|
Ang Pinagsama ng Dios...
Kabanata 1.
ANG PAGDIDIBORSYO O PAGHIHIWALAY AYON SA
BIBLIA
|
| PAHINA
1 |
Nagpapasimula
tayo sa ating pagsasaliksik ng mga kasagutan sa isang malubha at
nakakalitong problema: Tuklasin natin ang katotohanan tungkol sa
katangiang pagkakatali ng samahan ng pagaasawa. Sa ating kapanahunan,
halos lahat ng simbahan at denominasyon ay nagpasiya na maaaring putulin
ang pagaasawa at ang nagdiborsiyong tao ay pinapayagang magasawang muli sa
ilalim ng ilang kondisyon.
Ang
mga ganoong mga batas ay itinuturo at ipinangangaral na parang Salita ng
Dios. May kataimtimang sinasabi ng mga pastor na mayroon silang buong
awtoridad ng Dios upang pagdiborsiyohin o paghiwalayin ang magasawa sa
ilalim ng ilang kondisyon at gawin ang Dios na isang saksi sa pagaasawa ng
mga taong idiniborsiyo ng kani-kanilang unang asawa. Ano ang sinasabi ng
Biblia tungkol dito?
Upang
maunawaan natin ang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagaasawa
at pagdidiborsiyo o paghihiwalay, dapat tayong magsimula sa isang
pangunawa ng mga batas na pangseremoniya ng Biblia, na doon ang Dios ay
unang nagsalita tungkol sa pagaasawa at pagdidiborsiyo, at ang kanilang
kaugnayan sa sanlibutan at sa simbahan o iglesia sa ngayon. Maraming mga
teologo sa ating kapanahunan ngayon ang naniniwala na mayroon silang
batayan sa Biblia ayon sa mga batas na pangseremoniya upang pahintulutan
nila ang pagdidiborsiyo at pagaasawang muli, at ginawa nilang isang
larawan ang mga batas na pangseremoniya at ginamit nila ito bilang
pagtatanggol sa pagdidiborsiyo.
Ano ang mga batas na pangseremoniya?
Noong
si Cristo ay nasa lupa, nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga
talinghaga at “hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga”(Marcos 4:34).
Kung minsan ay sinasabi ni Jesus sa mga tao na nagsasalita siya sa
pamamagitan ng talinghaga. Sa ibang pagkakataon naman ay basta na lamang
Siyang nagsasabi ng isang salaysay at batay sa pangyayari sa Biblia alam
nating ito ay isang talinghaga. Halimbawa, kalimitan sisimulan Niya ang
isang salaysay o pahayag ng mga salitang “ang kaharian ng langit ay tulad
sa.” Pagka ginamit Niya ang ganitong panimulang pananalita, Siya’y
nagtuturo sa pamamagitan ng isang talinghaga.
Ang
isang talinghaga o parabula ay isang makalupang salaysay na mayroong
makalangit na kahulugan. Sa ibang salita, ang isang talinghaga ay isang
salaysay o paglalarawan na kinuha sa makamundong daigdig, nguni’t
|