|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 4. MATEO 19:9
|
| PAHINA
26 |
Nais
nating tingnan ng maingat ang isang bersikulo na madalas gamitin sa maling
paraan sa pagnanais ng mga tao na makakakuha ng batayan mula sa Biblia
para sa paghihiwalay. Ang Mateo 19:9 na kaagad ay kaugnay ng Deuteronomio
24:1-4 ay parang nagpapakita ng pagpayag sa paghihiwalay dahilan sa
pakikiapid. Mateo19:9:
At
sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban
na kung sa pakikiapid at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya:
at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng
pangangalunya.
Maraming
mga teologo ang bumabasa ng bersikulong ito at kaagad nagsasabing ito ay
nagtuturo na walang paghihiwalay maliban sa kaso ng pangangalunya. Atin
nang nakita sa ating pagaaral na walang anomang dahilan ng paghihiwalay.
Kaya natitiyak natin na ang bersikulong ito, Mateo 19:9 ay hindi
nagpapahintulot ng paghihiwalay dahilan sa pakikiapid o sa anomang
kadahilanan. Kung paniniwalaan natin kung ganoon ay, magkakaroon tayo ng
malaking pagsasalungatan.
Ang
Biblia ay nagkakaisa. Kahit na parang may mga salita ito na parang
magkakasalungat, alam nating hindi talaga sila tunay na magkakontra.
Parang sa tingin ay magkasalungat sila sapagka’t ang ating pangunawa ng
ilang kahinahinalang mga sipi ay hindi
sapat.
Ating
ipalagay na sumandali na ating dapat ibatay ang ating buong pangunawa ng
paghihiwalay at pagaasawang muli sa isang bersikulong ito. Mateo 19:9, ano
ang ating malalaman?
Parang
nagtuturo ang Mateo 19:9 na ang isang lalake ay maaaring makipaghiwalay sa
kaniyang asawa dahilan sa pangangalunya. Subali’t pansinin ninyo: Walang
sinasabi na maaaring makipaghiwalay ang babae sa kaniyang asawa dahilan sa
pakikiapid. Wala kahit na kakaunting pahiwatig o pagsasabi na ang babae ay
maaaring makipaghiwalay sa lalake. Sa totoo, walang sinasabi sa buong
Biblia na anomang salita na nagtuturo na ang babae ay maaaring
makipaghiwalay sa kaniyang asawang lalake. Gayon din hindi nagbibigay ng
magandang paliwanag sa lalake na makipaghiwalay sa kaniyang asawa sa
anomang kadahilanan liban sa
pakikiapid.
Bilang
karagdagan, sinasabi sa atin ng Mateo 19:8 na pinapayagan ni Moises ang
lalake na makipaghiwalay sa kaniyang asawa dahilan sa pakikiapid dahil sa
katigasan ng puso ng lalake:
|