|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 7.
ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG
BABAE
|
| PAHINA
49 |
Kaya
nagpapaalaala ang I Pedro 3:1 sa babae na abutin ang puso ng kaniyang
asawa sa pamamagitan ng matahimik na pagpapasakop. Bayaang sundin niya ang
mga alituntunin ng Dios na hindi siya nangangaral sa kaniyang asawang
lalake. Dahil sa malalim na paguugnayan sa pagitan ng magasawang lalake at
babae, ang ginagawa ng babae ay higit na malakas magsalita kay sa kaniyang
mga salita.
Gaya
rin nito ang paalaala na mailalapat sa isang ligtas na lalake na may
asawang hindi ligtas. Kung ang kaloob-loobang pamumuhay ng lalaking ligtas
ay hindi maliwanag na nagpapakita ng halimuyak ni Cristo, ang tingin sa
kaniya ng kaniyang asawang babae ay isa siyang paimbabaw. Sa
pagniniig ng magasawa, ang matandang kasabihan na “ang mga gawa ay higit
na malakas magsalita kay sa mga salita” ay maliwanag na
maisasalapat.
ANG
DIOS ANG NAGBIBIGAY NG
ALITUNTUNIN
Ang
babaing mananampalataya ay mataimtim na naghahanap na magawa ang mga
prinsipiyo na nasasaad sa Mga Taga Filipos 4:8:
Katapustapusan
mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay ang
kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis,
anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may
anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga
bagay na ito.
Humihingi
ang babae ng kapatawaran sa Dios kung siya ay nagiisip na magalit sa
kaniyang asawa. Kung magkasala ang kaniyang asawa laban sa kaniya, gaano
man ito kadalas, ang babae ay masayang nagpapatawad sa kaniya. Anoman ang
pakitungo ng kaniyang asawa sa kaniya, pinipilit niyang ipinapakita na
siya ay nagagalak na nakapagasawa sa kaniya. Nagagawa niya ito ng buong
katapatan dahil nalalaman niya na pinaging isang laman sila ng Dios.
Nakikita ng babae na simula noong sila ay magasawa, ang kaniyang buhay ay
mananatiling kasama ng kaniyang asawa hanggang sila ay kapwa kunin ng Dios
sa kamatayan.
Ang
magagawa ng ganitong uri ng maka Dios na pamumuhay sa isang lalaking hindi
mananampalataya ay malaki. Kahit na hindi siya ligtas, alam niya na
nagkakamali siya kung kaniyang pinagmamalupitan ang kaniyang asawa. At
nakikita ng lalake ang patuloy na pagtatapat sa kaniya ng asawa, ang
kaniyang matahimik na pagpapasakop, ang kaniyang patuloy na pagpapatawad,
ay unti-unti niyang malalaman na ang asawa niya ay napakabait at
natatangi. Sa tulong ng biyaya ng Dios, maaaring gamitin ito ng Dios upang
buksan ang kaniyang mga matang espirituwal. Ito ang pinakalaman ng I Pedro
3:1.
Ang
mapagpasensiya at nagpapasakop niyang paguugali sa kaniyang
|