Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 3.     ANG PAGAASAWA NG DIOS SA ISRAEL
PAHINA 22


na ang lalaking magasawa sa kaniya ay nakikiapid din. Binibigyang-diin ni Jesus na ang lalaking ito ay nakikiapid nga.

KALAHATI LAMANG NG ISRAEL ANG PINAYAGANG NAKIPAGHIWALAY SA DEUTERONOMIO 24:1

    Ang batas na nagpapahintulot sa isang lalake na makipaghiwalay sa kaniyang asawa dahil sa pakikiapid ay ipinapahintulot o pinapayagan lamang sa kalahati ng Israel. Pinapayagan ng Deuteronomio 24:1 ang lalake lamang na makipaghiwalay sa kaniyang asawa. Ang dahilan ay sapagka’t ayon sa likas niya bilang isang batas na pangseremoniya, ang batas ay nagtuturo sa darating na paghihiwalay o pagdidiborsyo ng bansang Israel. Walang anomang uri ng kalagayan ang ibinigay para sa babaing asawa upang makipaghiwalay sa lalake sapagka’t walang bahagi sa plano ng Dios ng kaligtasan o sa pakikitungo ng Dios sa bansang Israel ang nagpapahintulot sa Israel na makipaghiwalay sa Dios. Kaya nga ang babae ay hindi kailan man makikipaghiwalay sa isang asawang nakikiapid. Sa kaniyang kaugnayan sa kaniyang asawang lalake, siya ay nasasakop ng batas na panglahat na ibinigay mula pa sa pasimula ng paglalang na walang anomang paghihiwalay sa anomang kadahilanan kung anoman iyon.

    Sa ganito, sa pangyayari sa batas ng Dios (ang asawang lalake) sa kaniyang pagiging asawang espirituwal sa tao (ang asawang babae), walang anomang panahon na ang paghihiwalay dahil sa pakikiapid o anomang kadahilanan, ay pinapayagan. Gayon din, sa bansang Israel, ang babae ay hindi kailan man maaaring makipaghiwalay sa kaniyang asawang lalake dahil sa pakikiapid. Ang lalake lamang ang maaaring makipaghiwalay sa asawang babae dahil sa pakikiapid sapagka’t iyan ay bahagi ng batas na pangseremoniya na nagtuturo sa darating na paghihiwalay ng Dios mula sa binuong bansang Israel.

    Sa paglagom, ating makikita na itinuturo ng Deuteronomio 24:1-4 ang sumusunod na prinsipyo:

1.

Maaaring hiwalayan ng lalake ang asawa niya kung napatunayang nagkasala ng pakikiapid.

2.

Ang babae, na nagkasala ng pakikiapid, at dahil dito ay hiniwalayan, ay nagiging marumi kung magasawang muli sa ibang lalake. Kaya nga dapat siyang manatiling walang asawa.

3.

Walang pahintulot na ibinibigay sa babae na humiwalay sa kaniyang asawa sa anomang kadahilanan kung ano man iyon.


    Inulit ni Jesus sa Mateo 5:32 ang mga mahalagang prinsipyong mula sa Deuteronomio 24:1-4 at pinalawak ito upang ituro ang:

 

 


PAHINA 21 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 23