|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 5.
ANG HINDI MANANAMPALATAYANG ASAWA ANG
SUMISIRA NG PANANAMPALATAYA
|
| PAHINA
31 |
Atin
ngayong susuriin ang isang bersikulo na kung minsan ay ginagamit bilang
isang batayang Biblikal para sa muling pagaasawa pagkatapos ng
paghihiwalay o pagdidiborsyo. I Mga Taga Corinto
7:15:
Gayon
man’y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang
humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa
mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng
Dios.
Itinuturo
ba ng I Mga Taga Corinto 7:15 na kung nagpipilit humiwalay ang isang
asawang hindi mananampalataya, ang mananampalatayang asawa ay hindi na
nakatali sa kaniyang pagaasawa, at kaya siya ay malayang
makapagaasawang muli?
Ating
nalalaman mula sa ating nagdaang mga pagaaral ang konklusiyon na ang isang
taong hiniwalayan ay maaaring muling magasawa ay mali. Ang susing salita
na dapat nating maunawaan ay ang salitang nangangahulugan ng “nakatali.”
Ito ang salitang Griegong “douloo” na nangangahulugan ng “maging alipin”
Ito ay mula sa salitang Griegong “doulos” na isinasaling “alipin,”
“aliping takatanikala”, o “katulong” sa Biblia. Ito ay malimit
gamitin upang tukuyin ang kaugnayan ng isang tao kay Cristo. Si Pablo ay
isang alipin (doulos) ni Cristo (Mga Taga Roma 1:1) Tayo ang mga alipin ni
Cristo (Mga Taga Colosas 4:12; II Timoteo 2:24) Sa kabilang dako, maaari
tayong maging alipin ng kasalanan (II Pedro
2:19).
Ang
salitang “doulos” o “douloo” ay hindi kailan man ginamit sa pagtukoy sa
ugnayan sa pagitan ng magasawang lalake at babae. Kung ang Biblia
ang paguusapan, ang lalake ay hindi kailan man alipin ng babae o ang babae
ay hindi kailan man alipin ng
lalake.
Sinasabi
ng Dios sa I Mga Taga Corinto 7:27, “Nakatali ka ba sa asawa? Subali’t ang
salitang “nakatali” ay talagang naiibang salita kay sa “doulos” o
“douloo.” Ito ang salitang Griegong “deo.” Ito ay salita na nagbibigay ng
kahulugan ng dalawang bagay na magkasama o tinaliang magkasama. Ang isang
bilanggo ay nakatali o nakatanikala (Marcos 6:17) Ang asno na maliit na
hayop na parang kabayo ay nakatali (Marcos 11:2) Ang magasawang lalake at
babae ay nakatali sa isa’t isa (I Mga Taga Corinto 7:27, 39; Mga Taga Roma
7:2) nguni’t ang kaisipan ng isang katulong o alipin ay hindi makikita sa
salitang “deo.”
|