Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 10.     ILANG  MGA  PANGHULING  KATANUNGAN
PAHINA 67

dapat nilang baguhing pisikal ang kanilang mga sarili. Kundi, sinadya nilang mamuhay na walang pagniniig na pisikal sa ugnayan ng pagaasawa. Sa pagtanggi  nila sa ganitong pagniniig, nakakakita  sila ng bago at mga kahangahangang paraan ng pamumuhay sa ikaluluwalhati ng Dios.

    Ang ating kasalukuyang mundo ay labis na nagbibigay-diin sa pangunguna ng pagniniig na seksual. Ang mga anunsiyo, mga nobela, mga programang pang telebisyon, at mga sikolohista ang nagsasabi sa mga tao na kung wala tayo ng ganitong uri ng pagniniig, tayo ay nawawalan ng pinakamabuting pagpapala ng tao.

    Ito ay isang kasinungalingan. Ang Salita ng Dios ay ang katotohanan. Habang sinasabi ng Dios na mayroong ilang pagpapala na makukuha sa pagaasawa—lalo na ang pagpapalaki ng mga anak na maka-Dios—mayroong higit na pagpapala na makukuha sa pagiging walang asawa.

    Ang taong walang asawa ay may kalamangan sa pagkakaroon ng maraming panahon upang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay, tulad sa pagdalaw sa mga nagiisa, pagaalaga ng mga bata ng mga tahanang wasak, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga matatanda sa “bahay-alagaan.” Mayroon siyang higit na maraming panahon sa pagaaral ng Biblia at pananalangin. Ang mga may asawa ay dapat ding magsikap na tanggihan ang sarili nila upang maging mabunga ang buhay nila para kay Cristo, nguni’t ang walang asawa ay makakagawa nito ng husto sa abot ng magagawa niya.

    Ang bahaging espirituwal ng mabuting gawa ay makakatulong ng malaki sa buhay ng mga balong babae at lalake, sa mga taong nakipagdiborsyo, at sa mga taong hindi kailanman nag-asawa. Binibigyan ng Dios ng tanging ginhawa at pangako ang lahat na taong walang asawa. Kung mabuhay siya na ayon sa mga prinsipiyo ng Dios, ang pagpapalang ito ay lalong nakikita sa buhay niya. Kung ang walang asawa ay makikinig sa payo ng sanglibutan, maaaring matalo siya ng pakiramdam na ang walang asawa ay isang taong hikahos, kaawa-awa at mga taong hindi kasing halaga ng iba.  Ito ang maaaring magbulid sa kanila upang maging mapakiapid. Sa pagsunod lamang sa mga utos ng Dios, ang buhay ng mga walang asawa ay magiging higit na matagumpay kaysa mga may asawa.

ANG MULING PAGAASAWA

    Ang katanungang kinakaharap natin ay mahalagang lubha, bagama’t hindi naman talagang ganoon. Kung sinusunod ng sangkatauhan ang mga utos ng Dios tungkol sa pagasawa at pagdiborsiyo, kakaunti ang bilang ng mga taong magaasawang muli.  Nguni’t dahil sa malawakang pagwawalang-saysay at pag-aalis sa mga utos ng Dios tungkol sa kabanalan ng pagaasawa, ang problema ay naging napakalaki. Saan man tayo pumunta ay makikita natin ang mga taong

 

 


PAHINA 66 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 68