|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 10.
ILANG MGA PANGHULING
KATANUNGAN
|
| PAHINA
71 |
gusto
ko, at saka isang araw ay magsisisi ako sa sarili kong kagustuhan at
tatanggap ng biyaya ng Dios ay lubhang mali at hindi kumikilala o
nakakaalam ng likas na biyaya ng
Dios.
Hindi
tao ang nagpapasiya sa kaligtasan. Ang Dios na Makapangyarihan mismo
lamang ang nagpapasiya kung sino ang maliligtas. Dumarating Siya sa atin
at naguutos na manampalataya kay Cristo bilang Tagapagligtas, at
nagbababala Siya, “Paanong makatatanan tayo kung ating pabayaan ang
ganitong dakilang kaligtasan (Mga Hebreo 2:3)? Nagtatagubilin Siya,
“Kaya nga mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa
pagkatawag at pagkahirang sa inyo” (II Pedro 1:10) Sinasabi Niya sa atin
sa Mga Awit 51:17, “Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob; Isang bagbag
at may pagsisising puso, Oh Dios ay hindi mo wawaling kabuluhan.”
Nagbababala Siya na Kaniyang sinasalangsang ang mga palalo, datapuwa’t
nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba (I Pedro
5:5).
Sa
harap ng mga ganiyang babala at tagubilin, paano kaya susuwayin ng isang
tao na sadyang naghihimagsik laban sa Dios sa isang bagay na kasing halaga
ng pagdidiborsiyo at pagaasawang muli pagkatapos ng diborsiyo? Hindi ito
mga kasalanan na basta na lamang napasukan o hindi sinasadya ay napasukan
ng isang tao. Ito ay mga pagkakasala na nangangailangan ng pagpaplano at
patuloy na paggawa sa mahabang panahon. Kung ang puso ng isang tao ngayon
ay naghihimagsik at matigas na gumagawa ng ganitong kasalanan, maaaring
ang taong iyan ay hindi ligtas. Bilang karagdagan, ito ay isa sa mga
katibayan na hindi siya inilalapit ng Dios tungo sa kaligtasan. Kung
pinapayagan siya ng Dios na magpatuloy sa gayong paghihimagsik ngayon, ano
ang katiyakan niya na siya ay pakikitunguhan ng Dios ng mabuti,
palalambutin ang kaniyang puso at ilalapit siya sa kaligtasan.
Hindi
tayo dapat magbakasakali sa mga kahabagan ng Dios. Ngayon ang araw ng
kaligtasan. Walang sinomang taong may katiyakan o pangako na siya ay buhay
pa bukas. Paano niya malalaman na bukas ay makikipagkasundo siya sa
Dios?
Ang
makipagdiborsiyo o magasawa muli pagkatapos ng pagdiborsyo, yamang
nalalaman nating ito ay labag sa kalooban ng Dios, ay ang pinakamalaki at
mapanganib na bagay na magagawa ninoman. Ang tanging paraan upang mamuhay
ay ayon sa utos ng Dios. Ang pinakamagandang oras na mamuhay na ayon sa
batas ng Dios ay ngayon. Sana ay bigyan nga ng karunungan ang Dios ang mga
taong naglalaro sa pagkakasala ngayon at magsisisi
pagkaraan.
PAANO
NANGYARI ITO?
Ang
problema ng mga hindi maka Biblia na pagaasawa at pagdidiborsiyo ay
napakalubha at nakakawasak na nagtataka tayo kung paano ang iglesia ay
napalayo sa katotohanan. Limampung taon na ang nakakaraan, doon lamang
|