|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 3.
ANG PAGAASAWA NG DIOS SA ISRAEL
|
| PAHINA
14 |
Ang
ikatlong batas na pangseremoniya na kaugnay sa pagaasawa at diborsiyo ay
ipinakilala sa Biblia dahil sa pagaasawang espirituwal (na ito ay naiiba
ng husto sa pagaasawa ng batas ng Dios sa sangkatauhan) na doon ay
nakipagasawa ang Dios sa sinaunang bansang Israel bilang Kaniyang asawang
babae. Ang Israel bilang isang panloob at panglabas na samahan ay
kumakatawan ng kaharian ng Dios sa lupa sa loob ng kasaysayan mula kay
Abraham hanggang kay Jesus. Ang relasyong pagaasawang ito ay itinatag ng
Dios dahil ang bansang Israel ay naglalarawan at nagbabala ng espirituwal
na Israel ng Dios na naging walang hanggang kasintahan ni Cristo. Alam
natin ang pagaasawang espirituwal sa pagitan ng Dios at ng bansang Israel
ay nagpapatuloy na noon dahil sa mga sumbong ng Dios tungkol sa pakikiapid
sa espirituwal ng Kaniyang asawang babae, na nakasulat sa Jeremias 3:14:
“Kayo’y manumbalik, Oh tumalikod na mga anak, sabi ng Panginoon,
sapagka’t ako’y asawa ninyo.” Hindi nila Siya asawa na bawat isa; sa
bawat isa sa kanila, sila ay asawa ng batas ng Dios. Siya ay asawa nila
bilang isang binuo o panlabas na
samahan.
Hindi
sila kailanman naging matapat sa haba ng kasaysayan ng bansang Israel.
Paulitulit silang nagnasa ng ibang mga dios. Ano ang gagawin ng Dios sa
Kaniyang nakikiapid na asawang
babae?
Ayon
sa walang hanggang batas ng Dios, kailangang mamatay ang nakikiapid na
asawang babae, nguni’t hindi mawawasak ng Dios ang bansang Israel,
sapagka’t si Cristo ay magmumula sa bansang Israel. Isang karagdagan pa
ang bansang Israel ang taniman na pagmumulan ng simbahan o iglesia ng
Bagong Tipan.
Ang
plano ng Dios ay gamitin ang bansang Israel bilang halimbawa ng Kaniyang
pagpapatiis at kahabagan. Sa parabulo ng Lucas 13, ang punong igos na
paulitulit na hindi nagbunga ay dapat sanang putulin, nguni’t
binigyan ng isa pang pagkakataon. Kung wala pang bunga, dapat itong
putulin na sana. Ngayon ang bansang Israel ay isa sa mga mayaman na bansa
sa daigdig. Kung ito ay titigil ng pamumungang espirituwal, ito ay
sisirain.
Dahil
sa mga kadahilanang ito at sa iba pang dahilan marahil, pinasiyahan ng
Dios na hindi ipapatay ang Kaniyang asawang espirituwal na bansang Israel.
Ngunit plano ng Dios na tapusin ang Kaniyang pagaasawang espirituwal sa
bansang Israel. Noong pumunta na si Cristo sa krus, minaging dapat ng Dios
na tapusin ang Kaniyang relasyon sa espirituwal ng bansang
Israel.
Upang
matupad ang layuning ito, ipinakilala ng Dios ang isa pang batas sa
kalipunan ng mga batas na pangseremoniya. Upang mahiwalayan ang bansang
|