Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 8.     ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG BABAE
PAHINA 44


    Ano naman ang kaugnayan ng babae sa kaniyang asawa? Dahil sa problema ng mga hindi ligtas na lalaking nakapagasawa ng mga babaing Cristiano ay lumilitaw na higit na malubha at malawak  sa ngayon kay sa  mga lalaking Cristiano na nakapagasawa ng mga hindi ligtas na babae, ito ang ating higit na paguukulan ng mas marami pang panahon.

    Sinasabi sa atin ng Biblia sa Mga Taga Efeso 5:22, “Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.” Ang pagpapasakop bang ito ay walang kondisyon o pagmamaktol? Tiyak nga, kung iginagalang niya siya at siya ay karapatdapat sa kaniyang paggalang, ay magpapasakop siya sa kaniya. Ano naman kung siya ay lumabas na isang manloloko, manglalasing, mapakiapid o mambubugbog ng asawa? Dapat pa rin ba siyang magpasakop sa kaniya? Dapat ba siyang mabuhay na parang basahang pamunasan ng paa na tatapaktapakan niya? Sinasabi ng Biblia kung ano ang dapat niyang gawin habang siya ay asawa ng ganiyang lalake. Hindi niya kailangang manghula o mag-isip-isip kung ano ang kanyang gagawin pag nagasawa sila sa ganyang asawa.

    Mateo 18:21-22 ay mailalapat sa kaniya at sa kaniya ring asawa:

Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi hanggang sa makapitongpung pito.

    Kung siya ay isang Cristiano, wala siyang magagawa kundi ang magpatawad ng paulitulit sa kaniyang asawang nagkakasala laban sa kaniya.

ISANG LALAKING MALUPIT

    Isinasaayos ng Dios ang problemang ito sa I Pedro 2 at 3. Sa I Pedro 2:18-24 isinasaayos ng Dios ang problema na tungkol sa isang aliping naglilingkod sa isang malupit at walang silbi na amo:

Mga alila kayo’y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik. Sapagka’t ito’y kalugodlugod kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis

 



PAHINA 43 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 45