|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 1.
ANG PAGDIDIBORSYO O PAGHIHIWALAY AYON SA
BIBLIA
|
| PAHINA
5 |
Ang
pasiya ay gawin ito na ayon sa kautusan. Sa Isaias 52:11 sinabi ng batas
ng Dios na ang mga taong nasangkot sa mga bagay na marumi ay kailangang
humiwalay sa mga bagay na marumi. Sa praktikal na kahulugan, kung ang
isang Israelita ay
magasawa ng isang babaing hindi mananampalataya, kailangan niyang
hiwalayan ang asawang ito, na siyang paraan ng pagkaunawa sa batas ni Ezra
at ng mga pinuno ay naiintindihan ang batas na iyan. Ezra
10:10-12:
At
si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo’y
nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang
palalain ang sala ng Israel. Ngayon nga’y mangagpahayag kayo sa Panginoon
sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban; at
magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang
bayan. Nang magkagayo’y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng
malakas, Kung ano ang inyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat
naming gawin.
Ating
mababasa sa Ezra 10:16-17:
At
ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na
kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa
mga sangbahayan ng kanilang mga magulang at silang lahat ayon sa kanilang
mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila’y nangaupo sa unang araw ng
ikasampung buwan upang litisin ang bagay. At kanilang tinapos ang tungkol
sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang
unang araw ng unang buwan.
Sa
pagsasamasama ng mga iniuutos ng Deuteronomio 7:2-4 at Isaias 52:11 at ng
huling dalawang kabanata ng aklat ng Ezra, ating makikita na ang
makalupang pagsasalapat ng unang batas na pangseremoniya tungkol sa
pagaasawa ay mayroon noon pagdidiborsiyo ayon sa Biblia. Kung ang
isang lalake ay nakalabag ng utos sa Deuteronomio 7:2-4 sa pamamagitan ng
pagaasawa ng isang babaing hindi mananampalataya, ang utos sa Isaias 52:11
ay nagsasabi na dapat niyang ituwid ang makasalanang pangyayaring ito sa
pamamagitan ng paghihiwalay sa kanyang
asawa.
Ang
espirituwal o makalangit na kahulugan na ipinakilala ng mga batas na ito
ay nagpapatuloy sa kasalukuyan. Sa II Mga Taga Corinto 6:14-17 ay,
sinasabi ng Dios:
Huwag
kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya:
sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong
pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong
|