Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 3.     ANG PAGAASAWA NG DIOS SA ISRAEL
PAHINA 16


    Patuloy na ipinapakita ng Dios ang makasalanang likas ng Kaniyang asawang babae sa Jeremias 3:20: “Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.”

    Sa batas pangseremonya ipinakilala ng Dios ang dalawang mahahalagang batas tungkol sa pangangalunya sa loob ng pagaasawa. Sa panig ng Deuteronomio 22:22, ang lalake at babae na nagkasala ng pangangalunya ay kapwa dapat patayin. Sa panig naman ng Deuteronomio 24:1-4, ang babae lamang ang dapat ihiwalay dahil sa pangangalunya. Walang salitang ginamit dito o saan man sa Biblia na nagpapahiwatig na ang babae ay maaaring makipaghiwalay sa isang lalaking nangangalunya.

    Dahil bahagi ang mga batas na ito ng batas na pangseremonya, dapat sundin ito ng mga mamamayan ng bansang Israel. Kung malaman ng isang lalake na ang kaniyang asawa ay nakikiapid, dapat niyang ipabato siya at ang lalaking kasama niya hanggang mamatay. Kung mayroong maliwanag na pakikiapid kahit na hindi nahuli ang babae na nakikiapid, ang lalake ay mayroon pa  ring karapatang ihiwalay siya.

    Sa Bagong Tipan, binanggit ni Jesus ng ilang ulit sa batas na ito upang ipakita na ito ay pinawalang bisa na sa Kaniyang pagdating at ito ay ginamit sa maling pamamaraan ng Israel. Ito ay ginagamit rin ng simbahan sa maling paraan bilang biblikal na batayan   ng paghihiwalay.

ANG MALING PAGGAMIT NG ISRAEL NG DEUTERONOMIO 24

    Ang salita sa Deuteronomio 24:1-4 ay malabo ngang tunay na ang mga lalake sa bansang Israel ay gumamit nito bilang batayan upang ihiwalay ang  kanilang mga asawa sa anomang kadahilanan. Kung maunawaan natin kung bakit, dapat nating higit na mauunawaan ng mabuti ang Mateo 5:32, ang bersikulong ginagamit ng mga tao upang bigyang katuwiran o karapatan ang paghihiwalay dahil sa pakikiapid.

    Ang mga susing salita sa Deuteronomio 24:1 ay “isang kahiyahiyang bagay.” Dahil sa “isang kahiyahiyang bagay” na makikita sa isang babae ay maaaring hiwalayan ng kanyang asawa ayon sa Biblia. Ano ang kasalanang ito?

    Ang salitang Hebreong “debar” na isinasaling “isang” sa pariralang “isang kahiyahiyang bagay ay karaniwang nangangahulugang “salita” o “bagay.” Sa loob ng mga 2400 na paggamit sa Biblia ng salitang “debar” ito ay isinalin sa hindi kukulangin sa 1000 na mga bersikulo sa salitang “magsalita” o “mangusap” o isang kagayang bagay. Sa ibang mga bersikulo, ito ay isinasaling “salita” (hindi kukulangin sa 770 na mga ulit). Kaya nga ang “salita” o “magsalita” ay pangunahing kahulugan ng salitang “debar.”

   

 


PAHINA 15 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 17