Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 3.     ANG PAGAASAWA NG DIOS SA ISRAEL
PAHINA 18


Ikaw ay magkakaroon naman ng isang pook sa labas ng kampamento na iyong lalabasan: At ikaw ay magkakaroon din ng isang pala sa kasamahan ng iyong mga kasangkapan; at mangyayari, na pagka ikaw ay palilikod sa labas ay huhukay ka, at ikaw ay babalik at tatabunan mo ang ipinalikod mo: Sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya’t ang iyong kampamento ay magiging banal: upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo, at baka humiwalay sa iyo.

    Ang pariralang “maruming bagay” na malapit sa katapusan ng siniping ito ay “ervah debar” Ano ang “bagay na marumi”? Sa kontekstong ito, ito ay walang iba kundi ang bagay na lumalabas sa katawan ng isang tao kung siya ay dumudumi. Kung maramdaman ng tao ang pagdumi, dapat siyang lumabas ng kampamento, maghukay siya at ilagay doon ang dumi ng kaniyang katawan, at tabunan niya ito upang ang ibabaw ng lupa ay manatiling malinis.

    Sa totoo, ang anomang duming lumalabas sa katawan ng tao ay dahilan na ang pagtawag sa kanyang marumi. Ayon sa mga batas na pangseremonya ng Levetico 15, anomang bagay na lumalabas sa katawan ay nagpaparumi sa tao. Ang isang babaing may regla ay marumi. Ang sinomang nagtatae at narumihan ang kaniyang damit ay taong marumi.

    Kaya ang “ervah debar” sa Deuteronomio 23:14 ay nagbigay sa mga lalake ng malaking kalamangan sa kanilang pagaasawa. Ang dapat lamang niyang gawin ay humanap ng isang patak ng dugo sa damit ng kaniyang asawa, o anomang tulo na humawa sa kaniya o sa kaniyang damit, at sapat na ito upang magamit ng isang lalaking may matigas na puso upang magamit sa kaniyang masamang layunin ng paghihiwalay. Sa kaibuturan ng pagsasama ng magasawa, maraming pangyayari na maaaring magamit upang makakita ng “ilang karumihan” sa isang babae.

    Sa ganoon, madaling hiwalayan ng mga lalake ang kanilang mga asawa. Ang mga babae ay walang katiyakan na anoman. Kahit na hindi siya nagkasala ng pakikiapid, ang lalake ay madaling makakuha ng “maka Biblia” na dahilan upang hiwalayan ang asawa niya kung ito ang kanyang gusto.

ITINUWID NI JESUS ANG PANGYAYARI

    Nangatuwiran si Jesus sa ganitong uri ng pagkaunawa sa Deuteronomio 24:1-4. Niliwanag ni Jesus ang batas sa pamamagitan ng pagpapakita na ang mga bersikulo ng Deuteronomio 24 ay nagpapahintulot ng paghihiwalay sa dahilan ng pakikiapid lamang. Mateo 5:31-32:

Sinabi rin naman, ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay. Datapuwa’t sinasabi ko

 

 


PAHINA 17 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 19