|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 7.
ANG WALANG KONDISYONG PAGIBIG NG ASAWANG
LALAKE
|
| PAHINA
40 |
Iniuutos
ng Biblia sa Mga Taga Efeso 5:25, “Mga lalake, ibigin ninyo ang
inyo-inyong asawa.” Ang utos bang ito ay mailalapat kung ang babae ay
hindi nagmamahal sa kaniyang asawa? Mailalapat ba ito kung sinasabi ng
babae na namumuhi siya sa kaniyang asawa, kung siya ay durugista, o
manglalasing, o nabubuhay sa pakikiapid? Nais pa rin ba ng Dios na ibigin
ng lalake ang ganitong uri ng
babae?
Ang
utos ng Dios sa mga lalake na ibigin ang kani-kanilang asawa ay walang
pasubali o kondisyon. Hindi siya dapat magkaroon ng kondisyon kung ang
pag-ibig niya sa kaniyang asawa ang pinaguusapan. Ano man ang mangyari sa
kaniya o maging ano pa man siya, dapat niyang ibigin
siya.
Paano
natin ito nalalaman? Nalalaman natin ito dahil hindi nagbibigay ng payo
ang Biblia tungkol sa iba’t ibang kondisyon upang mapatigil ang ganitong
pagibig. Maging doon sa mga bersikulo na parang nagmumungkahi ng
diborsiyo, wala roong anomang pahiwatig na ang pagibig ay natatapos. Sa
totoo, itinuturo ng Dios na ang pagpapatawad ay isang bagay na dapat gawin
ng isang Cristiano. Mateo 18: 21-22:
Nang
magkagayo’y lumapit si Pedro, at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang
magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin?
Hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo,
Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung
pito.
Dahil
walang katapusan ang pagpapatawad sa mga taong nagkakasala laban sa atin,
tiyak ngang ang prinsipiyo ng pagpapatawad ay dapat ilapat sa kaugnayan ng
magasawa. Kaya nga, ano man ang sabihin o gawin ng babae na nakakasakit sa
kaniyang asawang lalake, dapat niya siyang patawarin. Ang prinsipiyong
“Mga lalake, ibigin ninyo ang inyong mga sariling asawa,” ay kailangang pa
ring sundin.
GAYA
NG PAGIBIG NI CRISTO SA
SIMBAHAN
Mayroong
malakas at buhay na dahilan kung bakit dapat ibigin ng lalake ang kaniyang
asawa na walang anomang kondisyon. Sinasabi sa atin sa Mga Taga Efeso
5:25: “Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni
Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa
kaniya.” Binigyan tayo ng Dios ng isang halimbawa ng uri ng pagibig na
dapat taglayin
|