|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 6.
HUWAG PAGHIWALAYIN NG TAO
|
| PAHINA
36 |
Pagka
ang dalawang tao ay pinag-isa sa pagaasawa at nalubos ang kanilang
kaugnayan sa higaan ng pagaasawa, ito ay pag-iisa na gawa ng Dios. Ito ay
kahangahangang katotohanan. Mahirap na makaranas tayo ng ibang gawaing
pisikal na doon ay ating masasabi, “Ito ay gawain ng Dios.”
Kahit
ang pagaasawang nagawa ay bilang isang paghihimagsik sa Dios ay isa pa
ring pagaasawa na ginawa ng Dios upang maging pag-iisang hindi maaaring
sirain. Hindi nangangahulugan na ang Dios ang may kasalanan, sapagka’t
hindi maaaring magkasala ang Dios. Kundi, sa pagsasakatuparan ng Kaniyang
mga makalangit na layunin, ginagamit ng Dios ang mga makasalanang
pagnanasa ng tao.
Halimbawa,
binayaan ng Dios ang mga kapatid ni Jose na gumawa ng napakasamang krimen
nang ipagbili nila si Jose upang maging alipin upang sa ganoon pagdaan ng
panahon, si Jose ang Punong Ministro ng Egipto, ay makakapagligtas sa
kanila mula sa kagutuman. Gayon din, maaaring gamitin nga ng Dios ang
isang makasalanang pagaasawa para sa Kaniyang sariling layunin.
Sinasabi sa atin ng Dios na sa oras na maganap ang pagaasawa, mayroong
pag-iisa na nalilikha na nagawa sa pamamagitan ng gawa ng
Dios.
Sa
ganoong dahilan, sinasabi ng Dios, na ang babae ay nakatali sa kaniyang
asawa (Mga Taga Roma 7:2, I Mga Taga Corinto 7:39). Kung ang babae ay
nakatali sa asawang lalake, kung ganoon maliwanag na totoo ring ang lalake
ay nakatali sa asawang babae. Sa unahan ng ating pagaaral, ating nakita
ang salitang “nakatali,” na ginagamit ng Dios sa mga bersikulong ito, ay
nangangahulugan ng “nakatali sa” o “nakatanikala na magkasama ng.” Tandaan
natin na ipinahayag ng Dios na Siya lamang ang maaaring makasira ng
pag-iisa ng pagaasawa. Nagagawa Niya ito sa pamamagitan ng kamatayan ng
isang asawa.
ANG
PAG-IISA NG PAGAASAWA AY HINDI MAAARING SIRAIN NG
TAO
Ang
mga tagapayo na nagsasabi sa nagaaway na magasawa na gumawa ng pagsubok na
paghihiwalay ay lumalabag sa Salita ng Dios. Ang pagdidiborsiyo o
paghihiwalay, na talagang talamak sa ating kapanahunan, ay isang
napakasamang paglabag sa utos ng Dios tungkol sa pagaasawa. Sa halip na
paghiwalayin, ang Biblia ay nagsasabi na ang katawan ng magasawa ay
pagaari ng isa’t isa (I Mga Taga Corinto 7:3-5). Kahit ano pang sama ang
pinagdadaanan ng pagaasawa, dapat sundin pa rin ang prinsipiyong ito.
Magingat tayo kung ating ilalagay sa ating kamay ang mga bagay na
ito.
Binibigyang-diin
ng Dios ang kabanalan ng pagiisa ng pagaasawa sa Marcos
10:11-12:
At
sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa,
at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa
|