Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 2.     KAMATAYAN ANG PARUSA SA PAKIKIAPID
PAHINA 9


  Sapagka’t pinagsama ang dalawang ito ng Dios, walang sinomang tao ang maaaring maghiwalay ng pagsasamang ito. Kahit gaano man ang ating pagnanasang maging malaya sa ating pagaasawang espirituwal sa batas ng Dios, hindi tayo makakalaya rito.

    Ito ay pagaasawa sa pagitan ng isang ganap na lalake at ng isang babaing puno ng kahinaan. Ang lalake, na ito ay ang tinatawag na ang batas ng Dios, ay talaga ngang walang kapintasan. Ang babae naman ay ang tinatawag na sangkatauhan at siya ay mapakiapid o makasalanan. Alam natin na ang batas ng Dios ay ang lalake sapagka’t sinasabi ng Mga Taga Roma 7:1 na ang batas ay mayroong paghahari sa tao. Sa lahat ng pagaasawahan, ang lalake ay siyang puno sa kanyang asawang babae at ang babae naman ay nagpapasakop sa kaniyang asawang lalake.

    Kaya nga, sa loob ng espirituwal na pagaasawahang ito, tayong mga tao ay dapat nagpapasakop sa batas ng Dios, na siyang asawa nating lalake sa espirituwal.  Sa bawa’t sandali na nagkakasala tayo, tayo ay nakikiapid sa espirituwal. Tayo ay hindi nagiging matapat sa ating espirituwal na asawang lalake, ang batas ng Dios.

    Ang batas ng Dios na siyang asawang lalake ay hindi maaaring humiwalay sa kaniyang asawang babaing mapakiapid sapagka’t ang pinagsama ng Dios ay hindi maaaring paghiwalayin ng tao. Totoong serioso ang paghawak ng Dios sa prinsipyong ito na maging ang isang ganap na lalaking asawa, na iyan ay ang batas ng Dios, ay hindi maaaring makipaghiwalay sa mapakiapid na asawang babae (ang bawa’t tao) na asawa niya.

    Ang pakikiapid na espirituwal ang pinaguusapan sa Santiago 4:4: “Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios? Sa bersikulong ito, maliwanag na nagsasalita ang Dios ng tungkol sa mapakiapid na likas ng sangkatauhan. Ang mga lalake at babae ay mapangalunya sapagka’t nabubuhay sila sa isang pakikiapid sa espirituwal sa batas ng Dios na doon ay nakipagasawa silang espirituwal. Tinukoy ni Jesus ang kalagayang ito ng pakikiapid ng sangkatauhan sa Marcos 8:38:

Sapagka’t ang sinomang magmakahiya sa akin at  sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao,  pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.

    Ang mapangalunya at makasalanang lahi na sinasabi Niya ay sumasaklaw sa lahat ng tao sa lahat ng panahon.

    Ang kaharian ni Satanas na kinabibilangan ng mga hindi ligtas na tao ng mundong ito, ay inilalarawan bilang isang patutot o masamang babae sa

 

 


PAHINA 8 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 10