|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 2.
KAMATAYAN ANG PARUSA SA
PAKIKIAPID
|
| PAHINA
10 |
Apokalipsis
17. Dahil sa pagiging makasalanan ng tao, siya ay nabubuhay sa
pakikiapid bilang isang patutot. Ang bawa’t pagkakasala ay isang gawa ng
pakikiapid na espirituwal.
Subali’t,
kahit ang batas ng Dios, ang lalaking asawa, ay hindi
maaaring makipaghiwalay sa nakikiapid na asawang babae, ang
sangkatauhan, mayroon namang isang paraan na maaaring tumapos sa
nakakasindak na pagaasawang ito. Dahil sa pakikiapid, ang babae ay dapat
mamatay. Kung mamatay lamang ang babae maaaring matapos ang pagaasawang
ito.
Sapagka’t
ang lalaking asawa ay talagang matuwid at banal, ito (ang batas ng Dios)
ay magsasakdal laban sa babaing nakikiapid, na hihingin ang kamatayan
niya. Ito ang uri ng kamatayan na siyang hinihintay na darating sa ilalim
ng batas na pangseremoniya sa Deuteronomio 22:22.
Ang Kapahamakang Walang Hanggan Lamang ang
Makakatapos ng Pagaasawang Espirituwal
Ang
panglupang salaysay o kwento ay humihingi na ang babaing nakikiapid at ang
kasama niyang nagkakasala ay kailangang batuhin hanggang mamatay. Ang
makalangit na kahulugan ng nakakatakot na parusang ito ay higit na serioso
sapagka’t ang kamatayan na hinihingi ng asawa ng sangkatauhan, ang batas
ng Dios ay ang pangalawang kamatayan, ay kaparusahang walang katapusan.
Pagkatapos lamang na mapunta tayo sa impierno na walang hanggan ang
pagaasawahan sa pagitan ng batas ng Dios at ng bawa’t tao ay
matatapos.
Pagka
mamatay na pisikal ang isang lalake o babae o bata, hindi tinatapos ng
kamatayang ito ang pagaasawang espirituwal sa batas ng Dios. Sa huling
araw, kung bubuhayin na ang bawa’t tao, ang kaniyang asawang espirituwal,
ang batas ng Dios, ay magsasakdal laban sa kaniya ng pagiging mapakiapid
na espirituwal.
Maging
sa impierno ang batas ng Dios ay naroroon at humihingi ng kabuuan ng
kaparusahan, ang walang hanggan sa impierno. Sapagka’t ang walang hanggan
ay walang katapusan, hindi matatapos ang nakakasindak na kaugnayang ito.
Binabalaan tayo ng Dios tungkol dito sa batas na pangseremoniya sa
Deuteronomio 22:22.
Mula
nang si Cristo ay nagtungo sa krus, ang panglupang pananaw ng batas na
pangseremoniyang ito ay hindi na tutuparin. Ito ay ipinakita ni Jesus sa
Kaniyang reaksiyon sa babaing nahuling nakikiapid
(Juan 8:1-11). Ayon sa Deuteronomio 22:22, dapat siyang batuhin hanggang
sa mamatay, nguni’t pinawalang bisa ni Jesus bilang Dios na walang hanggan
ang batas na ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa babae na huwag ng
magkasala pang muli.
Ang
espirituwal na kahulugan ng Deuteronomio 22:22 ay nagpapatuloy sa buong
panahon (Mga Taga Roma 7:1-4) Ang ating pagkilala sa kalagayang
|