|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 7.
ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG
BABAE
|
| PAHINA
45 |
ang
sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid. Sapagka’t anong
kapurihan nga, kung kayo’y nangagkakasala, at kayo’y tinatampal ay inyong
tanggapin na may pagtiis? Nguni’t kung kayo’y gumagawa ng mabuti, at
kayo’y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito’y kalugodlugod
sa Dios. Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo
man ay nagbata dahil sa inyo na kayo’y iniwanan ng halimbawa upang kayo’y
mangagsisunod sa mga hakbang niya. Na siya’y hindi nagkasala, o
kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig. Na, nang siya’y alipustain,
ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya’y magbata ay hindi nagbala;
kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng
matuwid. Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang
katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan
ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay
nangagsigaling kayo.
Sa
mga bersikulong ito ay sinasabi ng Dios na ating gawain at tiisin ng
buong pasensiya ang mga kawalan ng katarungan, mga paglibak, mga
pangaabuso ng mga taong namumuno sa atin. Hindi tayo dapat manglibak upang
gumanti. Dapat nating malaman na tinawag tayo ng Dios upang lumakad sa mga
hakbang ng ating Panginoon. Dapat nating tingnan Siya na ating
halimbawa, at ang mga pangaabuso sa kaniya ay kasama ang Kaniyang
kamatayan sa krus.
Sa
pasimulang mga bersikulo sa I Pedro 3 isinama ng Dios ang paalaala sa I
Pedro 2 sa babae na nakapagasawa ng isang lalaking hindi ligtas.
Pinaalaala ng Biblia sa I Pedro 3:1-5:
Gayon
din naman kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling
asawa; upang kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng
walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae. Sa
pagkamasid nila ng inyong mga ugaling mahinhin na may takot. Na huwag sa
labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot
ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit. Kundi ang
pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung
maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. Sapagka’t
nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na
nagsiasa sa Dios, na nagpasakop sa kanikaniyang
asawa.
Ang
mahalagang salitang “Gayon din naman” sa bersikulong 1 ay siyang nagsama
ng mga bersikulo ng Kabanatang 3 sa tagubilin na ibinigay sa Kabanatang
2. Buong lakas na ipinaalaala ng Dios ang: “Kung paano ang isang
alipin ng isang malupit na panginoon ay nagtitiis ng pangaabuso, gayon
|