Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 2.     KAMATAYAN ANG PARUSA SA PAKIKIAPID
PAHINA 8


    Ang ikalawang batas na pangseremoniya na kaugnay ng pagaasawa ay makikita sa Deuteronomio 22:22: “Kung ang isang lalake ay masumpungan na sumisiping sa isang babaing may asawa, ay kapuwa nga sila papatayin, ang lalake na sumisiping sa babae, at ang babae: gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel.”

   Ang batas na ito ay nangangailangan na magpataw ng kamatayan sa isang lalake at isang babae na natuklasang mayroong pakikiapid na pagsasama. Ang isang madulang paghatol ng mga taong nagkakasala ng pakikiapid ay ang literal o aktuwal at makalupang pagsasalapat ng batas na ito.

   Ang batas na ito ay hinihingi ang parusang kamatayan para sa lalake at babae na natuklasan sa pakikiapid na relasyon. Ang madrama na paghuhukom sa mga gumagawa ng pangangalunya ay ang aktuwal, at makalupang pagsasalapat sa kautusang ito.

    Ang makalangit na kahulugan sa pagsasalapat ng Evangelio ng batas na ito ay makikita sa Bagong Tipan, na doon ang utos na ito ay nagtuturo sa isang nakakasindak na pagaasawang espirituwal. Ang pagaasawang ito ay ipinahahayag sa Mga Taga Roma 7:1-4:

O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka’t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya’y nabubuhay? Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y mamatay ay kalag na sa kautusan ng asawa. Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya’y makikisama sa ibang lalake, siya’y tatawaging mangangalunya; datapuwa’t kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan ano pa’t siya’y hindi na mangangalunya, bagaman siya’y makisama sa ibang lalake. Gayon din naman mga kapatid ko, kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, upang kayo’y makisama sa iba, sa makatuwid baga’y  doon sa nabuhay na maguli, upang tayo’y magsipagbunga sa Dios.

    Sa isang diwang espirituwal ang bawa’t tao ay automatikong magasawa sila sa batas ng Dios. Ang pagaasawang ito ay hindi bunga ng kagustuhan ng tao. Kundi, ito ay pagaasawa na doo’y pinagsama ng Dios ang dalawang panig sa isang hindi mawawasak na pagsasama. Ang dalawang panig na ito ay ang sangkatauhan sa isang dako, at  ang batas ng Dios sa kabilang dako naman. 

 

 


PAHINA 7 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 9