|
Ang Pinagsama ng Dios...
pakikipagkasundo
mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya
sa di sumasampalataya? At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios
sa mga diosdiosan? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi
ng Dios, mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y
magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. Kaya nga,
magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at
huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, at kayo’y aking
tatanggapin. Dahil ang mga lalake ng bansang Israel ay kailangang humiwalay sa kanilang mga asawang hindi mananampalataya, ano naman ang mangyayari sa pagaasawahang hindi magkapareho sa ngayon na doon ang isang mananampalataya ay nakapagasawa ng isang hindi mananampalataya? Dapat bang hiwalayan ng mananampalataya ang kaniyang asawang hindi mananampalataya? Sa Bagong
Tipan pagka sinasabi ng Dios, ang salitang “Israel”, ang Kaniyang ibig
sabihin ay ang grupo ng mga mananampalataya. Ang mga kalalakihan sa
Matandang Tipan ay hindi dapat magsipagasawa ng mga babaing hindi
mananampalataya, at ang mga kalalakihan ng Israel sa Bagong Tipan, ang mga
tunay na mananampalataya, ay hindi dapat magasawa ng mga hindi ligtas na
tao. Nangangahulugan ba ito na nais ng Dios na ang isang mananampalataya
ay dapat makipaghiwalay sa kaniyang asawang hindi ligtas? Sinasagot ng
Dios ang katanungang ito sa I Mga Taga Corinto
7:12-13..
|