|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 3.
ANG PAGAASAWA NG DIOS SA
ISRAEL
|
| PAHINA
17 |
Hindi
madalas, subali’t medyo kalimitan, ang “debar” ay isinasalin bilang
“gawa”(52 mga ulit), “materya”(63 mga ulit) at “ bagay” (215 mga ulit).
Kaya masasabi nating may katiyakan na sa Deuteronomio 24:1, ang “debar” ay
dapat isaling isang “gawa,” “materya,” “bagay,” o
“salita.”
Ang
salitang Hebreo na isinaling “kahiyahiyang bagay “ sa pariralang ito ay
“ervah” na makikita ng 54 na mga ulit sa King James Bible. Sa mahigit na
50 na mga dako ito ay isinaling “kahubaran.” Kung ating susuriin ang mga
dako na doon ay isinasaling “kahubaran,” ating makikita na ito ay malimit
na kaugnay sa garapal na karumihang seksual. Halimbawa sa Levetico 18 at
Levetico 20, na doon ay inilagay ng Dios ang mga utos na nagbabawal ng
insesto, ginamit ng Dios ang salitang “kahubaran” (“ervah”) sa hindi
kukulangin sa 30 mga ulit.
Kaya
ang salitang “ervah” ay mayroong kahulugan ng “pakikiapid.” Sa Levetico
18:8 nagbabala ang Dios, “Ang kahubaran [ervah] ng asawa ng iyong ama ay
huwag mong ililitaw.” Ang isang paliwanag sa babalang ito ay makikita sa I
Mga Taga Corinto 5:1:
Sa
kasalakuyan ay nababalita na sa inyo’y may pakikiapid at ang ganyang
pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo’y nagaari ng asawa
ng kaniyang ama.
Sa
bersikulong ito, ginagamit ng Dios ang salitang “pakikiapid” na konektado
sa karumihang seksual sa pagitan ng isang lalake at ng asawa ng kaniyang
ama. Sa Levitico 18:8 sinasabi ng Dios ang ganitong uri ng karumihang
seksual bilang paglalantad ng kahubaran. Kaya nakikita nating ang
“kahubaran” o “karumihan” ay katulad ng “pakikiapid o
pangangalunya.”
Pagka
pinagsamasama ang mga bagay na ito, alam natin na sa Deuteronomio 24:1
itinuturo ng Dios na kung ang isang lalake ay makakita ng isang “salita” o
isang “bagay” ng pakikiapid sa kaniyang asawa, maaari siyang gumawa ng
sulat ng paghihiwalay at hiwalayan siya. May ilang gawa ng pakikiapid na
maaaring parusahan ng kamatayan, nguni’t kung ang isang gawa o salita ng
pakikiapid ay hindi humihingi ng kamatayan ng mangangalunyang asawang
babae, ang lalake ay mayroon pa ring karapatang humiwalay sa
kaniya.
Ang
isa pang pagkakaintindi sa kahulugan ng “ervah” ay ito ang dahilan upang
buksan ang pintuan para sa mga asawang lalake sa Israel na hiwalayan ang
kanilang mga asawa sa anomang kadahilanan.
DIBORSIYO
SA ANOMANG KADAHILANAN
Sa
Deuteronomio 23:12-14 ginagamit ng Dios ang mga magkakatulad na parirala ,
“ervah debar,” na siyang susing parirala sa Deuteronomio 24:1. Ang “ervah
debar” ay hindi tumutukoy sa pakikiapid; kundi, ito ay tumutukoy sa
karumihang pangseremonya, Deuteronomio 23:12-14:
|