|
Ang Pinagsama ng Dios...
Limampung
taon na ang nakakaraan, ang diborsiyo ay hindi halos naririnig maliban sa
ilang mga nangunguna sa mga elemento ng ating kultura. Sa simbahan o
iglesia, ang pakikipagdiborsiyo ay hindi makikita. Pagka ating ihambing
ang iglesia ngayon sa iglesia noong nagdaang 50 taon, tayo ay magugulat sa
paglitaw ng nakakalumong pangyayari ng
diborsiyo. Ngayon,
ang diborsiyo ay kasing karaniwan gaya ng damo. Halos sa lahat ng iglesia,
hindi lamang ang mga taong nasa upuan ang naghihiwalay, kundi maging ang
mga deakono at mga matatanda at mga pastor ay nakikipaghiwalay. Ang
institusyon ng pagaasawa ay naging isang lugar na
madugo. Paano
ba ito nangyari? Ang iglesia ba noong nakaraang 50 taon ay mayroong maling
unawa sa mga panuntunan ng Biblia tungkol sa pagaasawa at pagdidiborsiyo?
Ang kalagayang ito ay nakakalumo at malawak.
Nakikita natin ang problema ng mga naghihiwalay at taong mga nagiisip na
maghiwalay, at ang sugat sa mga anak ng mga malungkot na pagaasawang ito
ay hindi mailalarawan. Sa
pagkawasak ng pamilya ay dumating ang matinding paghahangad ng
kasiyahang seksual at mga maling nasa. Talaga nga, ang Sodoma ay
dapat ilipat sa pangalawa bilang punong-lungsod ng masasamang nasa at
kahalayan. Ang
laki at lagim ng problema ay hindi mabibigyan ng higit pang diin. Ang
pagaasawa ay may kinalaman sa pamilya, ang pamilya ang batayan ng lipunan.
Ang pamilya ay ang panulok o unang bato ng bawa’t bansa. Pagka ang pamilya
ay nawasak, ang pagkawasak ng bansa ay hindi malayo na darating sa
likuran. Kaya, mahalaga na ating makita ang solusyon sa nakakakilabot na
salot na ito na lumalaganap sa buong
lupa. Sa pagaaral
na ito, ating sisimulan at tatayo sa prinsipiyo na ang Biblia ang tanging
ganap na katotohanan. Ang atin lamang pangunawa sa Biblia ang maaaring
mali. Tayong mga Cristiano ay mayroong pananagutan na saliksikin ang Mga
Kasulatan upang matuklasan ang katotohanan. Maraming masasabi ang Dios
tungkol sa ugnayang pagaasawa, at ating sasaliksikin ang lahat ng sinasabi
ng Biblia tungkol, sa paksang ito.
|