HALOS NAROON NA TAYO!


Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
7

Kabanata 2.
Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan



       Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa buong Biblia, ay nalaman nating ang Biblia ay hindi lamang aklat ng batas na inilalatha ang mga batas, na sa pamamagitan ay pinamamahalaan ng Dios ang buong sangkatauhan, kundi ito rin ay aklat na ibinigay sa sangkatauhan upang malaman nila ang tamang panahon ng kasaysayan. Basahin natin sa Eclesiastes 8:5-7:

 

Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan: Sapagka’t sa bawa’t panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka’t ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya: Sapagka’t hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka’t sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung paanong mangyayari?

 

       Sa mga bersikulong ito, ang salitang kahatulan ay singkahulugan ng salitang batas. Kaya, ito ay nagtuturo na sa pamamagitan ng pag-aaral sa Biblia, ang tunay na mananampalataya ay hindi lamang nalalaman ang mga batas ng Dios, lalo na habang iniuugnay sila sa pamamaraan ng paghatol ng Dios, kundi, marami rin silang nalalaman tungkol sa talatakdaan ng panahon para sa mundo.

       Sa dahilang iyan, ang tunay na mananampalataya ay maraming malalaman tungkol sa talatakdaan ng panahon ng kasaysayan, kabilang ang maraming katotohanan tungkol sa pagsasaoras ng katapusan ng mundo. Sa mga hindi sumusunod sa pamamaraan ng Biblia sa pagpapakahulugan sa Biblia, gayon pa man, si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Agad-agad, ang kanilang matinding paghihirap ay magpapatung-patong nang napakalaki kapag naunawaan nila, nang masyadong huli, na dumating na ang katapusan ng mundo. Wala nang magiging awa o pagpapala o kaligtasan para sa hindi ligtas. Kaya, basahin natin sa I Tesalonica 5:2-6:

 

Sapagka’t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. Nguni’t kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: Sapagka’t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo’y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo’y mangagpuyat at mangagpigil. Sapagka’t ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi, at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

 
Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
8

       At basahin natin sa Apocalipsis 3:3:

 

Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

 

       Sa mga bersikulong ito ang Dios ay nagtuturo sa ating ang mga nagbabasa ng Biblia ay nahahati sa dalawang uri ng tao. May mga nasisiyahan sa kanilang kasalukuyang pagkakaunawa sa kanilang kaugnayan sa Dios. Nalalaman nilang balang-araw ang mundo ay magwawakas, subali’t ang kanilang pagkakaunawa sa talatakdaan ng panahon ng huling araw ay ang Dios lamang ang nakakaalam. Kaya nga, iniisip nilang ang sangkatauhan ay hindi kailangang mabahala tungkol dito. Para sa kanila, si Cristo sa katunayan ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Gayon pa man, ang Kanyang pagdating para sa mga taong ito ay para sa layuning sila ay lipulin. Nakatatakot!

       Sa kabilang banda, may mga naunawaang binigyan tayo ng Dios ng maraming impormasyon sa Biblia, tungkol sa talatakdaan ng panahon ng kasaysayan. Kaya nga, marami silang nalaman mula sa Biblia, tungkol sa talatakdaan ng panahon ng paglikha sa mundo at maraming iba pang higit na mahalagang pangyayaring itinala sa Biblia. Napakarami rin nilang nalaman tungkol sa eksaktong talatakdaan ng panahon ng katapusan ng mundo. Para sa kanila, ang pagsasaoras sa katapusan ng mundo ay maaasahan.

Ang Pagbubunyag ng Planong Kaligtasan ng Dios ay ang Tamang Panahon ng Kasaysayan

       Ang Biblia ay nagtuturo kung paano ibinigay ng Dios ang mensahe ng Ebanghelyo sa lahi ng tao sa tamang panahon ng kasaysayan. Ang Ebanghelyo ay kabilang ang buong Biblia. Kaya nga, sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa Biblia, ay nalaman nating ang pagbubunyag sa planong kaligtasan ng Dios ay ang tamang panahon ng kasaysayan.

       Sa unang 9,500 taon ng kasaysayan ng mundo, ang Dios ay hindi gumamit ng anumang uri ng makalupang samahan upang kumatawan sa kaharian ng Dios sa mundong ito. Sa panahong iyon, ang Dios ay laging gumagawa sa pamamagitan ng mga taong nananampalataya na mga kinatawan ng Kanyang kaharian. Si Abel , si Enoch na dinala sa langit, si Noe at ang kanyang pamilya, si Abraham, Isaac, at Jose ay mga pangalang itinala ng Dios sa Biblia bilang mga kinatawan ng kaharian ng Dios.

      Habang maingat nating pinag-aaralan ang Biblia, ay natuklasan nating ang mundo ay nilikha malapit sa 13,000 taong nakaraan. 3 Ang Biblia ay talagang tiyak, kaya nang pinagtugma natin ang kalendaryo sa Biblia sa ating makabagong kalendaryo, ay nalaman nating ang taon ng paglikha ay 11,013 B.C.


3 Inaanyayahan kayong humingi ng libreng aklat na Kailan Adam na ipinapakita kung paanong ipinagkaloob ng Biblia ang impormasyong ito.

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
9

       Sa buong posibilidad, sa unang 9,500 taon ng kasaysayan ng mundo, iilang tao ang naligtas. Sa panahon ni Noe, halimbawa, sa buong mundo na umiral sa taong 4990 B.C., nang winasak ng Dios ang mundo sa baha, walong tao lamang ang naligtas.

Israel at ang mga Taon Mula 1447B.C. Hanggang A.D.33

       Gayon pa man, sa taong 1447 B.C., ang Dios ay gumawa ng malaking pagbabago sa Kanyang pamamaraan na katawanin ang kaharian ng Dios sa mundong ito. Sa taong iyon, sinimulang gamitin ng Dios ang bansang Israel upang katawanin ang kaharian ng Dios. Sa taong 1447 B.C. ang Israel, sa ilalim ng pamumuno ni Moises, ay umalis sa pagkakaalipin ng Egipto. Ang bansang Israel ay binubuo ng mga lahi ni Abraham, na ipinanganak na mahigit sa 700 taong mas maaga. Si Abraham ay ipinanganak sa taong 2167 B.C., bilang mamamayan ng Ur ng Caldeo o Babilonia. Sa taong 2092 B.C., siya at ang kanyang asawang si Sara, sa pagsunod sa utos ng Dios, ay nagtungo sa lupain ng Canaan. Sila ang naging simula ng bansang Israel, at ang lupain ng Canaan ay ginamit ng Dios bilang isang makalupang pagkatawan sa kaharian ng Dios.

       Ang bansang Israel, kasama ang lupain ng Canaan, ay naging pinakasentro ng pagbubunyag ng planong kaligtasan ng Dios sa panahong 2,100 taon bago ang kapanganakan ni Cristo. Sa katunayan, si Jesus na Anak ng Dios, ay tumanggap ng Kanyang katangiang tao bilang kalahi ni Abraham.

       Sa taong 1447 B.C., ang mga lahi ni Abraham, na tinawag na Israel, ay lumaki upang maging bansa ng posibleng malapit sa dalawang milyong tao. Sa taong iyon ay umalis sila sa pagkakaalipin ng Egipto. At sa susunod na 1,480 taon, ang Israel ay tinawag na bayan ng Dios. Ibinigay sa kanila ang parami ng paraming batas ng Dios. Sila ay naging panlabas na kinatawan ng kaharian ng Dios sa mundo.

      Ang Dios ay nagbigay sa bansang Israel ng sariling bayan, ang lupain ng Canaan, na tinawag rin na lupain ng Israel, bilang isang lugar upang mabuhay, at templo, at sinagoga, na kung saan sasamba. Sila ay binigyan Niya ng mga batas, na sa teolohiya, ay tinatawag nating mga panseremonyang kautusan, na kailangang tuparin sapagka’t ang mga kautusang ito ay nagturo sa mga Israelita sa pagdating ng Mesias, si Jesucristo. Ang mga panseremonyang kautusan ay kabilang ang mga bagay gaya halimbawa ng pagdiriwang sa mga araw ng pista, bagong buwan, ikapitong araw na sabbath, mga handog na susunugin, paghahain ng dugo, at iba pa.

       Ang Dios ay gumamit ng mga makalupang nilikha gaya halimbawa ng Canaan, Israel, Juda, Jerusalem, Zion, ang Templo, Judea, at iba pa, upang sa labas ay kumatawan sa kaharian ng Dios. Kaya, ang mga parehong salita ay talagang madalas gamitin sa Biblia upang sa espirituwal ay kumatawan sa kaharian ng Dios. Halimbawa, sa panahon ng simbahan, ang mga simbahan ay ang panlabas na pagkatawan sa kaharian ng Dios. Kaya nga, ang Biblia ay madalas na ginagamit ang mga salitang gaya halimbawa ng Israel, Juda, ang templo, at iba pa, sa pagbanggit sa mga simbahan sa panahon ng simbahan.

      Ang mahalagang bahagi ng bansang Israel ay ang kabuuan ng mga batas na ibinigay ng Dios tungkol sa pagtalaga sa mga saserdote, mga Levita, mga propeta, at mga hari upang maghari sa buong bansa. Ito ay makalangit na organismo na itinatag ng Dios Mismo upang panlabas na kumatawan sa kaharian ng Dios dito sa mundo.

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
10

Ang bawa’t Judio na lahi ni Abraham ay agad kasapi nitong malaking kongregasyon. Upang bigyang-diin ang pagkakasaping ito, ang bawa’t lalake ay tinulian, na isa sa pangseremonyang kautusang inilathala ng batas ng Dios.

       Ang Biblia ay nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon tungkol sa mga taon na kaagad sinundan ng pagsisimula ng bansang Israel gayon din naman ang unang libong taon ng kasaysayan nito. Ang Biblia ay nagbibigay ng maraming detalye tungkol sa Israel, bilang isang bansa, nang sila ay iniligtas ng Dios sa pagkaalipin at sila ay dinala palabas sa Egipto, nang mahimala silang dumaan sa tuyong lupa sa Dagat na Mapula, at nagpagala-gala ng 40 taon sa ilang, at pagkatapos ay dumaan sa tuyong lupa sa Ilog Jordan. Ang Biblia pagkatapos ay nagbibigay ng maraming impormasyon tungkol sa susunod na 360 taon ng kanilang kasaysayan, habang pinamahalaan sila ng Dios, sa pamamagitan ng mga taong tinawag na mga hukom, sa lupain ng Canaan.

       Pagkatapos ay binigyan tayo ng mga detalye tungkol sa susunod na 116 na taon, nang ang Israel ay dumating sa pinakamahalagang makalupang luwalhati nito, habang sila ay pinamahalaan ni Haring Saul, na sinundan ni Haring David, at pagkatapos ay ni Haring Solomon.

       Maraming detalye ang ibinigay rin sa Biblia tungkol sa pagkakahati ng isang pinag-isang bansa, na kabilang ang 12 lipi ng Israel, sa dalawang bansa. Sa pagkamatay ni Haring Solomon, ang sampu sa mga lipi ay naging malayang kahariang tinawag na Israel, na ang kabisera ay matatagpuan sa Samaria, at ang nalalabing dalawang lipi ay naging bansang Juda, na ang kabisera ay matatagpuan sa Jerusalem. Ang Biblia ay nagbibigay ng maraming impormasyon tungkol sa mga kahariang ito at ang mga haring naghari sa kanila.

       Ang Biblia ay nagbibigay rin ng mahalagang impormasyon tungkol sa katapusan ng mga bansang ito. Ang sampung lipi ng bansang Israel ay sinakop ng Asiria sa taong 709 B.C. Pagkatapos sa taong 587 B.C., ang bansang Juda, ay sinakop ng mga taga Babiblonia, kung kailan ang lungsod ng Jerusalem at ang maringal na templong itinayo ni Haring Solomon ay winasak.

       Gayon pa man, kasunod ng pagkawasak ng Jerusalem sa 587 B.C., ang mga detalye ng karanasan ng 12 lipi ay naging higit pang limitado. Nalaman nating sa 539 B.C. malapit sa 40,000 sa mga nakaligtas sa Juda, na winasak ng mga taga Babilonia ay nagbalik sa Jerusalem. Nalaman natin ang ilang mga katotohanan tungkol sa pagtatayong muli ng templo, isang pagsisikap na nabuo sa 515 B.C. Nalaman natin ang tungkol sa ilang mga karanasan ng mga Judio na nagbalik sa lupain ng Israel, higit sa lahat mula sa mga aklat sa Biblia na pinamagatang Ezra, Nehemias, at Esther.

       Subali’t pagkatapos sa halos 400 taon ng kasaysayan, mula 391 B.C. hanggang 8 B.C., ang Biblia ay lubos na tahimik tungkol sa lupain ng Israel, sa mga nakatira dito, at sa bagay na iyan, ang anumang ibang bansa sa mundo.

      Nang malungkot, sa buong panahon ng pananatili ng Israel, sa katunayan ay talagang kakaunting tao ang naligtas. Ang Biblia ay puno ng mga pahayag tungkol sa kasalanan, ang pagtakwil sa relihiyon, at ang paghihimagsik ng bansang Israel laban sa mga batas ng Dios. Kahit nang si Jesucristo ay dumating bilang Tagapagligtas, na sa Kanyang katangiang tao ay lahi ni Abraham, sila ay naghimagsik, at hindi nila Siya itinuturing na kanilang Mesias. Sa katunayan, sa dakong huli Siya ay kanilang pinatay (Mga Gawa 2:22-23).

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
11

       Ang Biblia ay tumitiyak sa ating si Cristo ang kahanga-hangang bunga na nagmula sa bansang Israel. Sa pamamagitan ng bansang Israel ang Dios ay nagkatawang tao, na ipinanganak ng birheng Maria, na mula sa lipi ng Juda.

       Noong 8 B.C., minsan pa ang Biblia ay nagsimulang magbigay sa atin ng maraming detalye tungkol sa bansa ng Judio. Sa taong iyon, ang kapanganakan ni Juan Bautista ay inihayag, at si Juan ang maghahayag sa mundo na ang Mesias, ang Panginoong Jesucristo, ang Kordero ng Dios, ay naparito upang alisin ang mga kasalanan ng mundo. Si Jesucristo, siyempre, ang tanging paraan upang ang sinuman sa mundo ay maaaring magbayad ng kaparusahan sa kanilang mga kasalanan, at sa ganyang paraan ay magpasawalang-hanggang makipagkasundo sa Dios.

       Mula sa oras ng kapanganakan ni Jesus sa 7 B.C. hanggang sa malapit sa A.D. 65, ang Biblia ay nagbibigay ng maraming impormasyon tungkol sa bansang Israel. Sa panahong ito naganap ang napaka-dakilang pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ang Dios, ang Panginoong Jesucristo, ay nagkatawang tao ng ipanganak ni birheng Maria. Sa panahong ito, nangaral si Jesus sa loob ng tatlo at kalahating taon. Si Jesucristo ay ipinako sa krus noong A.D.33. Siya ay muling nabuhay at umakyat na pabalik sa langit. Ang taong iyon, A.D. 33, ay tanda ng katapusan ng 1,480 taon na ang buong bansang Israel ay ang kongregasyon na sa labas ay kinatawan ang kaharian ng Dios.4

Ang Simula ng Panahon ng Simbahan

       Mga ilang araw pagkatapos umakyat ni Cristo sa langit, ang malaking makalangit na samahan na kakatawan sa kaharian ng Dios sa susunod na 1,955 taon ay nagsimula.

       Sa araw ng Pentecoste sa A.D.33 ,malapit sa 3,000 tao ang naligtas (Mga Gawa 2). Ang mga naligtas sa araw na iyon ay nagmula sa maraming iba’t ibang bansa. Ang malaking pangyayaring ito ang naglagay ng pananda sa pagsisimula ng panahon ng simbahan. Sa bahaging ito ng pagsisimula ng panahon ng simbahan ibinigay ang maraming detalye tungkol sa mga misyonerong ipinadadala sa mga bansang nakikilala natin ngayon na Turkey, Greece, at Italy. Ang panahon ng simbahan ay sinimulan ng Dios bilang makalangit na plano na sa pamamagitan nito ay ihahatid ng Dios ang Ebanghelyo sa buong mundo. Kailanman ay hindi na muling kakatawanin sa labas ang kaharian ng Dios ng mga sinagoga ng Judio, ng lungsod ng Jerusalem, ng bansang Israel, o ng templo sa Jerusalem. Ang mga lokal na kongregasyon na bubuuin sa buong mundo ay kakatawanin sa labas ang kaharian ng Dios. Kaya nga, sa espirituwal, madalas ay tinatawag ng Biblia ang mga lokal na kongregasyon na Jerusalem, ang Templo, Zion, Israel, Juda, Judea, at iba pa.

      Ang makalangit na samahang ito, na sa dakong huli ay binuo ng mga simbahang matatagpuan sa buong mundo, ay maingat na binalak ng Dios. At ang Dios ay naglagay ng tamang-tamang mga alituntunin sa Kanyang aklat ng batas, ang Biblia, na namamahala sa pagpili ng mga matanda at diyakono (I Timoteo 3). Ang


4 Kayo ay inaanyayahang humingi ng libreng mga aklat na Ang Katapusan ng Panahon ng Simbahan at Pagkalipas at Ang Trigo at ang mga Pangsirang Damo para sa mas maraming kaalaman tungkol sa katapusan ng panahon ng simbahan.

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
12

mga babae ay hindi dapat magturo o magkaroon ng kapangyarihan sa mga kongregasyon. Ang mga panseremonyang kautusan sa Matandang Tipan na dapat tuparin ng bansang Israel, ay hindi na kailangang tuparin. Sa halip, ay ipinakilala ang dalawang bagong panseremonyang kautusan upang tumulong sa pagtuturo ng katangian ng Ebanghelyo. Ang mga ito ay ang bautismo sa tubig at ang Hapunan ng Panginoon. Ang batas tungkol sa pagtitiwalag sa pagkakasapi sa simbahan ay inilathala (I Corinto 5). Ang araw ng Linggo ay itinalaga ng Dios bilang Linggo na araw ng Sabbath, na dapat gamitin para sa lahat ng uri ng espirituwal na gawain. Ang bawa’t lokal na kongregasyon na itatatag sa buong mundo ay kailangang pamahalaan ng mga batas na inilathala ng Biblia.

       Ang malaking tungkuling ibinigay sa mga kongregasyong itinalaga ng Dios, ay ihatid ang Ebanghelyo sa buong mundo. Kaya, gaya ng naobserbahan na natin, bago pa natapos ang Biblia, ang mga misyonaryo ay ipinadadala sa mga kalapit na bansa (Mga Gawa 13).

       Malapit sa A.D. 95, ang Dios ay natapos na sa pagsulat sa Biblia, at walang karagdagang impormasyon ang nagmula sa Dios, na naglalarawan ng tunay na paglaki ng simbahan sa mundo, bilang isang makasaysayang salaysay. Gayon pa man, bago pa man nagsimula ang panahon ng simbahan, ay hinulaan ng Dios kung paano susulong sa espirituwal ang panahon ng simbahan.

       Maaaring umasa na dahil sa matagumpay na simula ng panahon ng simbahan, noong Pentecostes sa A.D. 33, nang ang malapit sa 3,000 ay naligtas sa isang araw (Mga Gawa 2), ang pagsulong ng panahon ng simbahan ay magiging mahalagang kuwento ng tagumpay. Gayon pa man, ang Biblia ay hinulaang hindi ito ang plano ng Dios. Malungkot nating nalaman sa Biblia na bago pa man natapos sulatin ng Dios ang Biblia (malapit sa A.D. 95), ay dumarami na ang mga katibayan na hindi magiging napakalaking kuwento ng tagumpay ang panahon ng simbahan.

Ang Biblia ay Umaasa sa May-Kamaliang Simbahan

       Sa Apocalipsis kabanata 2 at Apocalipsis kabanata 3, ang Dios ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa espirituwal na kalagayan ng pitong tipikong simbahan. Ang mga kalagayang ito ay umiral halos 30 taon pagkatapos mabuo ang mga simbahang ito. Halimbawa, ang simbahan sa Efeso ay iniwan ang kanyang unang pag-ibig (Apocalipsis 2: 4-5). Matatandaang, ang mahalin ang Dios, ay ang pagsunod sa Kanyang mga utos (Juan 14:21-23). Kaya nga, ang Dios ay nagbabalang aalisin ang kanilang kandelero, na kumakatawan sa liwanag ng Ebanghelyo, sapagka’t hindi na sila sumusunod sa mga batas ng Dios. Ang simbahang ito ay hindi na gagamitin ng Dios upang ihatid ang Ebanghelyo sa mundo.

      Sa Galacia 1:2-9, ay iniulat ng Biblia, bago nabuo ang Biblia, na ang mga simbahan ng Galacia ay nagsimulang sumunod sa ebanghelyo na hindi Ebanghelyo ng Biblia. Sa Apocalipsis 2:13, ang Biblia ay nag-ulat na ang mga simbahan sa Pergamos ay simbahan na, sa ilang saklaw, ay pinamamahalaan ni Satanas. Ang mga bersikulong ito ay tumutukoy sa luklukan ni Satanas. Sa Biblia, ang salitang luklukan, sa ganitong kabuuan ng nilalaman, ay tumutukoy sa pamamahala o paghahari. At sa Apocalipsis 3:1-4, ang Biblia ay nag-uulat na ang simbahan sa Sardis ay simbahang patay na, kahit na may ilang tunay na mananampalatayang naiwan sa loob nito.

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
13

       Sa Mateo 13:24-30, ay iniulat ng Biblia ang talinghaga ng trigo at ang mga pangsirang damo. Ang trigo ay kumakatawan sa mga tunay na mananampalataya, sa mga simbahan. Ang mga pangsirang damo ay kumakatawan sa mga hindi mananampalataya na nagpapakita ng katibayan ng pagiging mga tunay na mananampalataya, kaya sa katapusan lamang ng panahon ng simbahan ipagkakaloob ng Dios ang pamamaraan, kung paano ang trigo ay maaaring ihiwalay sa mga pangsirang damo. Ito ay nangangahulugang sa buong panahon ng simbahan, ay magkakaroon ng mga pangsirang damo, ang mga alipin pa rin ni Satanas, na magiging talagang aktibo sa mga simbahan. Kaya, sa pamamagitan nila, si Satanas ay maaaring maghari sa mga simbahan kahit na sa opisyal, si Cristo ang pinuno ng mga simbahan.

       Noong una pa sa Isaias 9:1-4, ang Dios ay hinulaang ang panahon ng simbahan ay hindi magiging malaking kuwento ng tagumpay. Doon ay mababasa natin:

 

Gayon pa man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nepthali, nguni’t sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa. Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag. Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila’y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam. Sapagka’t ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.

 

       Sa mga bersikulong ito, ang Dios ay bumabanggit ng liwanag na nagliliwanag sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa (tingnan rin ang Mateo 4:15-16). Iyan ay, ang lahat ng bansa sa mundo ay kailangang nasa ilalim ng liwanag ng Ebanghelyo. Ang liwanag na iyan, siyempre, ay ang Panginoong Jesus, na liwanag ng mundo (Juan 1:7-10).

       Sapagka’t ang liwanag ng Ebanghelyo ay kailangang magliwanag sa buong mundo, ang malaking pagbabago sa programa ng Ebanghelyo ng Dios ay magaganap, na diyan, ang espirituwal na kadiliman ng mundo ay papasukin ng liwanag na ito (Isaias 9:2). Ito ay liwanag na magbibigay-buhay sa buong mundo, ang mahalagang kasama ng mga taong sa panlabas ay lumalabas na naging mga tunay na mananampalataya kay Cristo, gaya ng ipinapahayag ng Isaias 9:3, “Iyong pinalago ang bansa.” Sa madaling salita, ang panlabas na sukat ng kaharian ng Dios na palalaguin sa buong mundo ay magiging napakalaki.

      Gayon pa man, sa parehong bersikulo, hinuhulaan ng Dios na hindi Niya dinagdagan ang kagalakan ng pag-ani. Ang kagalakan ng pag-ani ay ang kagalakang nagmumula kapag ang isang tao ay binigyan ng buhay na walang-hanggan kaya siya ay naging tunay na mananampalataya (Lucas 15:10).Kung kulang ang kagalakan ng pag-ani, ay nangangahulugan lamang na talagang kakaunti ang ani ng mga tunay na mananampalataya. Ang katunayan ay, naoobserbahan natin ito, ang nakalulungkot

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
14

na inaasahang kakulangan ng malaking ani ng mga taong naliligtas at nagpupunta sa kaharian ng Dios, ay hinulaan sa maraming dako sa Biblia.

       Sa karagdagan sa lahat ng mga pagtukoy sa Biblia na naitala na natin, ay mababasa natin sa Isaias 5 na inilalarawan ng Dios ang panahon ng simbahan, na gaya ng ubasang maingat at mapagmahal na itinanim ng Dios Mismo. Subali’t ang ubasang ito ay hindi nagkaroon ng mabuting bunga. Nagbunga ito ng mga ligaw na ubas. Sa espirituwal, ang mga ligaw na ubas ay iniuugnay sa mga nagbalak ng kanilang sariling ebanghelyo sa halip na maingat na sumunod sa Ebanghelyo ng Biblia. Sa dakong huli ng pag-aaral na ito, ay makikita nating plano ng Dios na dahil sa kasamaang ito, sa bandang huli ay wawasakin ng Dios ang ubasan.

       Dapat tandaan na sa maraming kabanata ng mga aklat ni Isaias, Jeremias, at Ezekiel, at iba pa, ang Dios ay nagpapahiwatig sa Kanyang matinding galit sa mga bansang Israel at Juda dahil sa kanilang patuloy na kasamaan. Sa katunayan, sa bandang huli, sila ay nawasak. Ang Israel ay winasak noong 709 B.C. ng mga taga Asiria, at ang Juda noong 587 B.C. ng mga taga Babilonia.

       Ginamit ng Dios ang Israel at ang Juda, na sa kanilang panahon ay kumatawan sa panlabas sa kaharian ng Dios, bilang mga halimbawa ng lahat ng mga lokal na simbahan, na sa panlabas ay kumatawan sa kaharian ng Dios sa buong panahon ng simbahan. Habang pinag-aaralan natin ang mga aklat ng Matandang Tipan sa Biblia, sa katunayan ay binabasa natin ang inaasahan ng Dios para sa panahon ng simbahan, at mas lalo na, para sa katapusan ng panahon ng simbahan.

       Kaya, ang Dios ay nagtuturong ang mga simbahan ay kailangang itatag sa buong mundo sa buong panahon ng simbahan, parang lumalabas na ang panahon ng simbahan ay napakalaking tagumpay. Subali’t sa katotohanan, ang nalalabi lamang, ang maliit na bahagi ng buong mga simbahan, sa katunayan ang maliligtas, iyan ay, sa katunayan ay naging mga tunay na mananampalataya.

       Ang parehong kaisipang ito ay inilathala sa Roma 9:27, na kung saan ang Dios ay bumanggit mula sa Isaias 10:22-23.

 

Roma 9:27: At si Isaias na sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:

 
 

Isaias 10:22-23: Sapagka’t bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, ang isang nalalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran. Sapagka’t ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.

 

Ang Problemang si Satanas ay nasa Loob ng mga Simbahan

      Ang isang malaking dahilan sa kakulangan ng espirituwal na tagumpay sa panahon ng simbahan ay ang problema kay Satanas. Sa panahon ng krus, si Satanas ay binigyan ng dagok ng kamatayan. Siya ay pinalayas sa langit (Apocalipsis 12:7-11), at siya ay ginapos upang hindi niya malinlang ang mga bansa sa buong panahon ng simbahan, na pansimbolong isinalarawan na 1,000 taon (Apocalipsis 20:1-3). Ang 1,000 taon ay dapat unawain na isang simbolo o espirituwal na bilang na

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
15

nangangahulugan ng pagiging tapos na tapos. Ang tagal ng kaniyang pagkakagapos ay 1,955 taon (mula A.D.33 hanggang 1988).

       Ang pagkakagapos kay Satanas ay nangangahulugang hindi niya mabibigo sa anumang paraan ang plano ng Dios na maligtas ang mga hinirang ng Dios sa kaligtasan sa pinakasimula ng panahon. Subali’t ang katotohanang si Satanas ay ginapos ay hindi naging hadlang para siya gumala bilang isang umuungal na leon, naghahanap ng lalamunin (I Pedro 5:8). Iyan ay, habang ang panahon ng simbahan sa kabuuan ay plano ng Dios, na sa pamamagitan nito, ang Ebanghelyo ay dapat makarating sa buong mundo, lubos itong hahadlangan ng mabisa sa espirituwal ni Satanas. Kanyang hahadlangan ang bisa ng mga simbahan sa pamamagitan ng paghahasik ng mga pangsirang damo o mga damong ligaw sa loob nila (Mateo 13:24-30). Iyan ay, si Satanas, na namamahala bilang anghel ng liwanag ay dadalhin ang kanyang mga ministro na gaya ng ministro ng katuwiran sa bawa’t lokal na kongregasyon (II Corinto 11:13-15).

       Sa Apocalipsis 6:4, siya ay inilarawan na nakasakay sa kabayong mapula na may dalang malaking tabak, na Tabak ng Espiritu, ang Biblia, na sa pamamagitan nito ay aalisin niya ang kapayapaan sa mundo. Sa madaling salita, ay gagamitin niya ang mga salita mula sa Biblia, upang sikaping magbigay ng kapangyarihan sa kanyang mga maling aral.

       Kapag maingat nating pinagtugma ang lahat ng mga pagtukoy sa Biblia, ay nalaman nating, sa katunayan, mula sa paimbabaw na paniniwala, ang panahon ng simbahan ay talagang matagumpay, habang ang simbahan dito at simbahan doon ay nag-ulat na ang malaking bilang ng mga tao ay naligtas. Sa katotohanan, napakaliit na bahagi lamang ng mga naging tunay na kasapi sa simbahan, sa katunayan, ang naging mga tunay na mananampalataya.

       Ang pinakamalaking pagpapala sa mundo sa panahon ng simbahan marahil ay ang pag-imprenta at pamimigay ng daan-daang milyong Biblia sa buong mundo. Ang Biblia, ang liwanag ng Ebanghelyo, ay naipadala sa buong mundo, kahit na maliit ang bilang ng mga naging tunay na mananampalataya sa panahon ng simbahan.

       Sa ganyang paraan, ang hula na nagbababala nang sama sa Mateo 7:21-23 ay darating sa masakit na katotohanan sa panahong dadalhin ng Dios ang Kanyang matinding galit sa mga hindi naligtas sa mundo. At nakakalungkot, kabilang diyan ang lahat ng nasa anumang simbahan pa rin saanman sa mundo nang naganap ang pag-akyat sa langit ng mga tunay na mananampalataya, iyan ay, nang ang mga tunay na mananampalataya ay inagaw upang salubungin ang Panginoon sa hangin. Sa mga bersikulong ito ang Dios ay nagpapahayag:

 

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

 
Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
16

       Mula sa ating nakalalamang na kalagayan na maaaring muling tingnan ang buong panahon ng simbahan, ay makikita natin ang katotohanan ng hulang pahayag ng Dios tungkol sa kawalan ng tagumpay ng panahon ng simbahan. Totoo, ito ay nagsimula na may labis na tagumpay sa A.D.33, sa araw ng Pentecostes nang ang malapit sa 3,000 tao ay naligtas. Subali’t gaya ng naitala na natin, sa loob ng mga simbahan na itinatag bago pa man nabuo ang Biblia, ang pagtakwil sa Biblia ay nakikita na. Gayon din naman, si Satanas ay naghahari na sa maraming simbahan sa pamamagitan ng pagpupunla ng mga mga pangsirang damo sa mga simbahang iyon. Ang mga simbahan sa Apocalipsis 2 at 3 ay mga kinatawan ng lahat ng mga simbahan na iiral sa buong panahon ng Bagong Tipan.

       At saka, kapag sinuri natin ang kasaysayan ng simbahan, kailanman ay hindi natin nalaman ang panahon ng labis na katapatan sa Biblia. Ang kasaysayan ng simbahan ay punung-puno ng mga ulat ng kawalan ng katapatan sa Biblia. Ang mataas na palatandaang pagkakakilanlan ng walang katapatan sa Biblia marahil ay ang panahon ng Reformation, na nangyari sa Europa malapit sa apat o limang daang taong nakaraan. Sa panahong iyon sa kasaysayan, ang nakararaming simbahan ay ang simbahan ng Romano Katoliko. Dahil sa sama ng paglabag nito, sa mga batas ng Biblia, na ang mga lalake sa Romano Katoliko katulad ni Martin Luther at John Calvin ay umalis ng simbahan at pinagmulan ng karunungan ng mga simbahan ng Protestante. Ang marami sa mga simbahang Protestante ay masigasig na sinikap na maging matapat hanggang maaari sa mga aral ng Biblia.

       Gayon pa man, hindi nagtagal, maraming mga simbahan ng Protestante ay nagtuturo ng planong kaligtasang gawa ng tao, na kung saan ang sinuman ay maaaring tanggapin si Cristo bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas at ang gawang ito ay nakapagliligtas. Kapag tiningnan natin ang mga nakaraang panrelihiyong pagbuhay na muli, matutuklasan natin na ang batayan ng karamihan sa kanila ay ang ganyang uri ng ebanghelyo. Nakalulungkot, na hindi ito ang Ebanghelyo ng Biblia. Sa kabila nito, ang Dios ay nagligtas ng ilang tao sa panahon ng simbahan.

Ang Buong Biblia Ba ay ang Hindi Maaaring Magkamaling Salita ng Dios?

       Ang katunayan na karamihan sa maraming sekta ng Protestanteng nabuo ay may matinding hindi pagkakaunawaan tungkol sa maraming aspekto sa doktrina ng Biblia ay nagpapahiwatig na ang bawa’t sekta ay pumipili ng mga bersikulo mula sa Biblia na sadyang nagugustuhan nila, at pagkatapos ay bubuo sila ng kanilang mga doktrina at kumpisal mula sa mga bersikulong ito. Ang bawa’t sekta ay iginigiit na ang mga bersikulong pinili nila ay hindi maaaring magkamali at totoo. Kaya, lumalabas na ang pagkaunawa sa teolohiya na naging mga doktrina nila sa simbahan, at natamo sa pamamagitan ng pagtutugma ng kanilang pagkakaunawa sa mga bersikulong kanilang pinili, sa kabuuan ay totoo at mapagtitiwalaan. Ang kanilang aral ay lumalabas na matatag na nakabatay sa hindi maaaring magkamaling Salita ng Dios, ang Biblia.

      Subali’t ang lumalabas na totoo at mapagtitiwalaan ay hindi laging totoo at mapagtitiwalaan. Sa kasamaang-palad, na talagang madalas, ang mga bersikulong pinili nila na batayan ng kanilang kumpisal ay naunawaan nang hindi tama sapagka’t hindi sinangguni ang buong Biblia ng mga teologo sa simbahan. Hindi nila sinuri

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
17

nang maingat ang buong Biblia, pinaghambing ang mga bersikulo sa Banal na Kasulatan, upang makatiyak na ang kanilang mga pagkaunawa ay tama. Lumilitaw na sila ay naniniwalang ang buong Biblia ay hindi maaaring magkamali, subali’t sa katunayan, ay inilagay lamang nila ang kanilang pagtitiwala sa mga bersikulong kanilang pinili upang patunayan ang kanilang mga doktrina. Kaya, nang mabisa, ay pinasinungalinan nila ang kapangyarihan ng bawa’t isang bersikulo ng buong Biblia.

       Ang bunga nitong may depektong pagtitiwala sa Biblia ay ang paghahatid ng ebanghelyo ng kaligtasan na madalas ay malayo sa katotohanan. Kaya nga sa buong panahon ng simbahan ay maraming magkakaibang pagkakaunawa ng mga doktrina ng Biblia ng iba’t ibang sekta. Halimbawa, ang mga Baptist ay hindi sumasang-ayon sa mga Lutheran, ang mga Lutheran sa mga Presbyterian, ang mga Presbyterian sa mga Baptist, at iba pa, tungkol sa maraming aral sa Biblia.

       Alam nating ang Biblia ay totoo at mapagtitiwalaan na may kaugnayan sa bawa’t isang doktrina sa Biblia, at kaya nga, iisa lamang ang tunay na kasagutan. Kaya, kung may magkakaibang palagay tungkol sa isang doktrina ang pinaninindigan ng magkakaibang sekta, isa lamang sa mga sektang ito ang nagsasabi ng totoo, at ang lahat ng iba pa ay nangangaral ng kasinungalinan.

       Sa kabilang banda, kung ang mga sektang ito ay naniniwalang ang buong Biblia ay ang hindi maaaring magkamaling Salita ng Dios, at ang kanilang mga doktrina ay dapat nasa ilalim ng kapangyarihan ng Biblia lamang at ng kabuuan nito, kung gayon ang isang tao ay maaaring umasa na dapat na sa dakong huli, ang lahat ng mga sekta ay magtuturo ng bawa’t doktrina sa parehong paraan na ang bawa’t isang simbahan ay nagturo ng doktrinang iyan.

       Sa karagdagan, ay may malaking bahagi ng mga simbahan, katulad ng Romano Katolico, ang Mormons, ang Seventh-Day Adventist, at ang mga simbahan ng Karismatik sa panahon natin na naghahayag nang lantaran na ang mga doktrina ng kanilang simbahan ay produkto ng parehong Biblia at mga paghahayag sa bandang huli ng mga mensahe ng Dios na ibinigay pagkatapos mabuo ng Biblia. Kaya nga, sa pamamagitan ng kanilang talagang paghahayag, ay mayroon silang kapangyarihang bumabalangkas at nagpapasiya sa kanilang pagkakaunawa ng Biblia na naiiba sa kapangyarihan ng Dios, na ang Biblia lamang at ang kabuuan nito (Apocalipsis 22:18-19). Dapat lubos nating maunawaan na kailanman ay hindi maaaring dagdagan ang Biblia pagkatapos itong nabuo malapit sa 1,900 taong nakaraan.

       Gaya ng ipinahiwatig natin ng mas maaga, ang Dios ay umasa at humula ayon sa lahat ng mga nasa itaas na dahilan, ang hula ay mangyayari gaya ng ipinahayag ng Dios. Iyong hindi pinalago ang….. kagalakan sa pagaani (Isaias 9:3). Bagaman ang Israel, iyan ay, ang lahat ng mga local na simbahan sa buong mundo, ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas (Roma 9:27).

Magkakaroon ng Katapusan ang Panahon ng Simbahan

      Ang Dios ay humula na sa huli, ay magkakaroon ng katapusan ang panahon ng simbahan, at pagkatapos ay tatapusin ng Dios ang pag-aani sa Kanyang hinirang, ang mga pinili ng Dios na maligtas (Efeso 1:3-6), sa pamamagitan ng paghahatid ng Ebanghelyo sa mga taong nasa labas ng kapangyarihan ng anumang simbahan.

Kabanata 2. Ang Biblia ay Nagbibigay ng Tamang Panahon ng Kasaysayan
18

       Kapag sinuri natin ang Biblia, ay makikita nating ang Biblia ay nagtuturong magkakaroon ng huling kapighatian, na sa Mateo 24:21 ay tinawag na malaking kapighatian. Basahin natin doon:

 

Sapagka’t kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hangga ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

 

       Nang makahulugan, ay nabubuhay tayo sa panahon sa kasaysayan na maaari nating balikan ang halos 2,000 taon ng kasaysayan na dumating pagkatapos mabuo ang Biblia. Gaya ng nalaman natin nang mas maaga sa pag-aaral na ito, ang makukuhang impormasyon sa kasaysayan mula sa pinanggagalingan na bukod sa Biblia tungkol sa kasaysayan ng mga simbahan ay nagtuturo sa ating ang panahon ng simbahan ay hindi naging matagumpay gaya ng ipinahiwatig ng Biblia na mangyayari.

       Subali’t iyan ang magdadala sa atin sa talagang malaking katanungan. Lagi nang nauunawaan ng mga mag-aaral ng Biblia na sa wakas, ay magkakaroon ng katapusan ang mundong ito, na panahong ang hindi naligtas ay tatanggap ng buong kaparusahan ng matinding galit ng Dios, at ang naligtas ay magiging magpasawalang-hanggang ligtas kasama ni Cristo sa bagong langit at sa bagong lupa. Karagdagan pa, pangkaraniwang pinaniniwalaang ang katapusan ng mundo ay darating kapag si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi. Iyan ay, ito ay naunawaang hindi natin malalaman sa kahit na anong katiyakan ang oras ng katapusan. Ito ay totoo kahit na sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan, nang ang matinding pagpapahirap sa mga Kristiyano ay sadyang nakikita sa ilang bahagi ng mundo, may mga naglakas-loob na magbakasakali na alam nila ang taon ng pagbabalik ni Cristo. Siyempre, sa bawa’t pagkakataon, napatunayang sila ay mali. Ito ay totoo sapagka’t hindi nila ibinatay ang kanilang pagkaunawa sa maingat na pagsusuri ng lahat ng bagay na sinasabi ng Biblia tungkol sa pagbabalik ni Cristo.

       Sa katunayan, sa buong panahon ng simbahan ay lumilitaw na ang karaniwang pagkakaunawa ng mga simbahan ay ang mga simbahan ay magpapatuloy hanggang sa talagang katapusan ng panahon, at kaagad, ang mundong ito ay magwawakas ng pagdating ni Cristo na gaya ng magnanakaw sa gabi.

      Ang pangunahing pagbabagu-bago ng konseptong ito ay naging tanyag sa huling sandaang taon nang ang tinatawag na dokrina bago mag-milenyo ay itinuro, lalo na sa mga simbahan ng Baptist. Ang doktrinang iyan ay nagpahayag na si Cristo ay darating na gaya ng magnanakaw sa gabi at dadagitin ang simbahan, iyan ay, dadalhin sa langit ang lahat ng tao sa mga simbahan. Sa parehong pagkakataon o hindi pa nagtatagal bago iyan, ay magkakaroon ng pitong taon ng malaking kapighatian. Kasunod kaagad nitong pitong taon, si Cristo sa pangkatawan ay magbabalik sa kasalukuyang mundo upang maghari ng 1,000 taon mula sa kasalukuyang tunay na lungsod ng Jerusalem. Pagkatapos nitong 1,000 taon, ay darating ang katapusan ng mundo. Ang ganitong uri ng aral, na sa kabuuan ay mali, ay posible sapagka’t maraming kabanata, lalung-lalo na sa Aklat ng Apocalipsis na maliwanag na binabanggit ang katapusan ng mundo subali’t lubhang mahirap maunawaan. Sa ating panahon lamang maaari nating malinaw na maunawaan ang mga pagtukoy sa Biblia sa katapusan ng panahon.


Kabanata 1 Talaan ng mga Nilalaman Kabanata 3