HALOS NAROON NA TAYO! |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 1 |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios | ||
Ang makaunawa sa nakatatakot na ideyang, ang mundo ay talagang malapit na sa katapusan ng panahon, ay nangangailangan ng maliwanag na pagkaunawa sa katangian at kapangyarihan ng Salita ng Dios, ang Biblia. Ang Biblia ang naglathala ng mga pangunahing simulain na kailangang sundin kung tayo ay tatanggap ng katotohanan mula sa Dios. Ang mga simulaing ito ay kailangang lubusang matanim sa mga isipan ng sinumang nagnanais maunawaan ang nakatatakot na ideya. |
||
Ang Biblia ay ang Salita ng Dios. Sa orihinal na mga salita sa Biblia, unang-una sa Hebreo at Griyego, ang bawa’t salita, ang bawa’t titik ng bawa’t salita, ay mula sa bibig ng Dios. Kaya nga, ang ideyang sinumang tao, o anumang samahan ng simbahan ay may anumang kapangyarihan, sa anumang salita o parirala sa orihinal na mga salita ng Biblia, kailanman ay hindi maaaring pabayaan. Ang Dios ay pinangalagaan ang pinaka-unang mga kopya ng orihinal na mga Hebreo at Griyegong manuskrito, upang tayo ay makatiyak na nasa atin ang orihinal na Salita ng Dios, nang tuwiran mula sa Kanyang bibig. Ang mga manuskritong ginamit sa pagkakasalin sa Ingles sa King James, at iba pang pagkakasalin sa panahong iyon, ay mga manuskritong pinangalagaan ng Dios. Totoo, ang matapat na guro ng Biblia, kapag pinag-aaralan ang anumang turo ng Biblia, ay dapat laging suriin ang gawa ng tagapagsalin at gumawa ng anumang kinakailangang pagtatama, kung kinakailangan. |
||
Ang Biblia sa kabuuan nito, ay ang makapangyarihang aklat ng batas ng Dios, at ito ay kinakailangang sundin ng bawa’t isang tao. Bilang aklat ng batas ng Dios, ang Biblia ay nagtatakdang ang parusang kamatayan ay kinakailangang ibigay, sa bawa’t isang taong lalabag sa batas ng Dios sa anumang paraan (Roma 6:23; Santiago 2:10). |
||
Ang Biblia ay ang mensahe ng pagliligtas ng Dios. Iyan ay, kabilang sa batas ng Dios ang kahanga-hangang balita na ang Dios Mismo, sa katauhan ng Panginoong Jesucristo, ay naging kahalili, o kapalit, na nagtiis ng kaparusahang matinding galit ng Dios, sa kapakanan ng lahat ng mga pinili ng Dios na maligtas mula sa kaparusahan sa kasalanan, na walang-hanggang pagkawasak. |
||
Ang Biblia ay ang sarili nitong diksiyonaryo at komentaryo. Ang bawa’t isang salita, pangungusap, konsepto, at iba pa, ay kailangang unawain sa pamamagitan ng pagsusuri sa paggamit ng parehong salita o konsepto na gaya ng pagkakakita dito sa anumang dako sa Biblia. Walang pagkaunawa tungkol sa anumang doktrina ng Biblia ang dapat tanggapin, hangga’t hindi ito maingat na sinuri sa buong Biblia upang patunayang sa kabuuan, ito ay tumutugma sa anuman at iba pang katotohanan ng Biblia. Ang Biblia ay nag-uutos sa I Corinto 2:13: |
||
|
Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu, na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu. | ||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 2 |
||
Sa pagpapala ng Dios, ay ipinagkaloob ng Dios ang nakasulat na kopya ng batas ng Dios. Ang nakasulat na batas ay ang Biblia, ang Salita ng Dios. Ang batas ay ang pangako rin ng Dios sa sangkatauhan, at ito ay tinukoy na Ebanghelyo at bilang ang Matanda at Bagong Tipan. Kaya, kahit na ang Biblia ay gumagamit ng mga salitang ang Batas, o ang mga Utos, o ang Testamento, o ang Ebanghelyo, o ang Tipan, o ang Salita, ang tinutukoy pa rin nito ay ang Biblia lamang. Ang lahat ng mga salitang ito ay magkakasingkahulugan. |
||
Ang Biblia ay ibinigay sa sangkatauhan sa dalawang maliwanag na bahagi, subali’t isinulat ng Dios ang Biblia sa isang paraan na ang mga katotohanan ng Biblia ay inihayag sa sangkatauhan sa tatlong bahagi. |
||
Ang unang bahagi ng nakasulat na Salitang ibinigay ng Dios ay ang Matandang Tipan. Ang pagsulat sa Matandang Tipan ay nagsimula sa taong 1447 B.C. nang ibinigay ng Dios sa Israel ang sampung utos kasama ng maraming iba pang mga batas. Sa parehong pagkakataon, sa loob ng Tipan o ng aklat ng batas, ay isinulat Niya ang maraming katotohanan tungkol sa paglikha, ang pagpasok ng kasalanan sa mundo, at ang baha sa panahon ni Noe, gayon din ang maraming mga utos na binibigyang-diin ang pangangailangan ng sangkatauhan ng Tagapagligtas. Ang Dios ay nagpatuloy ng pagsulat sa Bagong Tipan hanggang sa taong 391 B.C. |
||
Gayon pa man, isinulat ng Dios ang Matandang Tipan sa isang paraang ang napakalaking bilang ng mga katotohanan at impormasyong kasama sa pagsulat ng Matandang Tipan, ay inihayag nang di-malinaw sa sangkatauhan. At saka, dahil sa hindi pa naiimbento ang imprenta hanggang daan-daang taon pagkatapos isinulat ang Matandang Tipan, ang mga tunay na kopya ng unang bahagi ng Biblia ay halos wala na. Noong una, talagang kakaunting kopya ng unang bahagi ng Biblia ang mayroon. |
||
Ang ikalawang bahagi ng Tipan, na tinawag na Bagong Tipan, ay nagsimulang isulat ng Dios malapit sa A.D.33. Ito ay natapos malapit sa A.D. 95. Ito ay nagbigay ng malaking bilang ng katotohanang nakatulong upang kahit papaano ay maunawaan ang Matandang Tipan. Unang-una dahil sa ang Bagong Tipan ay nagbibigay ng higit pang impormasyon tungkol kay Jesucristo ang Tagapagligtas, habang tunay at sa katunayan ay naranasan Niya ang matinding galit ng Dios, sa kapakanan ng lahat ng mga plano Niyang iligtas. Gayon pa man, ang Bagong Tipan, katulad ng Matandang Tipan, ay isinulat ng Dios sa isang paraan na ang maraming katotohanang inilathala dito ay nanatiling nakatago sa mga tunay na mananampalataya sa panahon ng simbahan. 1 |
||
Kaya, kahit ang Biblia ay nabuo na, ang isinulat na tipan o aklat ng batas sa loob ng halos 2,000 taon, ang maraming napaka-halagang katotohanang nakasabog sa buong Biblia kailanman ay hindi inihayag, kahit na sa talagang nag-uukol, may-takot sa Dios na mga teologo na anak ng Dios. Ang mga mahiwaga o nakatagong doktrina ay maiuugnay lalo na sa tumpak at tamang-tamang pagkakaunawa ng pagsasaoras at katangian ng programa ng kaligtasan ng Dios, kasama ang mga napakahalagang pangyayaring magaganap sa huling 23 taon ng kasaysayan ng mundo. |
||
1 Ginamit natin ang salitang panahon ng simbahan upang ipakilala ang panahon nang ang Dios ay ginamit ang mga simbahan upang ihatid ang Ebanghelyo. |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 3 |
||
Gayon pa man, sa kasalukuyang panahon, nang tayo ay talagang malapit na sa katapusan ng panahon, ang Dios, sa ikatlong pagkakataon, ay naghahayag ng higit pang karagdagang katotohanan na lagi na ay nasa Biblia, subali’t nanatili itong mahiwaga sa buong panahon. Sa ganyang paraan, halos parang ang Dios ay nagbigay sa atin ng karagdagan sa Matanda at Bagong Tipan, subali’t ang Biblia, siyempre, ay hindi nilakihan. Walang mga bagong salita sa katunayan ang idinagdag dito. Ang Bibliang ginagamit natin ngayon, sa salitang orihinal na isinulat ang Biblia, ay tamang-tamang parehong Biblia na nabuo malapit sa 1,900 na taong nakaraan. Ngayon lamang, ang buong luwalhati ng Ebanghelyo ay makikita na sa ating panahon sapagkat binuksan ng Dios ang ating pagkakaunawa sa mas maraming katotohanang nang una ay itinago. Sa Hebreo 8:8, ang Biblia ay nagpapahayag: |
||
|
Sapagka’t sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako’y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. | ||
Sa bersikulong ito, ang pariralang “Na ako’y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan” ay dapat na isinaling “Na tatapusin ko ang isang bagong pakikipagtipan”. Ang bagong pakikipagtipan ay ang Bagong Tipan ng Biblia, subali’t ito ay sa katapusan ng panahon, sa kasalukuyang panahon, na tinatapos ng Dios ang ating pagkakaunawa sa pamamagitan ng pagbubukas sa ating mga mata sa napakaraming mga bagong katotohanan. Lagi na sila ay nasa Biblia, subali’t sa ating panahon, sila ay inihahayag sa atin upang sila ay maunawaan natin. Parang ang Dios ay tinatapos ang pagsulat sa tipan, ang Biblia. Ito ay nasa eksaktong pagsang-ayon sa bersikulo gaya ng Daniel 12:9: |
||
|
At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. | ||
Talagang nakalulungkot na sa katunayan ang bawa’t isang simbahan sa buong mundo ay hindi maunawaan ang maraming mga katotohanan sa Biblia. Ito ay totoo sapagka’t hindi nila sinusunod ang mga tagubilin sa Biblia tungkol sa pagpapakahulugan sa Biblia. At saka, may malaking posibilidad na ang karamihan ng guro sa Biblia ay hindi nauunawaan, na ang bawa’t salita sa orihinal na mga salita ng Biblia ay mula sa bibig ng Dios, at kaya nga, ay napaka-halaga at talagang tamang-tama. |
||
Ang gawa ng tao, makasaysayang, panggramatikang pamamaraan ng pagpapakahulugan sa Biblia, na ginagamit ng bawa’t sekta ng simbahan, seminaryo, at iba pa, ay kailangang lubos na tanggihan. Ang tunay na pamamaraan sa Biblia ng pagpapakahulugan sa Biblia, ay ibinatay sa katotohanang ang Biblia ay nagtuturong, ang Biblia ay espirituwal na aklat na isinulat sa makalupang paraan. Sapagka’t ito ay |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 4 |
||
isinulat ng Dios, ang bawa’t makasaysayang pangyayari, at bawa’t pag-uusap, at bawa’t pangyayaring itinala sa Biblia ay lubos na totoo at mapagtitiwalaan. Gayon pa man, sapagka’t ang mga tunay, mga makasaysayang pahayag ay kailangan ring unawain nang espirituwal, ang totoong pangunahing mensaheng ibinibigay ng Dios sa sangkatauhan sa Biblia, ay hindi mauunawaan hangga’t hindi natatagpuan, ang espirituwal na aral ng bersikulong pinag-aaralan. |
||
Binanggit ni Jesus ang paraan ng hermeneutic sa Marcos 4:33-34, na kung saan ay mababasa natin: |
||
|
At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig; At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa’t sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay. | ||
Si Jesus ang talagang pinakadiwa ng Salita ng Dios. Mababasa natin sa Juan 1:14 na nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin. Kaya, ang pamamaraan ng paghahanap sa espirituwal na kahulugan ng bawa’t salita at pariralang itinala sa Biblia ay ginagamit sa buong Biblia sapagka’t si Cristo ay iniugnay sa buong Biblia. Ang Biblia ay ang Salita ng Dios. Si Cristo ay ang Salita ng Dios. At dahil ang Biblia ay aklat ng Dios, ang mag-aaral ng Biblia ay kailangang humingi ng tulong sa Espiritu Santo, ang Dios Mismo. Ang Dios lamang ang makapagdadala ng katotohanan sa ating mga puso (Juan 16:13). Ang anumang espirituwal na pagkaunawa, ay dapat na maingat na suriin ng mag-aaral ng Biblia upang makatiyak na ito sa kabuuan, ay magkatugma sa anuman at bawa’t isang katotohanang itinuturo ng Biblia. |
||
Ang naunang simulaing si Cristo ay nagsalita ng mga talinghaga, at kung walang talinghaga ay hindi Siya nagsalita, ay lumalabas na pangunahing pamamaraan na sa pamamagitan ay tinutulungan ng Dios ang mga tunay na mananampalataya upang higit na maunawaan ang Biblia. Subali’t ito ay lumalabas ring ang pangunahing pamamaraan na sa pamamagitan ay binubulag ng Dios ang mga lumalapit sa Biblia, na may kanilang sariling inakalang mga ideya. Ang simulaing ito ay inilathala sa Marcos 4:11-12, na kung saan ang Dios ay nagsasabi: |
||
|
At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa’t sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga: Upang kung magsitingin sila’y mangakakita, at huwag magmalas; at kung mangakinig sila’y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila’y mangag-balikloob, at patawarin sila. | ||
Halimbawa, ang sinumang sumusunod sa gawa ng tao, panggramatikang, makasaysayang hermeneutic, na ginagamit sa buong mundo ng simbahan, ay hindi mauunawaan nang tama ang maraming napakahalagang katotohanan ng Biblia. Kabilang dito ang mga aral sa Biblia tungkol sa katapusan ng panahon ng simbahan, at ang katotohanang ang mga tunay na mananampalataya ay maraming malalaman tungkol sa talatakdaan ng panahon at mga detalye ng katapusan ng mundo. |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 5 |
||
Sa Wakas, ang Buong Paghahayag ng Planong Kaligtasan ng Dios |
||
May tatlong sadyang mga mahalagang bahagi ng katotohanang nakikita, habang ang Dios, sa ating panahon, ay binubuksan ang ating mga mata sa maraming bagong katotohanang, sa buong panahon ng simbahan ay hindi naunawaan nang mabuti. Ang mga bahaging ito ay ang mga sumusunod. (1) Ang uri at pagsasaoras sa planong kaligtasan ng Dios. (2) Ang mga detalye sa katapusan ng panahon, na kabilang ang tamang panahon sa kasaysayan. (3) Ang uri at katangian ng planong paghuhukom ng Dios. |
||
Sa pag-aaral na ito, ay tutuon tayo ng bahagya sa uri ng planong kaligtasan ng Dios. Sa pangalawa, tutuon tayo nang lubusan sa mga detalye sa panahon ng katapusan. Ang uri at katangian ng planong paghatol ng Dios ay isasama sa susunod na aklat. |
||
Sa Hebreo 8:10-11, ang Dios ay nagtuturo sa atin: |
||
|
Sapagka’t ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso’y aking isusulat ang mga ito. At ako’y magiging Dios nila, At sila’y magiging bayan ko: At hindi magtuturo ang bawa’t isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa’t isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka’t ako’y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila. | ||
Ang mga bersikulong ito ay sadyang tumutuon sa planong kaligtasan ng Dios. Sa buong panahon ng simbahan, ang pinakamahalagang aral ng karamihan ng mga simbahan sa Biblia, ay sabihin sa mga kapatid sa kongregasyon kung paano silang makatitiyak na sila ay naligtas o kung paano sila maliligtas. Ang maingat na pagsusuri ng mga aral ng mga sektang ito, ay laging nagpapakitang kasama sa kanila ang pangangailangang gumawa ang taong naghahangad ng kaligtasan, ng ilang tulong. Ang mga tulong na ito ay maaaring kabilang ang mga gawa gaya halimbawa ng bautismo sa tubig, ang pangmadlang pagpapahayag ng pananampalataya, ang gawang pagtanggap kay Cristo, ang paglahok sa Eukaristiya o hapag ng komunyon, o pananalangin ng isang uri ng panalangin. Sa katunayan, sa lahat ng halimbawa, ay may tiyak na paglabag sa batas ng Dios, na maliwanag na nagtatakdang ang lahat ng gawa ng pagliligtas sa tao ay ginawa ni Cristo, bago pa man ipinanganak ang taong iyan. 2 |
||
Sa Hebreo 8:10-11, na binanggit sa itaas, ang Dios ay binibigyang-diin na kapag naganap ang buong paghahayag ng Biblia, ang pagtuturo ng kaligtasan sa mundo sa kabuuan ay magiging ayon sa Biblia. Ang sangkatauhan ay hindi tuturuan kung paano sila maliligtas, kundi ang kaligtasan lahat-lahat ay mag-isa lamang gawa ng Dios (Efeso 2:8-9). Ang Dios ay magliligtas ng lubhang karamihan na sa katunayan ay maaaring napakaliit ang nauunawaan sa Biblia. |
||
2 Inaanyayahan kang humingi ng libreng libritong Ako ay Umaasang Maliligtas Ako ng Dios para sa mas maraming impormasyon tungkol sa kamangha-manghang paksa. |
||
| Kabanata 1. Ang Maluwalhating Salita ng Dios
|
||
| 6 |
||
Tatangkain nating ilathala ang madaling maunawaang guhit-balangkas ng aral sa Biblia, tungkol sa pagliligtas sa lubhang karamihan na hindi mabibilang ng sinoman, na inililigtas sa ating panahon. |
||
1. Ang Biblia ay nag-uutos sa mga tunay na mananampalatayang ihatid ang Ebanghelyo sa buong mundo. Ang Dios ay pinatnubayan ang pag-unlad ng laganap sa mundong komunikasyon, gaya halimbawa ng radyo, Internet, upang gawing posibleng marinig ang Ebanghelyo ng bawa’t tao sa mundo. |
||
2. Sa mahiwagang pagpapala ng Dios, ang karamihan na kakaunti o walang anumang nalalaman sa katotohanan ng Biblia, ay mauunawaan ang mga sumusunod: |
||
Sila ay mga makasalanang patungo sa isang nakatatakot na hinaharap, na kung saan sila ay paparusahan dahil sa kanilang mga kasalanan. |
||
Ang Biblia na nabanggit sa kanila, at ang sinisimulan nilang pakinggan, ay mula sa Dios, at kaya nga, pagsisikapan nilang sundin ang mga utos nito. |
||
Nalaman nilang ang araw ng paghuhukom ay napakalapit na, subali’t ang Dios ay nagliligtas ng maraming tao. |
||
Naunawaan nilang sila ay maaari at dapat tumawag sa Dios ng awa, umaasang sila rin ay ililigtas ng Dios. |
||
Ito ang kasalukuyang kalagayan sa mundo, habang ang parami nang paraming tao ay inililigtas sa buong mundo, lahat-lahat ay gawa ng Dios. Kapag inililigtas ng Dios ang tao, ay binibigyan Niya ang taong iyan ng bagung-bago, walang-hanggang, nabuhay na muling kaluluwa. Kaya nga, mayroon silang matindi, at patuloy na hangaring sumunod sa Biblia. Ang pambihirang paglaki sa bilang ng mga taong naliligtas ngayon, gaya ng iginigiit ng Biblia (Apocalipsis 7:19-14), tiyak ay kaugnay sa katotohanang ang Dios ay naghahayag ngayon ng maraming katotohanan sa Biblia, na hindi nalaman ng mga naunang henerasyon. |
||
| Paunang-salita | Talaan ng mga Nilalaman | Kabanata 2 |