|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 1.
ANG PAGDIDIBORSYO O PAGHIHIWALAY AYON SA
BIBLIA
|
| PAHINA
2 |
ang
pagsasalapat nito ay may kaugnayan sa ilang aspekto ng kaligtasan.
Maaaring nagtuturo ito ng ilang aspekto ng kamatayan at pagkabuhay na
maguli ni Cristo; maaaring may kinalaman ito sa pananampalataya sa buhay
ng isang mananampalataya; maaaring nagbibigay ito ng diin sa pagdadala ng
Evangelio; maaaring magturo ito ng tungkol sa Araw ng Paghuhukom. Sapagka’
t ang bansang Israel ay napapaloob sa salaysay ng Evangelio, ang ilang mga
talinghaga ay nagtuturo tungkol sa plano ng Dios ng kaligtasan para sa
kanila. Halimbawa, sa Mateo 21:33-45, ang talinghaga ng isang masamang
katiwala ay nagtuturo sa katotohanan na ang kaharian ng Dios ay
aalisin mula sa bansang Israel at ibibigay sa ibang mga
tao.
Ginagamit ng
malawakan ang ganitong paraan ng pagtuturo sa Matandang Tipan; halimbawa,
makikita ito sa mga huwaran at anino na ginamit ng Dios sa mga batas na
pangseremoniya na nagbabalangkas ng mga gawaing pagsamba nila at mga batas
na pambayan na namamahala sa mga gawaing pambayan ng mga
Israelitas. Ito ay tinatawag ng mga teologo na “mga
batas na pangseremoniya” sapagka’t ito ay dapat na sundin nang lubusan sa
kanilang pangmundo at pisikal na pamumuhay ng nasyong Israel. Pagkatapos
na napako si Cristo sa krus, ang aspektong pisikal ng mga batas na
ito ay hindi na dapat sundin. Ngayon ang makalangit lamang na kahulugan ng
mga batas na ito ay nagpapatuloy. Noong nakabayubay si Cristo sa krus, ang
malaking takip na nagpapahiwalay ng dakong kabanalbanalan mula sa dakong
banal ay napunit sa gitna mula sa itaas pababa sa pamamagitan ng daliri ng
Dios. Ipinapakita nito ang katapusan ng paggawa at pisikal na pagsunod sa
mga batas na pangseremoniya. Mula noon ang mga mata ng mananampalataya ay
dapat nakatuon lamang sa katuruan nitong espirituwal na napapaloob sa mga
batas na pangseremoniya na hindi tulad ng paggawa at pisikal na pagsunod
sa mga batas na
pangseremoniya.
Sa
totoo, nang magkatipon ang iglesia ng Bagong Tipan upang pasiyahan kung
anong mga batas na pangseremoniya ang dapat na sundin ng mga Gentil,
nagtapos sila sa Mga Gawa 15:28-29:
Sapagka’t
minagaling ng Espiritu Santo at namin na huwag kayong atangan ng lalong
mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: Na kayo’y
magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga
binigti at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay
ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
Ang bunga, ang pagsunod sa mga batas na pangseremoniya ay nagtapos.
Ang mga batas na pangseremoniya ay sumasaklaw ng mga bagay mula sa mga
dugong inihain at mga handog na susunugin hanggang sa mga sukat at
|