Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 2.     KAMATAYAN ANG PARUSA SA PAKIKIAPID
PAHINA 11

ito na pang espirituwal ay ang magtuturo sa atin ng ating matinding pangangailangan ng Tagapagligtas.

Kamatayan Lamang ang Makakatapos sa Pagaasawahang Makatao

   Ang salitang “natatali’ sa Mga Taga Roma 7:2 ay mahalaga; ito ang salitang Griegong “deo.” Nangangahulugan ito ng pagiging “nakatali na magkasama” Halimbawa, sa Marcos 5:3, ito ay isinasaling “magapos” at sa bersikulong 4, “ginapos.”  Marcos 5:3-4:

Na tumatahan sa mga libingan; at sinoma’y hindi siya magapos, kahit ng tanikala; Sapagka’t madalas na siya’y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya.

    
Sa Mga Gawa 12:6 ating mababasa na si Pedro ay nakabilanggo, na “nagagapos ng dalawang tanikala.” Ang salitang “deo” ay makikitang maraming ulit sa Biblia at lagi itong ginagamit sa diwang ang isang tao ay nakatali o nakagapos. Ginagamit ito ng Dios upang ilarawan ang kaugnayan ng babae sa kaniyang asawang lalake. Ito ang makikita sa Mga Taga Roma 7:2 at sa I Mga Taga Corinto 7:39 “Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni’t kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon.”

    
Sa I Mga Taga Corinto 7:27, ating mababasa, “Nakatali ka ba sa asawa? Ang pagkakatali o pagkakagapos ng babae sa kaniyang asawa ay makakalag lamang sa pagkamatay ng lalake gaya ng sinasabing maliwanag sa Mga Taga Roma 7:2-3. Siya ay nakagapos sa kaniya habang siya ay nabubuhay.

PAANO MAGING MALAYA MULA SA  PAGAASAWA SA BATAS NG DIOS

    May magandang turo ang Biblia na nagpapakita kung paano natin matatapos ang pagsasalapat na espirituwal ng batas na itong pangseremoniya. Sa Mga Taga Roma 7:4 ibinibigay ng Dios ang daan ng pagtakas:

“Gayon din naman mga kapatid ko, kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, upang kayo’y makisama sa iba, sa makatuwid baga’y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo’y magsipagbunga sa Dios.”

    
Ano ang ibig sabihin ng “kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo?” Ang kamatayan na hinihingi ng ating

 

 


PAHINA 10 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 12