) ay kailangang ipamalita sa mundo.

       Ang isang napakaingat na pag-aaral sa Marcos 13, at ang mga magkakatulad na kabanatang gaya ng Mateo 24 at Lucas 17 at Lucas 21, ay nagpapahiwatig na ang mga sumusunod na pangyayari ay mabubuo nang isinara ng Dios ang kasaysayan ng mundo.

       1. Darating ang panahon kapag ang lahat ng mga simbahan sa buong mundo, na kumakatawan sa templo ng Dios ay darating na sa katapusan. “Dito’y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato” (Mateo 24:2). Sila’y ay lulusubin at sasakupin ni Satanas na tinatawag na “kasuklamsuklam na paninira” (Mateo 24:15).10

       2. Ito ay magiging panahon ng malaking kapighatian kapag ang mga tunay na mananampalataya ay itinaboy at inutusang lisanin ang kanilang mga simbahan. Ito ay panahon ng ganap na pagtakwil sa Biblia ng mga simbahan, habang si Satanas ay darating sa kanila na may mga tanda at mga kababalaghan (Mateo 24:24).

      3.. Ang panahong ito ng kapighatian ay kinatawan ng pitong taon ng kapighatian na naranasan ni Jacob nang sa taong 1877 B.C. siya ay inutusan ng Dios na lisanin ang lupang pangako, ang Canaan, at magpunta upang mamuhay sa Egipto.

       4.. Ito ay kinatawan rin sa pamamagitan ng 70 taon, 609 B.C. hanggang 539 B.C. nang ang Juda ay nagdusa sa ilalim ng matinding galit ng Dios. Ito ay ang 70-taong panahon magmula sa 609 B.C., nang si Josias, ang kahuli-hulihang mabuting hari, ay pinatay, hanggang 539 B.C., nang ang Babilonia ay sinakop ng mga taga Media at mga taga Persia, kaya pinahintulutang magbalik sa Jerusalem ang mga bilanggong Judio. Sa gitna nitong nakatatakot na panahong naranasan ng Israel, sa taong 587 B.C. ang Jerusalem at ang maringal na templo ni Solomon ay lubusang winasak ng mga taga Babilonia.

      5. Sa mas mababang antas, ay maoobsebahan nating kinatawan rin ito sa pamamagitan ng pitong buwan nang ang tabernakulo ay nasa Silo at ang kaban ay inagaw ng mga Filisteo at dinala sa kanilang bayan. Ito ay naganap sa taong 1068-1067 B.C.


10 Inaanyayahang kayong humingi ng mga libreng aklat na Ang Katapusan ng Panahon ng Simbahan atPagkalipas at AngTrigo at ang mga Pangsirang Damo, na nagbibigay ng mas maraming impormasyon tungkol sa katapusan ng panahon ng simbahan.

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
47

       Kaya, ang bilang na 7 ay lumalabas na nagpapahayag na kasangkot sa tagal ng panahon ng malaking kapighatian na binasa natin sa Mateo 24.

       Nalaman nating sa lahat ng posibilidad, ang bilang na 23 ay iniugnay sa panahon ng malaking kapighatian. Nang paulit-ulit, ito ay ginamit sa Biblia upang ipakahulugan ang matinding galit ng Dios, at ang panahon ng malaking kapighatian ay tiyak na panahon nang ang Dios ay inihahanda ang mga simbahan at ang mundo para sa matinding galit ng Dios, na kaagad susunod sa panahong ito. Ang mga bilang na 7 at 23 ay parehong naging higit na may-kaugnayan nang matuklasan nating talagang 8,400 mga araw ang katumbas ng 23 buong taon. Ang bilang na 8,400 ay katumbas ng 7x12x100, kaya pinapahitulutan ang bilang na 7 at ang bilang na 23 na maitampok sa pamamagitan ng 8,400-araw, iyan ay, ang 23-taon, panahon ng kapighatian.

       Natuklasan nating ang 8,400-araw ng panahon ng kapighatian ay hinati sa dalawang bahagi. Batay sa nalaman natin sa Apocalipsis 8:1, sa unang bahagi, sa katunayan ay walang naligtas saanman sa mundo. Iniugnay natin ang unang bahagi sa 2,300 na hapon at umaga ng Daniel 8:13-14.

       Nalaman natin sa ikalawang bahagi ng malaking kapighatian, na ang lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinoman, ay mga naliligtas sa buong mundo (Apocalipsis 7:9-14). Ito ay magaganap sa kalahatan sa labas ng mga simbahan na mananatili sa ilalim ng matinding galit ng Dios.

       Nalaman rin nating ang panseremonyang pista ng tabernakulo (pista ng Biblia), na maaaring anino ng mga bagay na darating, ay iniugnay sa talagang huling araw. Dahil ang huling araw ay kailangang iugnay sa katapusan ng mundo, ang pagsasaoras ng pista ng tabernakulo sa Biblia ay kailangan ring iugnay sa katapusan ng mundo.

       Ang isa pang mahirap maunawaang kaunting impormasyon ay dapat na isaisip, at iyan ay ang paghahayag ng Marcos 13:24-26, na kung saan ay basahin natin:

 

Nguni’t sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

 

      Kailangang higit pa nating matutunan ang tungkol sa panahong ito.

      Habang binubuod ang lahat ng ating mga natuklasan, maaari nating ipalagay na ang pag-unlad ng mga pangyayaring naghahanda para sa katapusan ng mundo ay lumilitaw na ang mga sumusunod.

       1. Ang panahon ng simbahan, na nagsimula sa A.D.33, ay magwawakas pagkatapos ng 1948, nang ang Israel ay muling naging umunlad na bansa tulad ng mga bansa sa mundo.

      2. Sapagka’t ang panahon ng simbahan ay nagsimula sa panahon ng

Kabanata 4. Sisimulan Natin ang Ating Pagsusuri sa Talatakdaan ng Panahon ng Katapusan
48

Pentecostes, at ito ay malapit na iniugnay sa Pentecostes, ang pagdadala sa mga unang bunga ng ani, ang opisyal na katapusan ng panahon ng simbahan, ay maaaring ang araw bago ang Pentecostes sa anumang taon magtatapos ang panahon ng simbahan.

       3. Sapagka’t ang huling bahagi ng malaking kapighatian ay dapat iugnay sa lubhang karamihan na naliligtas, ang huling bahagi ay kailangang magsimula sa taong 1994, na taon ng jubileo.

      4. Sapagka’t ang huling bahagi ng malaking kapighatian ay kailangang iugnay sa 2,300 mga araw ng Daniel 8, nang halos walang dapat maligtas, ang pagsisimula ng malaking kapighatian, na dapat mataon sa katapusan ng panahon ng simbahan, ay dapat mangyari noong taong 1988 (2,300 mga araw ay katumbas ng mahigit nang kaunti sa anim na taon).

       5. Sapagka’t ang opisyal na katapusan ng panahon ng simbahan ay dapat ang araw bago ang Pentecostes sa taong 1988, nalaman nating ang araw ng Pentecostes ay Mayo 22. Kaya nga, ang katapusan ng panahon ng simbahan at ang pagsisimula ng malaking kapighatian ay naganap noong Mayo 21, 1988.

      6.. Sapagka’t ang unang bahagi ng kapighatian, na panahong sa katunayan ay halos walang dapat maligtas, ay dapat maging 2,300 mga araw, samakatwid 2,300 mga araw pagkatapos ng Mayo 21,1988, ay dadalhin tayo sa Setyembre 7, 1994. Ang petsang ito ang dapat na simulang petsa ng malaking ani ng mga taong maliligtas sa panahong nalalabing 6,100 mga araw ng 8,400 (23 buong taon) ng malaking kapighatian.

       7.. Ang katapusan ng 6,100 mga araw pagkatapos ng Setyembre 7, 1994, ay Mayo 21, 2011, na dapat na katapusan ng malaking kapighatian.

      8. Sa taong 2011, ano ang huling araw ng pista ng tabernakulo (pista ng Biblia)? Nalaman nating ito ay mangyayari sa Oktubre 21,2011. Kaya may limang buwan, na binubuo ng 153 mga araw sa ating kalendaryo, na panahong dapat maganap ang mga pangyayari sa Marcos 13:24-27. Sa katunayan, kaagad, tayo ay nagkalakas-loob na maaaring dumating na tayo sa tamang pagkakaunawa ng paghahayag ng mga pangyayarng nagbibigay-daan sa katapusan ng mundo. Sa Apocalipsis 9, binabanggit ng Dios ang limang buwan na iniuugnay sa panahong nagdilim ang araw at ang paghatol ay nagsimula. At ang 153 mga araw, Mayo 21 hanggang Oktubre 21, ay eksaktong limang buwan.


Kabanata 3 Talaan ng mga Nilalaman Kabanata 5