Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 3.     ANG PAGAASAWA NG DIOS SA ISRAEL
PAHINA 15


Israel, ipinasok ng Dios ang isang batas na nagpapahintulot ng paghihiwalay. 

   Ang Dios ang tagabigay at taga-gawa ng batas, at maaaring ipasok Niya ang ano mang batas na gusto Niya. Anoman ang batas na ilagay ng Dios, laging inilalagay ng Dios ang Sarili Niya na tagasunod din ayon sa Kaniyang ganap na katuwiran. Sa Kaniyang Salita sa Deuteronomio 24:1-4 ang Dios ay, naglagay ng batas, isang batas na nagpapahintulot ng paghihiwalay dahil sa pakikiapid:

Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka’t kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpaalamin niya sa kaniyang bahay. At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake. At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya. Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka’t yao’y karumaldumal sa harap ng Panginoon; at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinigay na pinakamana sa iyo ng Panginoong mong Dios.

    Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa isang lalake na humiwalay sa kaniyang asawa na kinakitaan niya ng karumihan (Mamaya ay ating ipakita na ito ay konektado sa pakikiapid.) Ang pagsama ng batas na ito ang nagpapahinulot sa  Dios na humiwalay sa bansang Israel. Sinasabi sa atin sa Isaias 50:1:

Ganito ang sabi ng Panginoon, Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? O sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina..

    Ganoon din, sa Jeremias 3:8 ating mababasa:

At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay, gayon ma’y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.
 


    


PAHINA 14 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 16