Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata  4.     MATEO 19:9
PAHINA 27


Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa’t buhat sa pasimula ay hindi gayon.

    Ang salitang “katigasan ng puso” ay tumutukoy sa isang taong hindi ligtas, isang taong naghihimagsik laban sa Dios.

    Sa ganoon, kung may magpipilit na intindihin ang Mateo 19:9 na walang pakundangan sa ibang itinuturo ng Biblia, ang makikita lamang dito sa bersikulong ito ay ang lalake ay maaaring makipaghiwalay sa kaniyang asawa dahil lamang sa pakikiapid, at ang ganoong paghihiwalay ay isang pahiwatig ng mapaghimagsik at hindi ligtas na kalagayang espirituwal ng asawang lalake. Kaya, maging sa batayan ng Mateo 19:9. Walang tunay na anak ng Dios ang magiisip ng paghihiwalay. Sa halip, malalaman niya na siya ay tinatawagan na paulitulit na magpatawad sa kaniyang asawa sa kasalanan ng pakikiapid gaya ng pagpapatawad niya sa ibang mga kasalanan.

    Kung ating iisipin ang ginawa ng mga makabagong teologo sa bersikulong ito, dapat tayong maghinala na huwag maniwala sa kanilang mga sinasabi. Dahil sa kanilang pagsasabi na mayroong paghihiwalay dahilan sa pakikiapid, agad nilang sinasabi na hindi lamang ang lalake ang maaring makipaghiwalay sa kaniyang asawang nakikiapid, kundi ang babae ay maaari ding makipaghiwalay sa kaniyang nakikiapid na asawa. Subali’t ang bersikulong ito o alin mang bersikulo sa Biblia ay hindi nagpapahintulot sa babae na makipaghiwalay sa kaniyang asawa. Sa ganoon, pagka narinig natin ang mga gayong pagtuturo, dapat tayong magisip na mayroong laganap na paglabag sa tunay na pagintindi ng bersikulong ito.

    “Nagtuturo ba ang Biblia ng paghihiwalay dahilan sa pakikiapid?” Ang sagot ay talagang, “Hindi!”

    Sa Mateo 19:8, binibigyang-diin ni Jesus ang dalawang katotohanan. Una ay ang utos na ito ay inilagay sa aklat ng batas sa pangunahing dahilan na pagbibigay ng Dios sa isang paraan upang makipaghiwalay sa bansang Israel dahilan sa kanilang paghihimagsik na espirituwal, sa kanilang katigasan ng puso. Ikalawa, Kaniyang ipinahihiwatig na hindi ito ang walang hanggang plano ng Dios tungkol sa pagaasawa ng mga tao sapagka’t  “mula sa pasimula ay hindi gayon.”

    Binibigyang-diin ni Jesus sa Mateo 19:8 na ang lalake ay wala ng karapatang makipaghiwalay sa kaniyang asawa dahilan sa pakikiapid, kaya hindi tama na ang ating Panginoon ay maguulit sa susunod na bersikulo ng isang utos na katatapos lamang Niyang pinawalang-bisa.

WALANG DIBORSIYO SA ANOMANG KADAHILANAN

    Ang tamang pangunawa ng Mateo 19:9 ay agad makikita kung pupunta

 

 


PAHINA 26 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 28