Ang Pinagsama ng Dios...



Kabanata 1.     ANG PAGDIDIBORSYO O PAGHIHIWALAY AYON SA BIBLIA
PAHINA 3


katangian ng pagtatayo ng templo at mga batas na patungkol sa pagtatanim ng halaman sa bukid at paghabi ng tela.

    Dapat sunding tunay ng bansang Israel ang mga batas na ito, bilang mga panglupang karanasan, ngunit dapat nilang malaman   na ang panglupang pangyayaring ito ay isa lamang anino o walang laman o kinatawan ng ilang aspekto ng pagliligtas ng Dios. Sa Mga Taga Colosas 2:16-17, binigyang-diin ng Dios ang prinsipyong ito; “Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o paginom o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabath. Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni’t ang katawan ay kay Cristo.”

    Ang kasama sa mga batas na pangseremoniyang ito ay ang mga batas tungkol sa pagaasawa. Tatlo rito ay dapat nating pansinin.


ANG MGA MANANAMPALATAYA AY HINDI DAPAT MAKIPAMATOK

    Ang una sa tatlong batas na ito ay ibinigay sa bansang Israel noong patungo sila; sa lupain ng Canaan. Deutoronomio 7:2-4:

At pagka sila’y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila: ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila: Ni magaasawa sa kanila: ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake. Sapagka’t kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila’y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo’y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.

    Ang unang bahagi ng kautusang ito ay nagtuturo sa paghatol na espirituwal sa mga hindi ligtas sa Araw ng Paghuhukom, pagka hahatulan ng mga mananampalataya ang mga taong ipapadala sa impierno dahil sa kanilang mga kasalanan (I Mga Taga Corinto 6:2; Apokalipsis 2:26-27). Ang panglupang pagsasagawa nito ay ang naninirahan sa lupain ng Canaan ay dapat puksain ng bansang Israel..

    Ang ikalawang bahagi ng batas ay nagtuturo sa prinsipyong espirituwal na ang mga mananampalataya ay hindi dapat makipamatok o makipagasawa sa mga hindi mananampalataya. Ang bansang Israel ay kumakatawan sa mga mananampalataya kay Cristo. Ang mga bansang hindi mananampalataya na nakapalibot sa bansang Israel ay kumakatawan sa mundo na dala ang lahat nitong panghihikayat at panunukso. Ang mga kalalakihan ng bansang Israel ay hindi dapat magaasawa ng mga babaing hindi mananampalataya, at ang

 

 


PAHINA 2 ANG MGA NILALAMAN 1 ANG MGA NILALAMAN 2 PAHINA 4