Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 7.     ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG BABAE
PAHINA 57


    Ano ba  ang magagawa ng babae na nakakakita sa kaniyang asawa na hindi kasinglapit sa kaniya gaya noong mga unang araw ng kanilang pagaasawa? Kung maunawaan niya ang bigat na nalalagay sa asawa niyang walang gulang,  dala  ng pagdating ng mga anak, malayo ang mararating niya sa pagsasaayos ng problema.

    Dahil Dios ang gumawa ng pagsasama ng babae at  lalake sa loob ng isang pinadakilang pagkakaisa na maaaring mangyari, ang babae na nakatuklas  sa asawa niya na nagsisimulang lumayo mula sa natatanging pagiisang iyan ay dapat mabahalang tunay. Maaaring hindi aminin ng kaniyang asawa ang kaniyang pagkabigo o ang nasaktan niyang pagkalalake; gayon pa man, dapat tiyakin ng babaing asawa na ang kaniyang pansin na ibinibigay sa mga anak at mahalagang gawaing bahay ay hindi nakakatulong sa paglayo ng kaniyang asawang isip-bata.

    Dahil nasisiyahang lubha ang babaing asawa sa pagiging ina niya, ang pagtatakwil ng pagasawa sa higaan ay karaniwang hindi kasing halaga sa kaniyang buhay hindi tulad ng sa kaniyang asawa. Kaya, dapat ang babae ay mabilis sa pakikiramdam sa mga palatandaan ng paglayo ng kaniyang asawa. Ang ganiyang gawa sa bahagi ng lalake ay maaaring nagbabadya na may darating na mahirap na mga panahon sa kanilang pagaasawa.

    Dapat malaman ng babae na mahalaga sa kaniyang asawang isip-bata na maging nangunguna siya sa pagsasama ng pagaasawa. Buong dalangin, tiyaga, lambing at patuloy siyang magbibigay sa kaniyang asawa ng kaniyang matapat na pagibig. Mga munting kilos, maibiging pagtingin, o isang hipo, ang lahat ng bagay na mahalaga sa pagliligawan at pulot-gata ay dapat manatiling nakikita.

    Kung ang pagkakalayo ay malubha, maaaring mangailangan ng panahon bago ang lalake ay  makaramdam ng pagibig at debosyon ng kaniyang asawa. Bilang karagdagan, ang kaniyang sigla ay nanlamig, ang babae ay nangangailangan ng biyaya ng Dios upang magpatuloy sa kaniyang mga gawa na mapainit ang sigla sa kaniyang puso.

    Magagawa natin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa atin. Kaayon nga ng lubusan sa Salita ng Dios na ang babae ay magpakita ng pagibig sa kaniyang asawa. Kaya, habang pinalalakas siya ng Dios, dapat siyang magpatuloy sa kaniyang mga gawa na magpakita ng pagibig sa kaniya sa lahat ng paraang magagawa.

Kasya ang Biyaya ng Dios

    Nakita natin ang isang kalagayan ng pagaasawa na ang mga igting ay nakaabot sa lugar na ang diborsyo ay nalalapit sa abot ng tingin. Pagka mangyari ang kalagayang ito, ang magasawang hindi ligtas ay kakaunti ang makakatulong sa kanila. Ang nais ng kanilang mga magulang, ang mga pamimilit ng mga kaibigan, o ang isang pakiramdam ng pananagutan patungo sa kanilang mga

 



PAHINA 56 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 58