Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 10.     ILANG  MGA  PANGHULING  KATANUNGAN
PAHINA 64

   Atin ngayong paguusapan ang ilang mga katanungan na lumalabas sa pagtitipong Cristiano. Halimbawa, noong maging Cristiano tayo, ang mga dating bagay ay nagsilipas na at ang lahat ng mga bagay ay pawang naging mga bago. Nagpapahiwatig ba ito na kung ako ay isang nakipagdiborsyo bago ako naligtas pagkatapos akong maligtas ako ay isa ng bagong nilalang at kaya maaari na akong magasawang muli? Paano naman kung ako ay naligtas pagkatapos na ako ay magasawang muli?


ANG ISANG NAKIPAGDIBORSYO AT BAGONG NALIGTAS NA TAO

    Ang palaging sinasabi sa mga araw na ito ay kung tayo ay nakipagdiborsyo o nakipaghiwalay bago tayo naligtas, pagkatapos tayong maligtas, tayo ay maaaring mag-asawa uli. Ito ay ayon sa argumentong ang mga taong naligtas ay naging mga bagong nilalang kay Cristo; ang mga dating bagay ay nagsilipas na at ang lahat ng mga bagay ay pawang naging mga bago. Ayon ba sa Biblia ang katuruang ito?

    Hindi ito ayon sa Biblia. Una, hindi nito tinatanggap na ang mga batas ng Dios ay mailalapat sa buong sangkatauhan. Halimbawa, ang mga utos na “huwag kang papatay”at “huwag kang magiimbut” ay sumasaklaw sa mga hindi mananampalataya at sa mga mananampalataya rin. Ang pagkakaiba lamang ay sa paraan ng pagsagot sa mga utos na ito. Ang tunay na mananampalataya ay buong sigasig na nagnanais na makasunod sa mga utos ng Dios, samantalang ang mga hindi mananampalataya ay hindi naguukol ng wala o ng pansin sa mga utos na ito.

    Alam ng isang tunay na mananampalataya na ang lahat ng mga utos ng Biblia ay dapat sundin. Walang sinabi sa Biblia na dapat balewalain ang anomang Salita sa Biblia. Kaya kung sinasabi ng Biblia na hindi siya dapat magasawa pagkatapos ng diborsiyo, kung ganoon dapat siyang manatiling walang asawa. Ito ay totoo kahit na siya ay nakipagdiborsiyo matapos o bago siya naligtas.

    Ikalawa, ang pagiging isang bagong nilalang kay Cristo ay hindi nagaalis ng mga bungang pisikal ng ating pagkakasala. Halimbawa, ang isang mamatay-tao ay nahatulang mamatay siya sa silya elektrika, at habang naghihintay siyang bitayin ay naligtas siya. Dahil siya ay isa ng anak ng Dios, ang impierno ay hindi na magiging isang banta sa kaniya dahil sa kaniyang pagpatay o anomang pagkakasala niyang nagawa. Ngayon ay nakatayo siya bilang isang taong walang anomang dungis sa harap ng Dios. Nangangahulugan ba ito

 

 


PAHINA 63 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 65