|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 7.
ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG
BABAE
|
| PAHINA
47 |
gawain
ay ayon sa kalooban ng Dios.
WALANG
ANOMANG ISANG SALITA
Sinasabi
ng Dios, “Hindi!” Kung ang kaniyang asawa ay maliligtas, siya ay makukuha
kahit walang isang Salita. Bakit kaya itinuturo ng Dios ang isang programa
na waring hindi mangyayari? Mayroon bang isang paraan ang Dios na doon ay
inililigtas Niya ang karaniwang hindi mananampalataya at isang programa
naman na doon ay inililigtas Niya ang mga asawang lalake? Hindi
maaaring tama iyan. Kung gayon bakit may ganitong pambihirang
paalaala na ang babae ay dapat
manahimik?
Magsisimula
nating maunawaan kung ating makikita ang tanging kalagayan na namamayani
sa ugnayan ng magasawang lalake at babae. Pagka dinadala natin ang
Evangelio sa iba, karaniwan ay kakaunti ang nalalaman nila tungkol sa
ating pangsariling pamumuhay. Kaya, ang karaniwang nakikita ng isang
hindi mananampalataya ay ang Evangelio
mismo.
Kung
sabihin ng isang mangangaral mula sa pulpito, “Gayon ang sabi ng
Panginoon,” bagama’t alam ng lahat na siya ay nabubuhay sa kasalanan,
kakaunti ang magagawa ng kaniyang pangangaral. Ang mga taong
nakakarinig sa kaniya ay magiisip na siya ay isang ipokrito o paimbabaw
lamang. Sa ganoong pangyayari, ang mga matatanda sa simbahan ang dapat
umayos sa pastor, at maaaring maghanap ng paraan na aalisin siya mula sa
kaniyang gawain bilang pastor, kung
kailangan.
Gayon
din, kung alam natin na ang isang tao na parang masipag na saksi ng
Evangelio, subali’t hindi niya pinamumuhay ang Evangelio, hindi natin siya
pakikinggan. Siya rin ay magiging isang
paimbabaw.
Ang isang
taong hindi ligtas ay maaaring makaalam ng buhay ng isang taong
nagpapatotoo sa kaniya, nguni’t hindi lahat ng
bagay.
Nguni’t
ang isang lalake ay nakakaalam ng higit sa kanino mang tao tungkol sa isip
at gawa ng kaniyang asawa. Namuhay siya at patuloy na namumuhay pa na
kasama niya, sa isang malalim na ugnayan. Siya ay kasama niya kung
matutulog sa buong gabi. Siya ay kasama niya sa umaga bago siya uminom ng
kape. Siya ay kasama niya kung siya ay nenenerbyos, napapagod, nabibigatan
o nagagalit.
Dahil
sa pagniniig na malalim sa pagaasawa, alam niya ang paraan kung paano siya
lumakad, ang paraan ng pagbati sa kaniya pagka siya umuuwi, ang
paraan ng paghahain ng pagkain sa mesa, at hindi mabilang na mga
paguugali, kung siya man ay nagiisip ng may pagibig o pagkagalit sa
kaniya. Kaya nga, bagama’t sabihin niyang isa siyang mabuting Cristiano,
at sabihing maganda ang pakikisama sa ibang Cristiano at nagpipilit na ang
kaniyang asawa ay magsisi sa kaniyang mga kasalanan at magtiwala kay
Cristo bilang Tagapagligtas, nguni’t alam ng lalake na malimit na ang
asawa ay hindi nabubuhay na ayon sa
|