|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 3.
ANG PAGAASAWA NG DIOS SA
ISRAEL
|
| PAHINA
21 |
paghihiwalay.
Hindi lamang ang lalake na nais makipaghiwalay ay nagkakasala, kundi
pinapagkakasala din niya ang kaniyang asawa, kahit na ayaw niya ng
paghihiwalay.
Ito
ay madaling maunawaan pagka ating tandaan na ang mga nagasawa ay
pinag-isang laman ng Dios, isang pagsasamang makalangit na hindi maaaring
paghiwalayin ng tao. Kaya nga, kung paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng
Dios, ang pagsasama ay nagiging
mapakiapid.
Nguni’t
kung makiapid ang babaing asawa bago ang paghihiwalay ay nangyari, siya
ang dahilan ng pakikiapid. Ayon sa Deuteronomio 24:1, ang lalake ay
mayroong karapatang makipaghiwalay sa asawang babae sa ganitong
pangyayari. Dahil nakiapid ang babae bago ang paghihiwalay ay nangyari,
ang paghihiwalay ng asawang lalake sa kanya ay hindi dahilan ng pakikiapid
ng babae.
Si
Jesus ay hindi nagbibigay ng pansin sa Deuteronomio 24:1 upang ipakita na
ang kautusan na ito ay dapat magpatuloy sa habang panahon. Ipinakikita
lamang Niya na habang may bisa ang Deuteronomio 24:1, dapat malaman muna
ng lalake na ang babae ay nakiapid nga at kung hiwalayan siya ng dahil sa
ibang mga kadahilanan ay isang paglabag sa utos na
ito.
Sapagka’t
ang utos na ito ay pinawalang-bisa na (gaya ng ating makikita pagka
pinagaralan natin ang Marcos 10 at Mateo 19), hindi talaga itinuturo ni
Jesus na ang pakikiapid ay dahilan ng paghihiwalay. Kaya, hindi sinasabi
ng bersikulong ito kung may dahilan nga ng paghihiwalay o wala. Kundi,
binibigyan-diin lamang ni Jesus ang kalubhaan ng kasalanan ng
paghihiwalay.
ANG
BABAING INIHIWALAY AY NAGIGING MARUMI KUNG MAGAASAWANG
MULI
Ang
ikatlong bagay na sinasabi ni Jesus ay kaugnay sa paguulit sa pagsasabi at
paglilinaw ng Deuteronomio 24:2-4. Sa King James Bible, ang paggamit ng
“makayayaon” sa pariralang “ay makayayaon siya,” ay parang nagsasabi na
ang babaing nakikiapid na inihiwalay ay malayang magasawang muli. Subali’t
sa orihinal na Hebreo ang salitang “makayayaon” ay wala; kaya nga ang
Biblia ay hindi nagtuturo na maaari siyang umalis at maging asawa ng ibang
lalake. Ito ay makikita natin sa pananalita na matatagpuan sa bersikulong
4, na doon ay sinasabi ng Dios na siya ay magiging marumi kung magasawang
muli. Maliwanag na sinasabi na kung ang babaing inihiwalay ay magasawang
muli sa ibang lalake, siya ay nagiging marumi, kaya hindi na siya
makakabalik sa kaniyang unang asawa.
Ang
prinsipyong ito ay inuulit at pinalalawak sa huling parirala ng Mateo 5:32
na doon ay ipinahahayag ni Jesus na “ang sinomang magasawa sa kaniya kung
naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.” Dahil ang babaing
inihiwalay ay nagiging marumi dahil sa kaniyang muling pagaasawa,
maliwanag
|