|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 6.
HUWAG PAGHIWALAYIN NG TAO
|
| PAHINA
35 |
Sa kabanatang
ito ay ating titingnan ang pagaasawa mismo. Ito ba ay samahan lamang
ng dalawang tao na nakatayo sa iisang lugar? Ito ba ay isang
kontrata na kagaya ng ibang kontrata na ating
nalalaman?
Ating
napasimulang malaman na ang pagaasawa ay hindi isang kontrata; hindi rin
ito isang samahan. Ito ay pagiisa isang pagiisa na
nagbubunga nito na gaya noon, na ang dalawang tao ay pinagisa sa isang
pagkatao. Ginamit ng Biblia ang salitang: “Kaya nga hindi na sila dalawa;
kundi isang laman.” (Mateo 19:6). Ang lalim at katotohanan ng pagiisang
ito ay inilalarawan sa I Mga Taga Corinto 7:3-5:
Ibigay
ng lalake sa asawa ang sa kaniya’y nararapat: at gayon din naman ang babae
sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan,
kundi ang asawa: gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa
kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa’t isa,
maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo’y mamalagi sa
pananalangin, at muling kayo’y magsama, baka kayo’y tuksuhin ni Satanas
dahil sa inyong kawalan ng
pagpipigil.
Sa
pananalitang ito itinatag ng Dios ang prinsipiyo na ang dalawang magasawa
ay dapat magkaroon ng buhay ng pinakamalalim na pag-iisa. Ang kanilang
katawan ay pagaari ng bawat isa. Maliban lamang para sa isang maikling
gawaing espirituwal, hindi nila dapat ipagkait ang kanilang katawan sa
isa’t isa. Walang pagsasama sa sanglibutan na kagaya nito. Dapat silang
mamuhay bilang isang katawan sapagka’t itinalaga sila ng Dios
na maging isang laman.
Binibigyang-diin
ng Dios na ang pag-iisang ito ay hindi ginawa ng tao kundi ng Dios (Marcos
10:9). Ito ba ay tumutukoy lamang sa pagaasawang Cristiano? Kung iyan ay
totoo, ibig sabihin ng gayon, ang lahat na pagaasawahan na hindi Cristiano
ay hindi tunay na pagaasawahan; sila ay mga babae at lalake lamang na
nagsasama sa pakikiapid na
samahan.
Tinutukoy
ng Dios ang lahat ng pagaasawa ng sangkatauhan. Alam natin na nasa
paningin ng Dios ang lahat ng pagaasawahan sa buong kasaysayan ng mundo
sapagka’t ibinabalik tayo sa Marcos 10:6-8 sa ating unang mga magulang na
nilikha na naging magasawa. Marcos 10:6-8:
Nguni’t
buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila.
Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa
kaniyang asawa; At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila
dalawa, kundi isang laman.
|