|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 5.
ANG HINDI MANANAMPALATAYANG ASAWA ANG
SUMISIRA NG PANANAMPALATAYA
|
| PAHINA
32 |
Hindi
nagtuturo ang Biblia kahit saan na ang “douloo” ay kagaya ng kaugnayan ng
magasawang lalake at babae. Paano natin uunawain ang pagkakagamit
nito sa I Mga Taga Corinto 7:15? Makikita natin ang sagot kung ating
uunawaing wasto ang problema na sinasagot ng bersikulong
ito.
Tingnan
natin ang isang pangyayari na malimit nating makita sa ating panahon. Alam
ng isang Cristianong asawang babae na walang paghihiwalay sa anomang
kadahilanan, nguni’t ang hindi ligtas na asawang lalake ay nagpipilit na
makipaghiwalay. Ayaw niyang sundin ang salita ng Dios dahil hindi siya
ligtas. Ang Salita ng Dios ay alin man sa walang halaga ito sa kaniya o
kakaunti ang halaga nito sa
kaniya.
Ano
ang dapat gawin ng asawang babae? Dapat ba niyang walang tigil na labanan
at buong tapang na hadlangan ang kaniyang asawa upang maiwasan ang
paghihiwalay? May kasagutan ang Dios sa pangyayaring ito. Siya ay tinawag
sa kapayapaan. Hindi siya dapat lumaban. Sa kaniyang
pagkakatali kay Cristo, na masidhing nagnanasa na
makasunod sa kalooban ng Dios, hindi niya dapat
hadlangan ang paghihiwalay. Hindi siya nakatali sa nakasulat na utos
ni Cristo na dapat siyang makipaglaban.
Kung
ang lalake ay humiwalay sa kaniya, hindi siya maaaring magasawang muli
habang ang lalake ay nabubuhay pa (Mga Taga Roma 7:2-3). Sa halip na
magasawa, dapat siyang manatiling walang asawa o piliting makipagkasundo
sa kaniyang asawa gaya ng sinasabi ng I Mga Taga Corinto
7:11:
Datapuwa’t
kung siya’y humiwalay, ay manatiling walang asawa o kaya’y makipagkasundo
sa kaniyang asawa; at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang
asawa.
Hindi
nilalayon ng I Mga Taga Corinto 7:15 na tumulong o magbigay ng
ginhawa doon sa mga taong nais makipaghiwalay. Kung maingat nating
uunawain sa liwanag ng ibang sinasabi ng Biblia na pagtuturo tungkol sa
pagaasawa, makikita natin ang bersikulong ito na may magkasundo at lubos
na nagkakatugma sa prinsipyong nagsasabi na walang paghihiwalay sa anomang
kadahilanan.
IKAW BA’Y KALAG SA
ASAWA?
Ang
isa pang sipi na kung minsan ay ginagamit upang maging ipaliwanag na
ipinapahintulot daw ang paghihiwalay ay ang I Mga Taga Corinto
7:27-28:
Nakatali
ka ba sa asawa? Huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag, Ikaw baga’y
kalag sa asawa? Huwag kang humanap ng asawa? Nguni’t kung ikaw ay
magasawa, ay hindi nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay
hindi siya nagkakasala. Datapuwa’t ang gayon ay
|