HALOS NAROON NA TAYO!


Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
19

Kabanata 3.
Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan



       Sa katunayan, ang Biblia ay nagtuturo sa ating hindi magiging posibleng maunawaan ang anumang impormasyon sa Biblia na nagbibigay ng mga detalye sa katapusan ng mundo hangga’t ang mundo ay hindi malapit sa katapusan nito. Halimbawa, maraming bersikulo sa Aklat ni Daniel ay bumabanggit sa katapusan ng mundo, subali’t ang Dios ay nagtatagubilin sa Daniel 12:9:

 

At sinabi niya, Yumaon ka na iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.

 

       Sa madaling salita, hangga’t hindi tayo dumating sa panahon na talagang napakalapit sa katapusan ng mundo, ay hindi mauunawaan ng mga tunay na mananampalataya ang anumang totoong impormasyon tungkol sa mga detalye ng katapusan sa Ebanghelyo dito sa mundo. Layunin ng Dios na napakalapit bago magwakas ang mundo, makukuha ng mga tunay na mananampalataya ang ganyang uri ng impormasyon, at sila naman ang magpapahayag nito sa buong mundo.

       Ang isang pamamaraang ginamit ng Dios upang hindi maunawaan ang impormasyon sa katapusan ng mundo, ay pahintulutan ang halos lahat ng mga simbahang gamitin ang hermeneutic na gawa ng tao, iyan ay, ang pamamaraang gawa ng tao sa pagpapakahulugan sa Biblia, na ginawang hindi maaabot ng pag-iisip ng mga teologo ang malaking bilang ng impormasyon sa Biblia. Matatandaang naobserbahan natin ang ganitong malungkot na katotohanan mas maaaga sa pag-aaral na ito.

       Ang Biblia ay maliwanag na nagtuturo sa atin na kung walang talinghaga, si Cristo ay hindi nangungusap (Marcos 4:34). Ang talinghaga ay isang makalupang kuwento na may makalangit o espirituwal na kahulugan. Iyan ay, ang Biblia sa kabuuan ay espirituwal na aklat. Ito ang Salita ng Dios, at si Cristo ang talagang pinakadiwa ng Salita ng Dios (Juan 1:14). Dahil isinulat ito ng Dios, ang lahat ng makasaysayang impormasyon, ang mga pag-uusap na itinala, at ang mga kasabihan o maikling kuwentong isinulat, ay lubos na totoo at mapagtitiwalaan. Subali’t ang malaman na ang makasaysayang pangyayaring ito sa katunayan ay nangyari, ay maliit na bahagi lamang ng napakalaking bahay-imbakan ng katotohanan na kung ano ang Biblia. Ang bawa’t isang pag-uusap, ang bawa’t kasabihan o maikling kuwento, ang bawa’t salita ng Biblia ay maingat na binalak at dinisenyo ng Dios upang magturo nang labis-labis na mahahalagang espirituwal na katotohanan.

      Upang matuklasan ang espirituwal na katotohanan ay nangangailangan ng sobrang dami ng pag-aaral ng Biblia, paghahambingin ang anumang nakasulat sa Banal na Kasulatan (I Corinto 2:13). Kinakailangan ring buksan ng Dios Espiritu Santo ang espirituwal na mga mata ng naghahanap ng katotohanan. Gaya ng naitala na, ay hindi layunin ng Dios na ihayag ang maraming katotohanan ng Biblia, iyan ay, buksan ang mga espirituwal na mata ng naghahanap ng katotohanan, hanggang sa

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
20

talagang malapit sa katapusan ng panahon. Upang maisagawa ang pagkabulag na ito sa buong panahon ng simbahan, ang Dios ay nakitang hindi angkop na buksan ang mga espirituwal na mata ng mga guro ng Biblia sa mga simbahan na matatagpuan sa buong mundo. Sa ganyang paraan, halimbawa, ay hindi nila nauunawaang pinag-aaralan nila ang Biblia na sa kabuuan ay maling pamamaraan ng pagpapakahulugan sa Biblia.

       Ang isa pang halimbawa ay maaaring ihandog kung paanong sa buong panahon ng simbahan, ay pinanatili ng Dios na hindi maunawaan ng mga simbahan ang napakaraming pahayag ng Biblia. Ang mga binuksan ng Dios ang mga espirituwal na mata, ay naunawaan nang lubusan na ang bawa’t isang salita sa orihinal na salita ng Biblia ay mula sa bibig ng Dios, at kaya nga, ay lubos na totoo at mapagtitiwalaan. Ang tagapagsalin ay maaaring nagkamali sa pagsasalin, subali’t ang Hebreo o Griyegong salitang isinasalin kailanman ay hindi dapat pagdudahan.

       Ang problema sa pagdududa sa orihinal na Hebreo o Griyego ay naging sadyang magulo doon sa may kaugnayan sa mga bilang sa Biblia. Halimbawa, ang mga teologo ay hindi mapagtugma ang tagal ng paghahari ng isang hari gaya ng naitala sa isang bersikulo sa Biblia sa impormasyong ibinigay sa ibang dako sa Biblia. Kaya, madalas nilang ipinapalagay na maaaring nagkamali ang manunulat, iyan ay, minsan, kapag kinokopya ang orihinal na pagkakasulat ng Biblia, ang manunulat nang di-sinasadya ay napalitan nang kaunti ang isang titik mula sa mga titik ng orihinal na bilang, at sa ganyang paraan ay ginawa itong bilang na wala sa orihinal na nakasulat, at ang pagkakamaling iyan ay nagpatuloy habang ginawa ang mga karagdagang kopya. Kaya nga, sinasabi nilang hindi natin lubos na mapagtitiwalaan ang bawa’t isang bilang na itinala sa Biblia.

       Ang ganyang opinyon sa Biblia ay nangangahulugan na hindi natin talagang mapagtitiwalaan ang kahit na ano sa Biblia. Kung posible ang ganyang uri ng pagkakamali sa bilang na itinala sa Biblia, kung gayon posible rin itong mangyari na may kinalaman sa anumang salita sa Biblia, at ipapalagay nating walang lubos na mapagtitiwalaan sa Biblia.

       Gayon pa man, upang bigyan ng kapangyarihan ang mga bersikulong kanilang ginagamit upang ituro kung ano ang kanilang nais ituro, ang mga guro ng Biblia ay nagpahayag na ang Biblia ay di-maaaring magkamali at walang pagkakamali. Subali’t sa katunayan ay hindi sila naniniwalang ito ay talagang totoo sa bawa’t isang salita sa buong Biblia. Kung sila ay naniniwalang ang buong Biblia ay di-maaaring magkamali, kailanman ay hindi sila magsasalita ng ganyang mga bagay gaya ng pagkakamali ng manunulat. Hindi nila nauunawaang pinangalagaan ng Dios ang Kanyang Salita upang hindi mangyari ang pagkakamali ng manunulat. Dahil si Cristo ay sinadyang magsalita ng mga talinghaga upang itago ang mga katotohanan, at sapagka’t ang Dios ay pinahintulutang pagdudahan ng mga teologo ng simbahan ang pagkaeksakto ng ilang mga salita sa Biblia, ang maraming katotohanang itinala sa Biblia ay nanatiling nakatago.

      Ang mga ito ay dalawa lamang halimbawa. Kasama ng ilang iba pang mga paraan, kung paanong pinanatiling nakatago ng Dios ang ilang mga katotohanan ng Biblia hangga’t hindi Niya pinipiling ihayag ang mga katotohanang ito. Dapat nating maunawaang walang tao ang maaaring magsabi na ang kanyang sariling may-talinong kakayahan o ang kanyang kabanalan o pagkamakatwiran ang nakatulong sa kanya

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
21

upang maunawaan nang tama ang Biblia. Dapat nating maunawaang ang Dios lamang ang maaaring magbukas ng ating mga mata sa mga katotohanang itinago ng Dios sa Biblia. At siguradong, mayroon Siyang sariling talatakdaan ng panahon upang gawin ito.

       Dapat nating ilagay sa isip na ang Dios ay natapos isulat ang Biblia halos 2,000 taon na ang nakaraan. Subali’t plano ng Dios na ang napakaraming katotohanan ng Biblia ay hindi mauunawaan ng sinuman hanggang sa talagang malapit sa katapusan ng panahon. At gayon man, sa halos 2,000 taon, ang matiyaga, matapat, nananampalatayang mga iskolar ng Biblia, na totoong naligtas, ay nagkaroon ng karapatan sa paggamit sa Biblia, at talagang pinagsikapan nilang maunawaan hanggang maaari ang karamihan sa Biblia.

       Kaya, makikita natin kung bakit isinulat ng Dios ang Biblia sa talagang masalimuot, hindi maunawaang paraan na Kanyang ginawa. Nauunawaan natin, halimbawa, kung bakit pinahintulutan ng Dios ang lahat ng mga simbahang gumamit ng talagang may kamaliang pamamaraan ng pagpapakahulugan sa Biblia. Ito ay dahil lamang tayo ay malapit na sa katapusan ng panahon, at ipinahayag na layunin ng Dios ngayong ibigay sa atin ang lahat ng karagdagang katotohanang ito, na mauunawaan natin ang maraming katotohanan sa Biblia kaysa sa mga naunang mag-aaral ng Biblia.

Nasa Panahon Tayo Ngayon ng Pagkakaunawa

       Ngayon, ay dumating na tayo sa panahong iyan. Kaya nga, ang mga bersikulo sa Biblia na hanggang ngayon ay mahiwaga ay nauunawaan na ngayon. Halos araw-araw ang bagong katotohanan ay bumubuhos mula sa Biblia. Ang resulta nito ay lalo pang mas sobrang pagkaunawa sa plano ng Dios para sa katapusan ng mundo. Sa pamamagitan ng pagsunod sa pamamaraan ng Biblia sa paghambing sa anumang nakasulat sa Banal na Kasulatan, at nauunawaang kailangan nating hanapin ang espirituwal na katotohanang nakatago sa loob ng bawa’t isang larawan at bawa’t isang kasabihan o maikling kuwento, at bawa’t isang makasaysayang pangyayaring itinala sa Biblia, binubuksan ng Dios ang ating mga mata upang maunawaan ang lahat ng uri ng katotohanan na hanggang ngayon ay ipinagkait sa pinaka-matiyagang humahanap ng katotohanan sa Biblia. Natuklasan na natin ngayon ang halimbawa sa Biblia para sa mga nagtatapos na pangyayari ng mundo. Ang kakayahang malaman ang mas maraming katotohanan sa Biblia ay dumating lamang sapagka’t sa panahong ito sa kasaysayan binubuksan ng Dios ang mga mata ng mga tunay na mananampalataya na maingat na sinusuri ang buong Biblia para sa katotohanan.

       Dapat tayong paalalahanan ng Biblia na balak ng Dios na ang ganitong uri ng impormasyon balang-araw ay maunawaan ng mga tunay na mananampalataya. Matatandaan ang pagpapahayag ng Dios sa Eclesiastes 8:5-7:

 

Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan: Sapagka’t sa bawa’t panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka’t ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya: Sapagka’t hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka’t sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung

 
Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
22

 

paanong mangyayari?

 

       Sa mga bersikulong ito, ang Dios ay nagtuturo sa ating ang tao, sa natural, ay walang ideya ng talatakdaan ng panahon sa araw ng kanyang kamatayan o ang mga detalye sa pamamaraan ng paghatol ng Dios para sa katapusan ng mundo. Gayon pa man, sa buhay ng tunay na mananampalataya, ang taong may matalinong puso, ay layunin ng Dios na malalaman niya ang panahon at paghatol.

       Ang katunayan ay ang mga tunay na mananampalataya ay malalaman ang mas maraming bilang ng impormasyon sa panahon, mula sa Biblia, subali’t ang mga tunay na mananampalataya ay naunawaan lamang ang katotohanang ito sa ating panahon. Kaya, halimbawa, sa ating panahon natuklasan ng mga tunay na mananampalataya mula sa Biblia ang buong kalendaryo ng kasaysayan, simula sa paglikha sa taong 11,013 B.C.

       Ang simulaing inilathala sa Eclesiastes 8 ay higit pang ipinahayag sa I Tesalonica 5:2-6, na kung saan ay basahin natin:

 

Sapagka’t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila’y hindi mangakakatanan sa anomang paraan. Nguni’t kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: Sapagka’t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo’y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo’y mangagpuyat at mangagpigil.

 

       Ang mga bersikulong ito ay nagtuturo na para sa mga nasisiyahan sa kanilang kasalukuyang kaalaman ng Biblia, o sa kanilang kasalukuyang pilosopia sa buhay, na kabilang ang ideyang hindi nila dapat katakutan ang araw ng paghuhukom, para sa kanila, si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Wala silang kaalaman o tiwala sa impormasyon sa panahon na ibinibigay ng Biblia.

       Sa kabilang banda, ang mga nagpupuyat at nagpipigil, iyan ay, mayroong maliwanag na pag-iisip sapagka’t binigyan sila ng Dios ng bagong nabuhay na muling kaluluwa, ay marami silang malalaman tungkol sa katangian at pagsasaoras ng pagbabalik ni Cristo.

       Ang simulaing ito ay higit pang inilathala sa salita ng Amos 3:7, na kung saan ay ang Dios ay nagsasabi:

 

Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.

 

       Na nasa isip ang mga simulaing ito, alam nating aasahan natin ang pagsasarang mga pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Siyempre, ang mga katotohanang ito, na pinaniniwalaan nating maiuugnay sa katapusan ng mundo, ay

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
23

hindi lamang dapat magmula sa Biblia, kundi, dapat rin nilang panindigan ang pinaka-maingat na masusing pagsusuri ng Biblia.

       Ang Biblia ay maliwanag na nagsasabi sa ating si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi (II Pedro 3:10; I Tesalonica 5:2). Sa buong panahon ng simbahan, ay itinuro ito ng mga simbahan. Batay sa kanilang pinakamagaling na pagsisikap upang maunawaan ang Biblia, ang may-takot sa Dios na mga guro ng Biblia at mga teologo ay iginiit nang tama na dapat tayong labis na mabahala sa ating pansariling kaligtasan sapagka’t wala tayong garantiyang tayo ay mabubuhay bukas. At saka, ang karamihan ng mga simbahan ay nagturong dapat rin nating maunawaang ang katapusan ng mundo at ang pagbabalik ni Cristo sa paghatol ay maaaring maganap anumang sandali.

       Gayon pa man, gaya ng naipahiwatig na natin, sa buong panahon ng simbahan, ay walang maliwanag na kaalaman sa tamang panahon ng kasaysayan sa Biblia. Walang nakaalam ng eksaktong taon ng paglikha, ng taon ng baha sa panahon ni Noe, ng taon na si Abraham ay tinuli, ang araw at taon ng pagbibinyag kay Cristo, at iba pa.

       Ang kakulangang ito ng walang kamali-maling kaalaman ng pagsasaoras ng mga nakalipas na pangyayari, gayon din ang anumang kaalaman ng pagsasaoras ng pagbabalik ni Cristo, ay maingat na binalak ng Dios. Ito ay ipinahiwatig sa Daniel 12, na kung saan ay mababasa nating si Daniel, na binigyan ng pagkakaunawa ng maraming impormasyon sa panahon ng katapusan, ay sinabihang “ isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan” (Daniel 12:4).

       Subali’t ngayon tayo ay nasa panahon ng katapusan, at binuksan ng Dios ang ating mga espirituwal na mata sa kahalagahan ng mga pahayag na gaya halimbawa ng mga itinala sa Eclesiastes 8:5-6 at sa Amos 3:7.

       Kaya nga, gaya ng nauna nating naitala, ang Biblia ay nagtuturo sa atin sa I Tesalonica 5:2-6 na ang maraming tao sa ating panahon ay patuloy na igigiit na si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi, upang matuklasan lamang na sila ang babagsakan ng matinding galit ng Dios.

       Sapagka’t tayo ngayon ay talagang malapit sa panahon ng katapusan, ang mga bersikulong ito ay labis na makahulugan. Sa ating panahon ay naihayag natin sa pagpapala ng Dios ang tamang panahon ng kasaysayan sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa Biblia. Hindi lamang inihayag sa atin ng Biblia ang maraming impormasyon tungkol sa eksaktong talatakdaan ng nakaraang mga makasaysayang pangyayaring nakatala sa Biblia kundi nagbigay rin ng kaalaman sa takdang panahon ng mga dapat mangyari sa talagang katapusan ng mundo.

      Hindi tayo dapat magulat na ito ay ganito. Nang wasakin ng Dios ang buong mundo sa panahon ni Noe, ay tiniyak Niyang ang mundo sa panahong iyon ay nakaalam ng kasindak-sindak na pangyayari, ang pagkawasak ng mundo sa pamamagitan ng napakalaking baha, ay darating, at ang eksaktong araw na mangyayari ito. Si Noe ay hindi lamang ang tagapagtayo ng napakalaking daong, na ang paggawa ay talagang alam ng mundo sa panahong iyon, kundi si Noe mismo ay “tagapangaral ng katuwiran” (II Pedro 2:5). Pitong araw bago magsimula ang baha, ay ibinigay ng Dios kay Noe ang eksaktong araw kung kailan magsisimula ang baha (Genesis 7:4, 10,16).

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
24

       Gayon din naman, noong malapit nang wasakin ng Dios ang masamang siyudad ng Ninive, ipinadala ng Dios si Jonas upang balaan ang siyudad na 40 araw pa at ang siyudad ay mawawasak (Jonas 3:4)

       Gayon din naman, ay dapat nating maunawaang sa kasalukuyan, ang Dios ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa eksaktong talatakdaan ng panahon ng katapusan ng mundo. Ang impormasyong ito ay dapat lamang magmula sa Biblia. Ang Biblia ngayon ay walang pagkakaiba sa anumang paraan sa Biblia na nabuo mahigit sa 1,900 taong nakaraan. Subali’t dahil hindi plano ng Dios na ihayag ang kaalamang ito hangga’t hindi pa malapit ang katapusan ng mundo, ang impormasyong ito tungkol sa mga detalye ng panahon ng katapusan ng mundo ay mahigpit na itinago sa mga salita ng Biblia. Kaya nga, ito ay hindi posibleng maunawaan ng kahit na pinaka-matapat , masigasig na mag-aaral ng Biblia.

       Gayon pa man, laging plano ng Dios na malapit sa panahon ng katapusan, ay kailangang mayroon sa mundo nitong masaklaw na impormasyon sa panahon. Dahil ang lahat ng mga katibayan sa Biblia ay nagpapakitang sa kasalukuyan, ay halos nasa katapusan tayo ng panahon, ay makatitiyak tayong dapat mayroon na ngayon ng mahalagang impormasyong ito, na sa katunayan, ay dapat ibahagi sa buong mundo.

       Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri ng lahat ng impormasyong ibinibigay ng Biblia tungkol sa makasaysayang mga pangyayari na nakatala sa Biblia, ay talagang marami tayong naunawaan tungkol sa pagsasaoras at uri ng mga hinaharap na pangyayari, hanggang sa huling araw ng pananatili ng mundo. Maaari nating balangkasin ang ilang pangunahing katotohanang itinuturo ng Biblia, at sila ay ang mga sumusunod:

       1. Ang Biblia ay talagang sumusuring aklat. Hindi ito isinulat sa isang paraan upang humikayat ng makasariling pagsusuri o pilosopong pagpapaliwanag (II Pedro 1:20). Ito ay isinulat tulad ng aklat ng inhinyeriya, na kung saan ang katotohanan ay ibinigay bilang ganap na katibayan.

       2. Ang bawa’t isang bilang na itinala sa Biblia ay tamang-tama. Kahit na ang bilang ay maaaring mahirap maunawaan, kailanman ay hindi ito dapat ituring na pagkakamali.

       3. May labis na pagkaeksakto ang pagdating ng mga makasaysayang pangyayari. Halimbawa, ang Israel ay nasa Egipto sa loob ng 430 taon, sa talagang araw. Ang Israel ay sa ilang naglalakbay mula sa Egipto patungo sa Canaan sa loob ng 40 taon, sa talagang araw.

      4. Nang madalas, subali’t hindi lagi, ang Dios ay gumagamit ng isa o ilang bilang ng Biblia upang ilarawan ang espirituwal na katotohanan. Si Jesucristo ay bumanggit nang tuwiran sa espirituwal na kahulugan ng mga bilang sa Mateo 18:21-22. Nang tinanong ni Pedro si Jesus kung ilang beses niya dapat patawarin ang kanyang kapatid, si Jesus ay gumamit ng mga bilang upang ipaliwang ang Kanyang kasagutan. Kanyang sinasabi sa bersikulo 22:

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
25

 

…Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

 

       Dahil lagi nating dapat patawarin ang bawa’t isa, ay makikita nating si Jesus ay gumagamit ng mga bilang upang ipakita ang mga espirituwal na katotohanan. Ang mga bilang na ito ay maaaring tumayong mag-isa o maging bahagi ng mas malaking bilang. Ito ay labis na nakatutulong sa pagtutugma at magkakasamang iugnay ang magkaagapay na pangyayari na naganap ng maraming taong magkakahiwalay. Ang sumusunod ay ang listahan ng karamihan nitong mga bilang.

       2- Ang mga inatasang maghatid ng Ebanghelyo

       3- Ang layunin ng Dios

       4- Ang pinakamalayong lawak ng panahon o layo na nasa espirituwal na pananaw ng Dios

       5- Ang pagtubos sa krus, na binibigyang-diin ang parehong paghatol at kaligtasan

       7- Ang ganap na pagkakatupad ng layunin ng Dios

       10- Ang pagiging tapos na tapos ng kung ano man ang nasa pananaw

       11- Ang unang pagdating ni Cristo, 11,000 taon pagkatapos ng paglikha

       12- Ang kapunuan ng kung ano man ang nasa pananaw

       13- Ang katapusan ng mundo, ang mga detalye ay nagsimula nang tamang-tamang 13,000 taon pagkatapos ng paglikha

       17- Langit

       23- Ang matinding galit ng Dios o paghatol

       37- Ang matinding galit ng Dios o paghatol

       40- Pagsubok

       43- Ang matinding galit ng Dios o paghatol

       Isang halimbawa kung paano natin matutuklasan ang espirituwal na katotohanan sa pamamagitan ng malaking bilang na maaaring paghiwa-hiwalayin sa mas maliit na bilang ay ibinigay sa Juan 21. Doon ang Biblia ay nagtatala sa paghuli ng 153 isda. Ang lambat ay hindi napunit. Ang lahat ng mga isda ay ligtas na dinala sa lupa, na kumakatawan sa langit, na hindi gumagamit ng barko, na kumakatawan sa lokal na simbahan. Sa espirituwal, ang mga isdang ito ay kumakatawan sa lahat ng mga tunay na mananampalataya, ang hinirang, na maliligtas mula sa impiyerno, na kumakatawan sa dagat, pagkatapos magwakas ng panahon ng simbahan. Ang bilang na 153 ay maaaring hatiin, na makikita natin sa pamamagitan ng mga bilang na 3x3x17=153. Sa espirituwal, ang mga bilang ay nangangahulugan na ang bilang na 153 ay naglalarawan ng layunin ng Dios (3) na dalhin sa langit (17) ang mga lahat ng naligtas ng Dios mula sa matinding galit ng Dios. Kaya, ang bilang na 153 ay tumutulong sa ating makita ang mga espirituwal na katotohanang nakatago sa mga makasaysayang pangyayaring ito.

      5. Kung minsan, ang Biblia ay tumatawag ng pansin sa bilang na hinuhulaan ang pangyayari sa hinaharap. Halimbawa, sa Daniel 12:12, ang Dios ay bumabanggit ng taong banal na naghihintay at datnin ng 1,335 araw. Nalaman nating hinuhulaan

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
26

nito ang pagdating ni Jesus, na ang espirituwal na gawa ng pagtubos para sa mundong ito ay nagsimula sa Setyembre 26, A.D. 29, nang siya ay opisyal na inihayag na Kordero ng Dios. Ito ay nagpatuloy hanggang Mayo 22, A.D. 33, ang araw ng Pentecostes nang ibinuhos ang Espiritu Santo at ang panahon ng simbahan ay opisyal na nagsimula. Ang panahon sa pagitan ng dalawang pangyayari ay tamang-tamang kabilang ang 1,335 araw, gaya ng hinulaan ng Daniel 12:12.

       6. Dapat na maliwanag na maunawaang ang tunay na pagkakaunawa ng anumang katotohanan sa Biblia ay maaaring dumating lamang kapag ang Espiritu Santo ay nagpasiyang panahon na upang malaman natin ang katotohanang iyan. Kailangang buksan ng Dios ang ating mga puso at mga espirituwal na mata bago malaman ang anumang katotohanan. Kaya nga, ang pagsusumamo para sa espirituwal na paningin ang dapat na patuloy na panalangin ng sinumang naghahanap na malaman ang anumang katotohanan ng Biblia. Ito ay ginagamit rin nang talagang lubusan sa pagkakaunawa ng pagsasaoras at uri ng mga pangwakas na pangyayari ng kasaysayan ng mundong ito.

       7. Sa Colosas 2:16 at 17, ang Dios ay nagsasabi sa atin na ang panseremonyang mga araw ng pista ay mga anino ng mga bagay na darating. Ang mga bersikulong ito ay nagpapahayag:

 

Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni’t ang katawan ay kay Cristo.

 

       Kaya nga, makakaasa tayo at makikitang ang bawa’t mahalagang sandali sa paghahayag ng planong Ebanghelyo ng Dios ay nangyari sa petsa ng panseremonyang araw ng pista Halimbawa, si Cristo ay ipinako sa krus sa araw na dapat ipagdiwang ang Paskua. Ang araw ng Pentecostes ay ang araw na ang Espiritu Santo ay ibinuhos sa pagsisimula ng panahon ng simbahan. Malalaman nating ang simulaing ito ay susundin hanggang sa huling araw ng pananatili ng mundo, na darating sa araw na iniuugnay sa huling araw ng pista ng tabernakulo.

       Sa ating pag-aaral ng Biblia, kung ating pananatilihin sa isipan ang pitong simulain, ay napakalaki ang maitutulong sa atin sa pagsisikap nating malaman ang katotohanan mula sa Biblia.

      Dahil sa kahalagahan ng paksang ika pito, na bumabanggit sa kaugnayan ng mga panseremonyang petsa sa Biblia sa mahalagang sandali sa paghahayag ng tamang panahon ng kasaysayan ng Dios, ay magiging mabuti na higit pang bigyang-diin ang paksang ito. Sa paggawa nito, ay matutuklasan rin natin ang labis na kaeksaktuhang malimit na umiiral sa pagitan nitong mga makasaysayang sandali. Malalaman natin sa dakong huli na ang kaeksaktuhang ito ay magpapatuloy hanggang sa talagang huling araw ng pananatili ng mundo.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
27

Ang Mahalagang Hugpungan ng Panahon ay Iniugnay sa Mga Panseremonyang Araw ng Pista

       Gaya ng naobserbahan noong una, ang maraming mahalagang sandali sa paghahayag ng panahon ay iniugnay nang talagang tiyakan sa mga araw ng panseremonyang pista na dapat sundin ng Israel sa Matandang Tipan. Ang panseremonyang kalendaryo sa Biblia ay pinamahalaan ng panahong nagdaan magmula sa isang bagong buwan hanggang sa susunod, kaya ang isang buwan ay 29 o kaya’y 30 araw. Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa impormasyon sa panahon sa Biblia, ay nalaman nating ang unang buwan ng bawa’t taon ay nagsisimula hanggang maaari nang malapit sa vernal equinox sa tagsibol, subali’t hindi mas maaga kaysa sa 14 na araw bago ang equinox sa tagsibol, na Marso 21 o Marso 22.

       Gaya ng naobserbahan natin, ang Dios ay nagpasimula ng bilang ng talagang mga mahalagang panseremonyang pista na iniugnay sa mahalagang aspekto ng programa ng kaligtasan ng Dios. Sila ay mga “anino ng mga bagay na darating.” Ang mga mahalagang panseremonyang araw ng pista ay ang mga sumusunod

       1. Ang Paskua, ang ika-14 na araw sa unang buwan.

       2. Pentecostes, na tinawag ring pista ng pagaani, 50 araw pagkatapos ng ika-pitong araw ay Sabbath na magkapanabay ng araw ng Paskua o ang unang araw ng Sabbath pagkatapos ng Paskua.

       3. Ang unang araw sa ikapitong buwan ay natatanging araw ng pista na tinawag ng mga teologong pista ng mga pakakak. Nang higit na naaangkop ay dapat itong tawaging pista ng jubileo. Ang mga pinatunog na pakakak sa araw na iyon ay hindi ang pilak na mga pakakak sa Biblia. Sa petsang iyon, ang “Shophar,” ang sungay ng lalaking tupa ang hinipan. Ang Biblia, kapag isinalin nang tama ay binabanggit ito bilang araw ng jubileo (Mga Bilang 29:1) o ang pag-alaala sa jubileo (Levitico 23:34).

       4. Tuwing ika –limampung taon ay taon ng jubileo, na binigyang-diin na ang Ebanghelyo (kalayaan) ay kailangang ipahayag sa buong mundo. Ang mga taon ng jubileo ay nagsimula sa 1407 B.C. nang ang Israel ay pumasok sa lupain ng Canaan at dapat ipagdiwang sa pagkaraan ng pagitan na 50 taon (Levitico 25:8-13). Kaya, ang 7 B.C. na taon ng kapanganakan ni Cristo, ay taon ng jubileo. At ang A.D. 1994, na dumating 2,000 taon pagkatapos ng 7 B.C. ay taon rin ng jubileo.

       5. Ang ika-sampung araw ng ika-pitong buwan ay tinawag na araw ng pagtubos. Ito ay tinawag ring araw ng jubileo (Levitico 25:9), at inaasahan nito ang mahalagang pangyayari na pagkakaloob ni Jesus ng pagtubos para sa mga kasalanan ng lahat ng Kanyang planong iligtas.

      6. Ang ika-15 araw shanggang sa ika-dalawampu’t dalawang araw ng ika-pitong buwan ay ang araw ng mga tabernakulo, na sa parehong pagkakataon ay bilang pista ng pagtitipon.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
28

       Nang makahulugan, ang pagsasaoras ng bawa’t isang araw ng pista ay iniugnay sa talagang mahalagang sandali sa paghahayag ng programa ng kaligtasan ng Dios. Kapag pinagtugma natin ang lahat ng impormasyon sa Biblia na tumutulong sa ating paunlarin ang tamang panahon ng kasaysayan hanggang sa katapusan ng panahon, ay malalaman natin ang mga sumusunod.

       1. Maraming ebidensiya sa Biblia ay nagtuturo sa katotohanang, sa lahat ng posibilidad, si Jesus, na talagang pinakadiwa ng jubileo, ay ipinanganak noong Oktubre 2, sa 7 B.C. Ang taong 7 B.C. ay taon ng jubileo. Ang Oktubre 2, sa 7 B.C. ay araw ng pagtubos na ang “shofar” (sungay ng lalaking tupa) ng jubileo ay pinatunog. Kaya, ang parehong araw ng pagtubos at ang taong 7 B.C.. ay iniugnay sa jubileo. Matatandaang, ang jubileo ay tumutuon sa katotohanang ang Ebanghelyo ay kailangang ipamalita sa buong mundo. At si Jesus ay dumating sa mundong ito upang gumawa ng lahat ng pag-aayos upang maipahayag ang Ebanghelyo sa buong mundo. Kaya, makikita natin ang pambihirang pagkakaugnay sa pagsasaoras ng kapanganakan ni Jesus, na talagang pinakadiwa ng jubileo, sa araw at taon na nakatuon sa jubileo.

      2. Ang susunod na mahalagang hugpungan sa programa ng kaligtsan ng Dios ay ang araw na opisyal na sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain bilang Mesias. Ito ang araw na Siya ay ipinahayag sa mundo bilang Kordero ng Dios na dumating upang alisin ang mga kasalanan ng mundo. Batay sa ating makabagong kalendaryo, ito ay Setyembre 26, A.D. 29. Alinsunod sa kalendaryo sa Biblia, ito ang unang araw sa ika-pitong buwan, na petsa ng pista ng jubileo, (nang hindi tamang tinawag na pista ng mga pakakak ng mga teologo). Tiyak na makikita natin ang magandang pagkakahawig sa mga paghahayag ng opisyal na pagsisimula ng ministri ni Jesus, ang ating jubileo, sa pista ng jubileo.

      3. Si Jesus, bilang sakripisyong Kordero ng Dios, nang literal ay dinanas ang kaparusahan, na hinihingi ng batas ng Dios, sa paraang katumbas ng kaparusahang ibibigay sa mga maliligtas Niya, habang ginawa niya ang pagbabayad sa kanilang mga kasalanan. Itong napakalaking kaparusahan ay nagsimula ng Huwebes ng gabi sa Halamanan ng Getsemane at nagpatuloy hanggang bago gumabi ng Biyernes. Itong napakalaking pangyayari ay nangyari nang tiyakan sa parehong pagkakataong iniutos ng Biblia na ang araw ng Paskua ay dapat ipagdiwang. Ang Biyernes na iyon, batay sa kalendaryo sa Biblia, ay ang ika-labing-apat na araw ng unang buwan. Alinsunod sa ating makabagong kalendaryo, ito ay Abril 1, A.D.33.

       4. Sa A.D. 33, ang kalendaryo sa Biblia ay nanawagan ng pagdiriwang ng pista ng Pentecostes sa araw ng Linggo, Mayo 22, batay sa ating makabagong kalendaryo. Ito ang araw ng mga unang bunga ng ani na dapat dalhin. Sa parehong araw na iyon, Mayo 22, A.D. 33, ang Espiritu Santo ay ibinuhos at ang mga unang bunga ng panahon ng simbahan ay dinala sa kaharian ng Dios. Matatandaang , sa Mga Gawa 2:41, ay mababasa natin ang malapit sa 3,000 taong naligtas sa araw na iyon.

      5. Sa bawa’t araw ng Pentecostes sa buong panahon ng simbahan, na

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
29

nagpatuloy mula A.D.33 hanggang 1988, binigyang-diin na ang mga unang bunga ay patuloy na dadalhin. Kaya nga, ang panahon ng simbahan ay dapat nagtapos sa araw bago ang Pentecostes sa 1988. Ito ay Mayo 21, 1988. Kaya, ang panahon ng simbahan ay nagpatuloy ng tamang-tama sa loob ng 1,955 buong taon, hanggang sa talagang araw.

       6. Habang nagpapatuloy tayo sa pag-aaral na ito, ay malalaman nating ang panahon ng simbahan ay nagwakas sa Mayo 21,1988 (A.D.) Ang petsang ito ay nataon sa pagsisimula ng panahon nang inihahanda ng Dios ang mga simbahan at ang mundo sa tinatawag ng Biblia na malaking kapighatian. Malalaman rin nating sa unang 2,300 araw nitong 8,400 araw ng kapighatian, sa katunayan ay walang maliligtas.

       7. Subali’t pagkatapos, gaya ng malalaman natin sa pag-aaral na ito, 2,300 araw pagkatapos ng pagsisimula ng malaking kapighatian, ay nagsimula ang kahuli-hulihang malaking programa ng kaligtasan ng Dios. Ang araw na iyon ng kasaysayan ay Setyembre 7, 1994 (A.D.). Sa petsang ito muling ibinuhos ng Dios ang Kanyang Espiritu Santo, kaya sa loob ng susunod na 17 taon, sa buong mundo, ang lubhang karamihan ng mga tao ay maliligtas. 5 Sa katunayan, walang nakakaalam nitong kamangha-manghang pagkilos ng Dios sa oras na ito ay nangyari. Subali’t ang Biblia ay tinitiyak tayo na ito ay nangyari. Ang Setyembre 7, batay sa kalendaryo sa Biblia, ay ang unang araw ng ikapitong buwan, na ipagdidiwang ang pista ng jubileo (matatandaang, ito ay tinawag nang hindi tama na pista ng mga pakakak). Ang taong iyon, 1994, nang maganap ang pinakamahalagang pangyayaring ito, ay taon ng jubileo, tulad rin ng 7 B.C., nang si Jesus ay ipinanganak, ay taon ng jubileo. Minsan pa ay makikita natin ang pambihirang pagkakaugnay ng pagsasaoras ng paghahayag ng planong kaligtasan ng Dios sa pagsasaoras sa Biblia ng mga araw ng panseremonyang pista.

Ang Pagkaeksakto ng Mga Mahalagang Pangyayari sa Pagliligtas

      Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa Biblia ay nalaman nating ang paghahayag ng mahalagang hugpungan sa planong kaligtasan ng Dios para sa mundo ay hindi talagang pabaka-sakali o pamali-mali. Ang bawa’t pangyayari ay sumusunod sa talagang maingat na binalak na programa ng panahon na inihayag ng aklat ng batas ng Dios, ang Biblia. Ang mga sumusunod ay mga ilang halimbawa nito.


5 Sa Ezekiel 39:29, ay mababasa natin, Ni hindi ko naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka’t binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios. Ang pariralang Ni hindi ko naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila ay iniuugnay sa pinakahuling programa ng Dios, na dumating sa huling bahagi ng malaking kapighatian. Alam nating ito ay totoo sapagka’t ang programa ng kaligtasan ng Dios sa 1,480 taon na kinatawan ng Israel ang kaharian ng Dios, at sa 1,955 taon ng panahon ng simbahan, nang ang lahat ng mga simbahan ay kinatawan ang kaharian ng Dios, ay parehong nagwakas nang sila ay tinalikuran ng Dios. Sa huling pagtitipon lamang sa huling bahagi ng malaking kapighatian, na kailanman ay hindi ikukubli ang Kanyang mukha sa kanila. Tingnan rin ang Joel 2:28-32, na kung saan ay binanggit ng Dios ang pagbuhos sa Espiritu Santo sa panahon ng malaking kapighatian. Sa Mga Gawa 2, ang tuon ng pagbubuhos ng Espiritu Santo ay sa Pentecostes sa A.D.33 at ang malaking kapighatian.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
30

       1. Ang Israel ay nasa Egipto sa loob ng 430 taon hanggang sa talagang araw (Exodo 12:40-41). Ang mga taon ay 1877 B.C. hanggang 1447 B.C.

       2. Nang nilisan ng Israel ang Egipto sa 1447 B.C., ay eksaktong, sa talagang araw, 40 taon sa dakong huli na sila ay dumating sa Ilog Jordan, na kanilang tinawid noon upang magtungo sa lupain ng Canaan.

       3. Gaya ng hinulaan sa Daniel 12:12, ay eksaktong 1,335 araw kabilang, nangyari ang gawain ni Cristo bilang Mesias. Kanyang opisyal na sinimulan ang Kanyang gawain noong Setyembre 26, A.D. 29, nang Siya ay inihayag na Kordero ng Dios ( Juan 1:29). Tamang-tamang 1,335 araw sa dakong huli, kabilang, sa Mayo 22, A.D. 33, ay ibinuhos ang Espiritu Santo at ang panahon ng simbahan ay opisyal na nagsimula.

       4. Ang panahon ng simbahan ay sumaklaw, hanggang sa talagang araw, eksaktong 1,955 taon ng ito ay nagsimula sa araw ng Pentecostes, Mayo 22, A.D. 33, at nagwakas sa araw bago ang Pentecostes sa Mayo 21, 1988 (A.D.).

       5. Eksakto, hanggang sa talagang taon, na may 13,000 taon mula sa paglikha, sa taong 11,013 B.C. hanggang sa katapusan ng panahon ng simbahan, na pagsisimula rin ng huling gawain ng pagliligtas at paghatol ng Dios. Malalaman nating ito ay nagsimula sa A.D. 1988.

       6. Tamang-tamang may 7,000 taon mula sa baha sa panahon ni Noe, nang ang lahat ng bagay sa mundo ay nawasak noong 4990 B.C., hanggang A.D. 2011, na malalaman nating taon na wawasakin ng Dios ang kasalukuyang sanglibutan at muling lilikhain ito na bagong langit at ang bagong lupa.

       7. Kahit na hinulaan ito sa Daniel 8:14, ay malalaman nating may eksaktong 2,300 araw mula sa pagsisimula ng malaking kapighatian, na nataon sa katapusan ng panahon ng simbahan noong Mayo 21, 1988, hanggang sa pagbubuhos sa Espiritu Santo. Ang pagbubuhos sa Espiritu Santo, na nangyari noong Setyembre 7, 1994, ay ang petsa ng pagsisimula ng pinakahuling, kamangha-manghang 17 taong pag-aani ng lubhang karamihan ng mga taong naging mga tunay na mananampalataya.

       Ang mga ito ay ilan sa talagang eksaktong panahon na nagpapakitang isinaayos muna ng Dios ang paghahayag ng Ebanghelyo sa mundo.

Ginamit ng Dios ang Templo Upang Ilarawan ang Espirituwal na Katotohanan

       Dapat nating tandaan na paminsan-minsan ang Biblia ay nagpapakita ng makasaysayang pangyayari upang ilarawan ang matinding galit ng Dios gayon din ang awa at pagmamahal ng Dios. Halimbawa, ang Biblia ay naglalarawan ng napakasamang paghatol ng Dios sa mundo sa panahon ni Noe. Kanyang ginamit ang tubig ng baha upang wasakin ang sangkatauhan. Gayon pa man, sa I Pedro 3:20, habang binabanggit ang bahang ito, ang Dios ay nagpapahiwatig na ang “walong

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
31

kaluluwa ay naligtas sa pamamagitan ng tubig.” Gayon din naman, ang Israel ay dumaan nang ligtas sa Dagat na Mapula upang ilarawan ang kaligtasan. Gayon pa man, ang mga hukbo ng Egipto ay nilipol sa Dagat na Mapula upang ipakita ang paghatol ng Dios sa masama. Kaya, sa mga paglalarawang ito, ang Dios ay nagpapakita ng Kanyang matinding galit at ng Kanyang awa sa pamamagitan ng parehong pangyayari.

       Sa parehong anyo, ay ginamit ng Dios ang dakilang Templo na itinayo ni Solomon upang ilarawan ang paghatol ng Dios at upang ilarawan rin ang pagliligtas ng Dios. Ang templong ito katulad ng tabernakulo sa Shilo, ay naglarawan ng pagtatatag sa kaharian ng Dios sa buong panahon ng simbahan. Gayon pa man, sa takdang panahon, ay winasak ng Dios ang parehong templo sa Shilo at ang templo rin ni Solomon sa Jerusalem dahil sa kasamaan ng Israel at ng Juda. Gayon din naman, sa ating panahon, ay ibinigay ng Dios ang Kanyang paghatol sa mga simbahan sa ating panahon. Ang mga simbahang ito ay kinakatawan ng tabernakulo at ng templo. Walang kahit isa sa mga simbahan sa kasalukuyan ang kabilang pa rin sa planong kaligtasan ng Dios. Ang templo, na kumakatawan sa buong panahon ng simbahan, ay hindi na umiiral. Walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato (Mateo 24: 1-3).

       Subali’t ginagamit rin ng Dios ang templo ni Solomon upang kumatawan at ilarawan ang kamangha-manghang planong kaligtasan ng Dios na nangyayari sa ating panahon. Ginagawa Niya ito sa Biblia habang ipinapaliwanag Niya ang pagtatalaga sa templo. Ang lahat ng mga pangyayaring naganap na may kaugnayan sa pagtatalagang ito ay naganap sa ika-pitong buwan ng kalendaryo sa Biblia (I Mga Hari 8:2). Binabanggit ng Biblia ang ika-pitong buwan bilang ang katapusan ng taon (Exodo 23:16, 34:22). Sa ating panahon tayo ay nasa katapusan ng taon, 6sa abot ng may kinalaman sa kasaysayan ng mundo. Kaya, dapat nating maunawaang ang lahat ng mga pangyayaring kasangkot sa pagtatalaga sa templo ni Solomon ay nagtuturo o kumakatawan, sa mga pangyayari sa Ebanghelyo na nangyayari sa ating panahon, ang panahon ng huling pag-aani.

Ang Impormasyon sa Pagtatalaga ng Templo ay Nagbibigay ng Mahalagang Impormasyon sa Panahon

       Kaugnay sa pagtatalaga sa templo ni Solomon, ay gumamit ang Dios ng kawili-wiling paraan upang ipakitang ang katapusan ng mundo ay mas huli ng isang araw kaysa sa inaasahan natin. Sa paggawa nito, ipinapakita rin ng Dios sa atin ang labis na pagkaeksakto sa pagsasaoras ng katapusan ng mundo. Upang matamo ang impormasyong ito, ay kailangan nating unang tandaan kung paano ginagamit ng Dios ang pariralang “huling araw.”

      Habang sinusuri natin ang pariralang “huling araw” ay makikita nating itinala lamang ito sa walong dako sa Biblia. Ang apat sa mga dakong ito ay itinala sa Juan 6, na kung saan ang Dios ay nagsasabi ng pagbibigay sa lahat ng mga tunay na


6 Mahalagang ang Biblia ay binabanggit si Enoch na dinala sa langit, na hindi namatay, sa edad na 365 (Genesis 5:23-24). Tiyak na hindi nagkataong ang unang halimbawa ng pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya ay nangyari sa tunay na mananampalataya sa edad na napataon sa isang taon (365 araw), ng kasaysayan ng mundo.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
32

mananampalataya ng kanilang nabuhay na muling mga katawan sa huling araw (Juan 6:39, 40, 44, 54). Ang pariralang “huling araw” ay matatagpuan rin sa Juan 11:24. Doon ay mababasa nating si Marta, na nakatayo sa tabi ng libingan ng kanyang namatay na kapatid na si Lazaro, ay nagpapahayag, sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo:

 

…Nalalaman ko na siya’y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.

 

       Ang pariralang ito ay itinala rin sa Juan 12:48, na kung saan ay nagpahayag si Cristo:

 

Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.

 

       Ang nalalabing dalawang pangyayari sa paggamit ng Dios sa pariralang “huling araw,” nang talagang makahulugan, ay may kaugnayan sa huling araw ng pista ng tabernakulo. Sila ay itinala sa Juan 7:37 at Nehemias 8:18.

       Ang pista ng tabernakulo ay kasabay ng pista ng pagtitipon. Ang mga pistang ito ay tiyakang kaugnay sa katapusan ng mundo. Kaya, hindi tayo nagugulat na ang Dios ay gumagamit ng mga salitang “huling araw” na may kaugnayan sa pista ng tabernakulo. Iyan ay, ang huling araw ng pista ng tabernakulo ay dapat nagpapakita sa atin ng pagsasaoras ng huling araw ng katapusan ng mundo.

       Sa panseremonyang kalendaryo sa Biblia, ang mga magkasabay na pistang ito, ang pista ng tabernakulo at ang pista ng pagtitipon, ay dapat tumagal ng pitong araw, simula sa ika-15 araw ng ika-pitong buwan. Ang araw na kaagad sumusunod sa pitong araw, na tinatawag ng Biblia na ikawalong araw, ay tinawag rin na parehong “banal na pagpupulong” (Levitico 23:36) at ang “Sabbath” (Levitico 23:39). Kaya, ang pista ng tabernakulo sa katunayan ay kabilang ang walong araw na nagsimula sa ika-15 araw ng ika-pitong buwan at nagtapos sa ika-22 araw, at ang huling araw na ito ay dapat ipagdiwang na Sabbath.

       Layunin ng Dios, gayon pa man, na ipakita sa atin na kapag ginamit natin ang mga araw na ito sa katapusan ng mundo, ang ika-walong araw ay kailangang isaalang-alang na dalawang araw ang tagal, kaya sa ika-walong araw ay kabilang rin ang ika-23 araw ng ika-pitong buwan sa Biblia.

       Ang katotohanang ito ay binuo ng Dios sa impormasyon sa Biblia na may kaugnayan sa pagtatalaga sa templo ni Solomon, na maaaring ipakitang kapansin-pansing maiuugnay sa mga pangyayaring magaganap sa katapusan ng mundo. Sa II Cronica, ay inilalarawan ng Dios ang pagtatalaga sa templo ni Solomon. Dapat nating tingnan ang ilang pahayag na ginawa ng Dios na may kaugnayan sa pagtatalaga. Sila ay ang mga sumusunod.

      Ang oras ay nasa ikapitong buwan (II Cronica 7:10).

      Ang pagtatalaga sa dambana ay pitong araw (II Cronica 7:9).

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
33

      Pagkatapos ay pinanatili nilang pitong araw ang pista ng tabernakulo (pista ng Biblia) (II Cronica 7:8-9). Kaya, lumipas ang 14 na araw (I Mga Hari 8:65).

      Ang pitong araw na pagdiriwang ng pista ng tabernakulo ay sinundan ng ikawalong araw nang kanilang ipinagdiwang ang dakilang kapulungan (II Cronica 7:8-9).

      Ang ikawalong araw ay dapat ipagdiwang na araw ng Sabbath (Levitico 23:39), na walang gagawing gawain, at dapat na limitado ang paglalakbay. Batay sa Mga Gawa 1:12, ang layo sa pagitan ng Bundok ng Olivo at Jerusalem, na kulang sa kalahating milya, ay ang haba lamang o layo na pinahintulutan silang maglakbay sa araw ng Sabbath. Nang kapansin-pansin, sa I Mga Hari 8:66, ay basahin natin:

 

Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod at sa Israel na kaniyang bayan.

 

Ang Ikawalong Araw, Oktubre 21, 2011

       Gaya ng ating naobserbahan, ang ikawalong araw sa pangkaraniwan ay ika-22 araw ng ikapitong buwan at dapat ipagdiwang bilang Sabbath. Ang mga tao ay dumating nagmula sa buong lupain ng Israel (I Mga Hari 8:65). Paano sila maaasahang gawin ang lahat ng gawa ng pag-alis at paglalakbay sa araw na dapat ipagdiwang na Sabbath? Ang Dios ay nilutas ang suliraning ito sa pagpapahiwatig na ang ikawalong araw ay kailangang ituloy na karagdagang araw. Ang karagdagang araw ay ika-23 araw ng ikapitong buwan. Mababasa natin ito sa II Cronica 7:10:

 

At sa ikadalawangpu’t tatlong araw ng ikapitong buwan, ay kaniyang pinauwi ang bayan sa kanilang mga tolda, na galak at may masayang puso dahil sa kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David, at kay Solomon, at sa Israel na kaniyang bayan.

 

       Pagmasdan ang halos magkatulad na salita ng bersikulong ito sa I Mga Hari 8:66 (binanggit sa itaas). Tandaang, sa I Mga Hari 8:66 ay tinukoy ang ikawalong araw, na ika-22 araw ng buwan, samantalang ang II Cronica 7:10 ay tumutukoy sa ika-23 araw ng buwan.

      Ang pagbubunyag na ito ay talagang mahalaga kapag naunawaan nating ang pagtatalaga sa templo at ang pagdiriwang ng pista ng tabernakulo (ang pista ng Biblia) ay malapit na maiiugnay sa pagiging katapusan ng planong paghatol ng Dios sa katapusan ng mundo. Nangangahulugang sa A.D.2011, ang ikawalong araw ng pista ng tabernakulo (Pista ng Biblia) sa katunayan ay dapat na ipinapalagay na dalawang araw ang tagal. Samantalang ang ikawalong araw (ang ika-22 araw ng ikapitong buwan), ay Oktubre 20, sa katunayan, ay dapat ipagdiwang gaya ng ginawa nila sa II Cronica 7:10, sa ika-23 araw ng ikapitong buwan, na Oktubre 21,2011. Kaya, dapat

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
34

nating maunawaan na ang Oktubre 21,2011, ang magiging pinakahuling araw ng pananatili ng mundong ito.

Isa Pang Pagtingin sa Pista ng Tabernakulo

       Nang sinuri natin ang pagtatalaga sa templo ni Solomon, ay natuklsan nating ang pista ng tabernakulo ay isang mahalagang bahagi ng mga tungkulin sa pagtatalaga. Nalaman rin nating tumutulong ito sa atin upang malaman ang pagsasaoras ng katapusan ng mundo. Subali’t bakit tinawag itong pista ng tabernakulo?

       Malalaman nating ang Hebreong salitang isinalin na tabernakulo na may kaugnayan sa pistang ito ay Hebreong salita na mas pangkaraniwang isinaling kubol. At saka, malalaman nating ang salitang kubol ay iniuugnay sa ulap at sa apoy na tumatakip sa tabernakulo sa buong 40 na taon na ang Israel ay nasa ilang, mula sa Egipto patungo sa lupain ng Canaan. Bukod pa sa, malalaman nating ang ulap at ang apoy ay kumakatawan sa mga utos ng Dios, sa ganyang paraan ay kinakatawan ng kubol ang mga utos ng Dios. Kaya nga, ang pista ng tabernakulo sa katunayan ay ang pista ng batas ng Dios o ang pista ng Biblia. Ang pista ng tabernakulo (ang pista ng Biblia), ay binibigyang-diin ang kaluwalhatian ng Dios na pagbuo sa kaluwalhatian ng aklat ng batas ng Dios, ang Biblia.

       Ang Hebreong salita sa tabernakulo na inilagay ng Dios sa pariralang pista ng tabernakulo ay ang salitang “Sukkah” na isinalin rin na kubol. Ang banggit sa Biblia na makatutulong sa ating maunawaan ang salitang ito ay Isaias 4:5-6. Doon ay basahin natin:

 

At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka’t sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.

 

       Ang pariralang isinaling “At magkakaroon ng kanlungan” ay mas mabuting isinaling “At magkakaroon ng kubol.” Kaya, ang mga bersikulong ito ay mas mabuting isinaling:

 

At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi; sapagka’t sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. At magkakaroon ng kubol upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.

 

       Ang mga bersikulong ito ay nagtuturo ng mga sumusunod.

      1. Buong tahanan ng bundok ng Sion. Ito ay tumutukoy sa bawa’t aspekto ng kaharian ng Dios, na tayo ay naging mamamayan nang tayo ay naligtas.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
35

       2. Sa itaas ng kaniyang mga kapulungan. Ito ay nag-iisang salita na binabanggit ang isang malaking walang-hanggang kapulungan na binubuo ng lahat ng naligtas.

       3. Ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi. Ito ay tumutukoy sa batas ng Dios, ang Biblia, na nagbibigay ng espirituwal na tuntunin sa sangkatauhan.

       4. Sa lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng kubol. Ito ay tumutukoy sa kaluwalhatian ng kaharian ng Dios na may ulap sa araw at apoy sa gabi bilang kubol.

      At magkakaroon ng kanlungan (kubol) upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at maging kanlungan (taguan) sa bagyo at sa ulan. Ang ulap at ang apoy , iyan ay, ang Salita ng Dios, ay ang kubol na tumatakip at nagbibigay ng taguan mula sa matinding galit ng Dios, ang bagyo at ang ulan.

      Nang mas maaga ay nalaman nating ang ulap at ang haligi ng apoy ay iniuugnay sa Salita ng Dios. Makikita natin ito habang naobserbahan nating ang Biblia ay maraming masasabi tungkol sa ulap at haligi ng apoy na nagbibigay ng tuntunin sa Israel sa kanilang 40 taon sa ilang. Halimbawa, basahin natin sa Mga Bilang 9:21-23:

 

At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan, ay naglakbay sila: maging araw maging gabi, na ang ulap ay paitaas, ay naglakbay sila. Maging dalawang araw o isang buwan, o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, na manatili sa ibabaw niyaon, ay tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay: datapuwa’t pagtaas ay naglakbay sila. Sa utos ng Panginoon ay humantong sila, at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon, sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

 

       Sa Mga Bilang 9:15-23, ang Dios ay talagang malinaw na iniuugnay ang ulap sa araw at ang apoy sa gabi sa mga utos ng Dios. At siyempre, ang mga utos ng Dios ay ang Biblia.

      Dapat nating maunawaan, siyempre, na kung kailanman ay hindi tayo naligtas, ang batas ng Dios ang magiging sanhi ng pagsumpa na bumagsak ang Kanyang galit sa atin. Gayon pa man, kung tayo ay isa sa hinirang ng Dios (at malalaman nating tayo ay naligtas, kung natanggap natin ang ating bagong nabuhay na muling kaluluwa), kung gayon ay wala tayo sa ilalim ng kaparusahan ng walang-hanggang pagkakasumpa para sa ating mga kasalanan. Iyan ay, hindi na tayo hahatulan ng batas. Sa halip, ang batas ay ang garantiyang ibinibigay sa atin ng Dios na tayo ay magpasawalang-hanggang ligtas kay Cristo. Tayo ay itinago ng batas ng Dios mula sa matinding galit ng Dios. At ang batas ng Dios, ang Biblia, ay nagbibigay sa atin ng buong tuntunin kung paano tayo mabubuhay sa kabuuan sa kaluwalhatian ng Dios.

Kabanata 3. Plano ng Dios na Ipagpaliban ang Pagkakaunawa sa Katapusan
36

       Kaya, nalaman nating ang pista ng tabernakulo sa kabuuan ay nakatuon sa Biblia na sa pamamagitan ay inihahayag ng Dios ang Kanyang lubhang dakilang kaluwalhatian. Kaya, mas magiging tamang-tamang banggitin ang “pista ng tabernakulo” bilang “pista ng Biblia.” Ang pista ng Biblia ay ipinagdiwang sa parehong mga araw na ipinagdiwang ang pista ng pagtitipon. Ang pista ng pagtitipon ay dumating sa parehong pagkakataon na nangyari ang huling pag-aani ng taon. Sa espirituwal, ay nagtuturo ito sa katotohanang ang Biblia ay niluwalhati sa pamamagitan ng pista ng Biblia. Itong pagtuon sa maluwalhating katangian ng Biblia ay higit pang ipinakita habang dinadala ng Dios ang huling napakalaking ani ng mga taong naligtas bago matapos ang mundo.

       Ang huling pagtitipon ay hinulaan sa Roma 9:28. Doon ay basahin natin:

 

Sapagka’t isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa (Griyego, logos), na tatapusin at paiikliin.

 

      Ang Griegong salitang “logos” sa pangkaraniwan ay isinasalin bilang “salita.” Kaya nga, ang bersikulong ito ay tumutukoy sa kasalukuyang maikling panahon, na nalaman natin sa Biblia ay ang huling 17 taon ng kasaysayan ng mundo. Ang susi sa kahalagahan ng 17 taon ay ang maluwalhating Salita (logos) ng Dios na sa pamamagitan ang Dios sa kasalukuyan ay nagliligtas ng lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman (Apocalipsis 7:9). Itong katapusang pagtuturo ng ebanghelyo sa mundo na kasalukuyang nangyayari ay hindi mahahadlangan o mauudlot. Ito ay magbabago ng kalagayan na walang kahit na anong mga kakulangan o mga pag-aalinlangan sa walang-hanggang katapusan nito, na sa napakaikling panahon si Cristo ay babalik at dadagitin ang lahat ng mga tunay na mananampalataya, ang hinirang, sa buong mundo upang magpasawalang-hanggang makasama niya sa bagong langit at sa bagong lupa.


Kabanata 2 Talaan ng mga Nilalaman Kabanata 4